Chapter 19: ~ Meet my grandma ~

33 1 0
                                    

Ayesha POV.

Maganda ang gising ko kaninang umaga. Sobrang naging masaya ang 18 birthday ko. Thanks to him.

Nakatambay ako ngayon sa garden habang nilalaro si Zais my baby pom. Sina mommy at daddy nasa isang branch yata ng company namin dito. Mamaya may dinner kame with Zack's family. Kinakabahan ako pero excited ako ang weird. Si Zack nasa mansyon ni lolo niya dun kase umuwi ang parents niya.

"Hey beautiful." Nagulat ako ng biglang tumalon pababa si zais at pumunta kay Zack. Of course kilala siya nito e.

"Ano ginagawa mo dito? Diba mamaya pa ang dinner maaga ka yata masyado." Tanong ko sa kanya tumabi sya sa akin at nasa lap na niya si zais.

"Namiss ko kase ang fiancé ko eh tsaka bahay ko kaya to." Sabi niya humarap sakin at nginitian ako. Hmm. Tama naman siya.

"Loko ka talaga. Kasama mo lang ako kagabe ha? Alam ko inaangkin ko ba tong bahay mo?!" Sabi ko at hinampas siya ng mahina. Pagkatapos ng birthday surprise slash wedding proposal niya kagabi ay umuwi na din kame. Napag'usapan nila na ngayon nalang magdinner.

Wait..

"Nakatulog kaba? Mukha kang panda. Hahahaha." Hindi naman totally na mukha siyang panda but does black circles on his eyes kase. Hindi din kase siya dito natulog hinatid niya ang parents niya at si Ashley dun sa mansion ng lolo nya at dahil masyado ng gabi nun hindi na siya pinauwi dito.

"Hey! Panda ka dyan. Hindi kase ako gaanong nakatulog masaya kase ako na nag'yes ka bilang maging girlfriend ko at nag'yes ka para maging asawa ko." Hindi pa din nga nagssink sa utak ko na sinagot ko siya eh plus the idea na nag'yes din ako sa proposal niya. Tas tong butiki slash panda na to todo ngiti.

"Wait sinagot na ba kita?" Tingnan natin kung maasar ka.

Tinignan niya ako ng masama at..

Hinalikan niya ko. Kissing monster na ba siya?

"Wag mo kong tinatanong ng ganun kung hindi hahalikan kita." Binatukan ko nga.

"Loko ka talaga! Kapag nakita tayo ni Kuya e." Natawa nalang siya baliw to. Sinamahan kase ako ni Kuya dito ayaw niya daw dun sa bahay.

"Okay lang yun. Magiging Kuya ko din naman siya." Cute talaga neto e.

"Baliw ka talaga." Tinawanan Nita lang ako.

"Saan daw tayo mag'ddinner?" Tanong niya.

"Hindi ko alam e. Baka sa amin or kina lolo." Sagot ko naman sa kanya tinanguan niya lang ako at nilaro na niya siya Zais.

"Hmm. Zack may sasabihin ako." Napatingin siya sakin.

"Ano yun?" Nakangiti niyang tanong.

"Zack? Hmm. Paano na to?" Hindi ko agad masabi aish.

"Ano yun? Sabihin mo na." Nawala ang ngiti niya sa mukha nung nakita niya bothered ako.

"Alam kong nag'yes nako sa wedding proposal mo pero." Bigla siya tumayo.

"Pero ano? Magba'back out ka?" Sabi niya kaya nagulat ako bigla.

"Hephep. Wala akong sinasabing magba'back out ako ha. Ang sakin lang ano kase.. Kase." Ginulo ko ang buhok ko.

"Ano kase yun? Para kang timang dyan." Naguguluhan na din siya.

"Ahm. Kase gusto ko muna ienjoy yung pagiging in a relationship natin bago tayo magpakasal. What I mean is wag nating madaliin slowly but surely." Nakayuko kong sabi kay Zack.

"Okay." Yun lang ang sagot niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Okay lang?" Napakunot ang noo ko dun.

Unexpected Opposite LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon