Si stella ang taga basa namin sa mga libro pero hindi niya naubos dahil hindi pa gaano kalakas ang magic niya. Sa lahat ng mababasa niya sinusubukan namin ang magic ng huntsman kagaya ng pagtira o di kaya sinukat namin ang lakas ko pero wala. Lumipat naman kami sa pagchant ng spells pero hindi umuubra ang mga sinasabi ko. Nanunuyot na nga lalamunan ko pero wala niisang nagbago. Sinubukan rin namin ang powers ng mga elemental kagaya ng pagpaapoy sa kadila gamit ang mata pero wala kagit baga man lang. Sinubukan nilang pahawak sakin ang hangin kung gagana sa akin pero wala talaga kahit ang pinakamadaling magic. Ang Levitation o magpalutang ng mga bagay.
"Mag-focus ka kasi... isipan mong lulutang ang libro." ika ni Fumi. Pumunta rin ito sa kwarto ko at si calisia ay nandito parin.
Dumilat ako sandal. "Baka hindi kaya ng power ko ang libro... Subukan kaya natin muna ang maliliit na bagay" nagtinginan sila. "Pwede rin naman gaano ba kaliit?"aniya ni Stella
"Edi magsimula tayo sa pinakamaliit... Subukan natin ang buhok" binunutan niya ng isang hibla si Fumi. Napa-Aray ito
Naghampasan silang dalawa. "May sarili kang buhok yun ag kunin po... Putch ka ang sakit!"
"HAHAHA sabi ko nga diba mas maliit. Sino bang maikli ang buhok ditto eh sayo lang naman ah" nilagay ni stella sa harap ko ang hibla ng buhok ni Fumi. "Lagot ka sakin Nexri pag di mo napalutang yan... kakalbuhin kita talaga tangin anit mo lang ang tityra ko" binantaan ako ni Fumi.
Tinawanan ko lang siya at pumikit. Nilagay ko sa harap ang palad na nakabuka ang mga daliri. Iniisip ko lumutang ito. Umaaangat sa ere. Dahan Dahan. Patuloy kong iniisip ito nang paulit ulit.
"Lumutang na ba?" tanong ko
"Wala"
Lumutang ka.
Lumutang ka.
Lumutang ka.
"Lumutang na ba?"
"Hindi parin... mag fucos ka kasi sabihin mo sa sarili mo na mmapapatulang mo to. Hibla lang to ng buhok kayamo yan"si Fumi.
Lumutang ka!
Lumutang ka!
Lumutang ka!
Lumutang ka!
Lumutang ka!
Lumutang ka!
Lumutang ka!
Lumutang ka!
Lumutang ka!
Lumutang ka!
Biglang nag salita si Fumi. "Nex..."
"Ano nag poFucos ako"
"Nexri..."ulit niya.
"Ano ba fumi sabi mo mag Fucos ako... Tumahimik ka"
"Oo na pero mukhang buhok ko yata ang napalutang mo."
"Eh buhok mo naman talaga to diba?"
"Hindi ang buhok na nasa ulo ko."
"Ano?" Dumilat ako at nagulantang. Nakalutang si Fumi sa ere at nakataas ang lahat ng buhok niya. Pati Sina Stella at Calisia npaatalon sa nakita. Napahalakhak si Stella sa sitwasyon ni Fumi. "Anong ginagawa mo diyan?" tanong ng buang.
"Kasalanan mo to eh. Tumawatawa kapa diyan."
Umangat pa si Fumi sa pagka gulat ko. Sa kabilang banda ang saya ko kasi kahit palpak na diskobre ko na ang kapangyarihan ko. Papaano ko mababalik si Fumi dito sa ilalim.
"Ibaba mo na ako Nexri... Ansakit na ng anit ko"
Napatigil sa tawa si Calisia. "Anong ibig mong sabihin tangin buhok mo lang ang lumulutang?"
YOU ARE READING
Elven's Lullaby
FantasyCover by Raillane WP Mahirap ang pagiging iba sa bagong mundo na ating gagalawan. Ganyan ang naranasan ni Nexri Mirgan nang magtungo ito sa mundo ng mga Elves matapos mamatay ang kinalakihan niyang magulang. Mga kauri nga niya ito pero sa ibang mun...