Tahimik na ang paligid sa tingin ko tulog na ang lahat ng mga babae. Wala naman sigurong makakapansin sa pagpunta ko sa mga ministro. Pero tama ba ang gagawin ko? Pano kung tuluyan nila akong mapalayas sa ginawa ko sa huntsman. Kailangan kong magisip ng ibang paraan. Dapat anmapagkakatiwalaan ko pero may alamsa mahika. Si Mr. Heidegger! Tama sa kanya ako hihingi ng tulong. May posibilidad na alam niya ang kapangyarhihan ng Elfstone. Tatlong siglo na rin siyang nagtuturo, baka maibalik niya sa dati ang manyakis. Umiba ako ng direksyong tinahak. Sasabihin ko sa kanya ang lahat ng nangyari.
"Nexri..." kilala ko ang boses na tumawag sakin. Napatigil ako sa paglalakad at nilingon siya.
"Stella b-bakit gising ka pa"
Lumapit siya sakin saka niyakap ako. "Sorry kung lagi namin napaparamdam sayo na iba ka. Narealize ng boung klase na mali kami, even Mr. Heidegger. You're so great. Kinakaya mong labanan ang lahat ng pang-aapi sayo. Kung ako ang nasa kalagayan mo, siguro na derpress na ako. Baka nga kung ano na ang gagawin ko."
"Salamat sa paghingi mo ng tawad. Lagi ko naman kayo pinapatawad tuwing minamaliit niyo ko. Kaya Okay na."
Hindi ko mapigilan lumuha. Ang saya lang kasing marinig iyon. "Ang aling mo palang tumugtog ng flute? Grabe makagawa ka ng magic gamit ang music. Para kang Elven."
Ano bang pinagsasabi ni Stella. Hindi ko naman pinansin ito dahil laman ng utak ko ang manyak. Kailangan kong magmadali baka tuluyang manigas ito. "Kailangan kong pumunta sa kay Mr. Heidegger, may aayusin pa kasi ako."
"Samahan na kita.
•⪼⨳※⨳⪻•
Lady Ava's PoV
"Hindi ninyo pweding paalisan ang bata. Pagsisisihan niyo 'to." Pagtatangol ko kay Nexri sa mga kapwa ministro ko. Nakalabas siya kanina na higit na ipinagbabawal ng paaralan. Gustohin ko mangsabihin sa kanila ang lahat pero hindi dapat. Kailangang hindi manggaling sakin ang boung katotohanan dahil baka mabilis masira ang panangalang liwanag.
"Then what's your plan Ava. Hayaan nalang ang kamang mangan ng bata. Hindi siya normal na elf. Tingnan mo siya." Turo niya sakin sa Hologram ni Nexri na nasa gitna ng bulwagan. Nagtagumpay ako, I made her unknown kahit na lumabas na ang pagka-elf niya.
. . . She's powerless, undefine and stange elf. Hindi maipaliwanag ng Elven Elites kong anong lahi meron siya kahit na sila ang pinakamakapangyarihan, next to Goddess." Mariin na tugon ni Althess. Isa saamin.
"Bukas na bukas papalabasin na'tin siya ng Aelfhrim at ibalik sa mundo ng mga tao." Dagdag ni Melphi. Nakatingin silang lahat sa akin, napatayo ako.
"Don't adjourn this meeting, may hinihintay ako." Galit kong nilisan ang mga kapwa ministro at lumabas. Pagkabukas ng pinto nakita ko agad sina Nexri at Tashka. Nasabi ko na ang lahat sa kanila, nakarating na ang patunay kaya wala na akong dapat gawin. Naaayon ang lahat ng plano ko.
Nagsalita ako gamit ang isip. "Bakit natagalan kayo? Mabuti at nahanap mo agad ang bata."
"Opo, malayo pa kasi ang templo"
"Oh sige, pumasok ka na. Iwan mom una dito si Nexri" nilahad ko sa kanya ang pintuan. Akmang susunod ito pero tinigilan niya. Kailangan ko ng umalis baka mapansin niya na matagal na kaming magkakilala ni Tashka.
Ako si Lady Ava, anak ni Prinsesa Nexie gamit ang mga elfstones. Ginawa ako ng mga Elven Goddesses para bantayan ang itinakda. Ngunit dahil hindi nila nakayanan ang pwersa ng elfstone naging totoo akong elf at nabuhay. Simula noon itinapun na nila ang mga elfstone sa labas ng isla haven. Para hindi na magamit. Dapat sana hanggang paghatid lang kay Nexri ang buhay ko, pero dahil sa nangyari humaba pa, kaya na ngako ako sa mga dyosa na ako ang magbabantay sa bata. Lagi kong sinusundan si Nexri sa mundo ng mga tao kahit na ipinagkatiwala ko siya sa dating tagasilbi ng palasyo. Sina Natasha at Andriex.
"Lady Ava, bakit kayo bumaba ng Aquara. Baka po may makakita sa inyo." Pagaala ni asha. Matanda na ang aking tagapagsilbi.
"Ayos lang, may ipapabantay ako sayo." Sabi ko sabay abot sa kanya ng supling. Bakas sa mukha niya ang pagkamangha. Alam kong hindi na magkakaanak si Asha kaya ipinagkatiwala ko ang bata.
"Binibilin kong alagaan mo siya, laging ipaalam ang tunkol sa ating mundo at sa ika-labing walong taon. Ibalik mo siya sa Talon Asi sa araw mismo ng kaarawan. Pakiusap" naglaho ako para hindi na marinig ang mga sasabihin niya. Mula sa araw na yun parati akong bumababa ng bundok para gabayan ang bata. Itinatala ko ang paraan ng kanilang pagaaral para sakaling makabalik siya sa Casterial, hindi siya manibago.
Isang araw, pinuntahan aki ng mga dyosa sa opisina. "Napalabas mo na ba ng Aelfhirm ang bata?" si Cassiopeia.
"Opo mahal na dyosa. Sa mundo ko po siya dinala"
"Bakit doon, lubos na kapahamakan ng bata kapag nalaman ng mga tao."
"Pansamantalang maglalaho ang kapangyarihan ng itinakda kung nasa ibang mundo siya, nakabantay naman ang mga druids malapit sa tahanan nila. Wala po kayong dapat ipag alala."
"Paano kung makabalik na ang bata sa ating mundo? Tuluyan ring maglalaho ang panangga?"
"Nilagyan ko po siya ng sumpa. Sa bawat pagtukoy niya ng katotohanan tungkol sa sarili, magbabago ang anyo niya. Sa katangian niya naman po. Sumpa po amg kailangan gamitin para hindi madaling mabasag. Mawawala ang pagka elf niya habang nasa mundo ng mga tao at magiging tao ang katangian niya." Paliwanag ko. Mukhang nagiisip pa si Cantaloupeia.
"Paano ang kapanyarihan?"
"Pinaplano ko na po ang tungkol doon"
"Ava, unti unti nang naglalaho ang kapangyarihan namin, pati memorya. Hindi sana ganito kung hindi kami namatay."
Ikinalulungkot kung marinig yun kaya muli akong nangako na ipagkatiwala nila sakin su Nexri kapag nandito na. Balik sa kasalukuyan, tinawag ko ang kaibigang druid para hanapin si Nexri. Si Tashka.
"Grabe ang ginamit mong mahika sa pagsumpa sa itinakda, Ava. Kung hindi ko sinunod ang sinabi mong dalhin siya sa mga nymphs, hindi ko alam na siya ang Heiress. Pero bakit ganon, ang lakas parin ng aura niya"
"Kaya nga ipagamit mo ang elfstone sa kanya para hindi malaman ng iba, lalo na ng palasyo. Baka tuluyang bumalik ang Night Elves kapag lumabas ang boung kapangyarihan niya"
"Yun na nga eh, kaya ko kinuha 'to." Ipinakita niya ang libro ng mahika sakin. Bigla akong kinabahan dahil nag aaral ng mahika si Nexri. Paano kung bigla na lang lumabas ang totoo niyang anyo. Hindi pa handa ang lahat para sa digmaan, kailangan panghasain ang mga magaaral sa pakikipaglaban. "Bukas na bukas ipagamit mo sa kanya ang elfstone, kailangan magisa ang diwa niya at ang bato. Sa pamamagitan nito magkakaroon siya ng mahinang kapangyarihan."
YOU ARE READING
Elven's Lullaby
FantasiCover by Raillane WP Mahirap ang pagiging iba sa bagong mundo na ating gagalawan. Ganyan ang naranasan ni Nexri Mirgan nang magtungo ito sa mundo ng mga Elves matapos mamatay ang kinalakihan niyang magulang. Mga kauri nga niya ito pero sa ibang mun...