Fourteen

18 13 1
                                    

Patuloy kaming maglalakad sa gitna ng kagubatan. Basa na ng hamog ang ilalim na bahagi ng palda ko dahil sa makapal na damo sa forest floor. Inaagaw ko ang kamay kong hawak hawak ng babaeng druid pero napakahigpit ng pagkakahawak niya. "Ano bang gagawin mo sakin?"

Tumigil siya sa paglalakad at humarap sakin. " Dadalhin kita sa Mga Nymphs. Ang tagapagsalita ng kagubatan at kalawakan. Sila ang sasagot sa hindi mo maipaliwanag na katangian. Ano ka nga ba bata?"

" Bakit mo ko dadalhin sa mga yun."

"Alam nila ang hindi alam ng mga elven kahit ng mga elven goddesses."nagpatuloy siya sa paglalakad. "Ako ng pala si Tashka, isa ako sa mga druids. Mga sundalo ng palasyo na nakabantay sa bundok ng aquara."

Nagpatuloy kami sa paglalakad hindi ko maiwasang mahumaling sa mayayabong na puno kung saan may mga hayop na nakatira hanggang makapunta kami sa gitna ng gubat. Tumigil siya sa harap ng mga naglalakihang mga bato. Nakapabilog ang mga ito.

Espirito ng kagubatan

Nymphs na makapangyarihan

Ako si tashka sakluluhan

Sagutin aking mga katanungan

Umuusok ang batong nasa gitna, ang pinakamalaking bato. Ilang sandali kumapal ang usok at biglang umaangat ang kung ano sa pinagmumulan ng usok. Isang maiitim na babae ang lumabas nang humupa ang usok samantalang humulma na parang tao ang mga mas maiit na batong nakapalibot. Kinalaunan nagging katulad nila ang babae sa gitna. Maiitim rin ang mga balat at may gitong simbolo na naka tatoo sa kanilang katawan. Sabay silang nagsalita.

"Kaibigang Tashka, kamusta? Bakit ka naparito sa aming templo ng mga Nymphs?" hinatak niya ako papunta sa gitna kung nasaan ang babae.

" Tukuyin mo ang nilalang na ito. Hindi ko siya mawari"

Biglaang tumingala ang mga babaeng nakapalibot samin. Tinaas nila ang mga kamay at may gintong ilaw na lumalabas sa kanilang kamay. Habang ang nasa gintang babae umangat ang kamay niyang nasa tuhod. Inilapat niya ito sa harap ng mukha ko saka lumiwanag ang mga mata niya na kulay ginto. Napasinghap siya bago nag salita. " Hindi pa ito ang panahon ng kanyang pagkakakilanlan kay ibalik siya sa Casterial... Pagsanayin ng mabuti... Ibigay ang dapat niyang malaman... Wag na wag siyang paiibigin."

Pinikit ko ang mata ko dahil bigla akong nakaramdam ng sakit ng ulo.

Mahal kita...

Wag mong ialay...

Ikaw pag asa...

Sa isla ng...

Kaibigan...

Ipaghihigante kita...

Propesiya...

Napadilat ako sa mga nakita ko. Hindi ko maipaliwanag ang gulo gulo bakit ako pinalilibutan ng lahat; bakit may lalaking humahawak sa kamay ko; bakit may mga dugo; bakit ako umiiyak?

"Magmadali kayo Tashka sabihin mo sa mga ministro na kailangan nila ng tulung mo. Akin na ang elfstone kung hindi sila maniniwala ipakita mo ito sa kanila."inabot ni tashka ang kaniyang elfstone sa babae.

Nilagyan niya ng orasyon ang elfstone ni Tashka at may gintong usok na pumasok sa loob nito. May biglang lumitaw na salaming umiikot ikot. Maaaring portal ito. "Dadalhin kayo nito sa harap ng paaralan. Agad kayong humayo sa tanggapan ng mga ministro."

"Salamat Ad Haya... have a blast"

"Sige"

Hinatak niya ang kamay ko papuntang portal. "Tashka... Ito ang alamat" huling sambit ng Nymph. Hinigop kami ng portal at pinaikot ikot kami sa loob. Ang tanging ginawaa ko nalang ay ipikit ang mga mata dahil nakakahilo ang portal.

Elven's LullabyWhere stories live. Discover now