"Ancian I ma Leviticucia..." Mabilis niyang isinambit ang mga salitang iyon, pero hindi ko naintindihan. Binaba niya ang kamay, ngunit patuloy itong nagliliwanag. Teka, bakit parang ipinaskil kami sa ere?
"Sino kayo? "Ibig sabihin, hindi niya kilala ang manyak?
"At bakit kayo nandito sa seremonya ng paaralan ng Casterial? Ikaw, babae, kanina pa kita tinatanong! Sumagot ka... SA MAGALANG NA PARAAN." Talagang binigyang-diin pa niya ang huling parirala. Magalang naman ako.
"Ako po si—
Biglang nabaling ang atensyon ng lahat sa tunog ng trumpeta. Bumukas ang napakalaking gate, at mas marami pang mga tao ang nagsidatingan. Samantalang kami parin ng lalaking ito ay nakalutang sa ere—nakakatawa at nakakaasiwa na kami'y pinagtinginan ng iba. Pinandilatan ko siya ng mata at iniwas ang tingin ko papunta sa loob ng gate. Laking gulat ko nang makita ko na wala na pala ang matandang asungot, akala mo kung sino.
Biglang may lumitaw na babae sa harapan namin. Puti ang buhok niya at ang damit—na may burdang snowflakes, halatang mamahalin ang tela dahil sa tingkad.
Ngumiti siya sa amin. Kulay tanso ang mga retina ng mata niya at mala-rosas ang labi. Totoo, isang diwata... Kagaya namin, lumulutang rin siya, ngunit mas banayad at kontrolado ang kanyang kilos.
"Oh! Bakit pa kayo nakalutang diyan? Pumasok na kayo, magsisimula na ang enrollment sa Casterial, baka mahuli kayo," mahinahon at kalmado niyang sabi.
"Blast day, Lady Ava, paumanhin po pero ginamitan po kami ni Lordeé Melphi ng levitation spell, siguro po parusa na rin sa amin," nagsalita ang lalaking nasa likuran ko, kunwaring mabait.
"Ah, ganoon ba?" mahinhing tawa ni Lady Ava. Bigla siyang tumingin sa amin at nagsalita sa kanyang sariling wika, "Valórie entelaithar."
Tinaas niya ang kamay na parang may inataboy na insekto, at bigla kaming bumaba sa lupa.
"Mauna na ako sa inyo. Liora masqui talisse... Have a Blast," paalam niya. Nginitian ko siya bilang tugon.
Teka... May nakalimutan ako. May uupakan pala akong manyakis sa likod ko.
"Hoy! Ikaw, walang hiya! Alam kong may masama kang balak sa akin. Akala mo hindi ako lalaban sa'yo, ha!" Pinaulanan ko siya ng hampas. Unti-unti siyang umatras patungo sa pader ng gate. Nahawakan niya ang kamay ko, kaya natigil ang paghahampas ko. Mabilis niya akong inikot at iginiya sa pader kaya namudmud ang mukha ko sa matigas na bato. Hindi ako makagalaw dahil ginapos niya ang mga kamay ko sa likod. Bwesit!
"Pasensya na kung masama para sa'yo ang pagtulong ng iba. Una sa lahat, kinuha kita sa nasusunog mong bahay. Nagkaroon ng sunog ang balay mo kaya pinasuot ko sa'yo ang Elfstone upang mahilom ang mga sugat mo, tapos itinakbo mo ako? At ipinahiya mo pa ako sa senior minister ng paaralang papasukan ko, tinawag mo pa akong 'manyakis' sa harapan niya! Para lang sa kaalaman mo, hindi kita gusto... kaya akin na ang kwentas na iyan."
Pinilit kong ipasok sa utak ko ang sinabi niya, pero bakit nahihirapan akong paniwalaan? Hindi niya ako masisisi. Kung mabuti ang intensyon niya, sana nagpakilala siya sa akin nang maayos.
"AKIN NA!" Sigaw niya, na nagdulot ng kaba sa aking dibdib.
"O-Oh, sige n-na... Bitawan mo-muna ako, paano ko mabibigay sa'yo?"
Pinakawalan niya ako, kaya dali-dali kong hinawakan ang ilalim ng leeg ko. May suot pala akong kwentas—'bat hindi ko man lang napansin kanina?
Dali-dali kong hinubad ang kwentas. "A-a-ayan na... Iyong-iyo na 'yan."
Hinablot niya sa akin ang kwentas at mabilis na tinungo ang loob ng gate. Akala ko tapos na ang lahat, pero biglang may humawak sa braso ko. Muntik na akong tumalon sa gulat.
"Come with us. Marami kang matututunan dito," sabi ni Lady Ava.
"A-a-ano po kasi... hahanapin ko pa po yung mga magulang ko."
"Ah... Baka pwede ka naming matulungan? Elvens are manipulating magic beyond the unknown."
Elvens. Kwento sa akin iyon ni Mama. Ito na ba ang Casterial Realm, kung saan umiiral ang mahika? Grabe! Totoo pala ang alamat ng Aquara.
Sasama ako kay Lady Ava. Minsan, kailangan ko ring magtiwala. Isa pa, kung paaralan ito—gusto kong mag-aral ng mahika. Namiss ko na rin mag-aral.
Bahala na. Sana matagpuan ko ang hinahanap ko rito. Papasukin ko ang yugto ng buhay kong ito kahit hindi ko alam kung ano ang maaaring mangyari sa akin, pero patuloy akong lalaban.
Magsisimula na ang seremonya sa pagbubukas ng klase sa Casterial School. Lahat ay inaanyayahang magtipon sa harapan ng Seleno Stadium upang matunghayan ang mga kaganapan sa seremonya.
Maraming Salamat.
YOU ARE READING
Elven's Lullaby
FantasyCover by Raillane WP Mahirap ang pagiging iba sa bagong mundo na ating gagalawan. Ganyan ang naranasan ni Nexri Mirgan nang magtungo ito sa mundo ng mga Elves matapos mamatay ang kinalakihan niyang magulang. Mga kauri nga niya ito pero sa ibang mun...