Akala ko tapos na ako sa sitwasyon na walang tatanggap sakin. Malaya na akong yakapin ang bagong tanahan na kinabibilangan ko pero hindi pa pala dapat ako maging kampanti sa kung ano meron ako. Kailangan kong labanan ang pangmamaliit sakin. Kaya ko to.
Nanginginig ako sa subrang iyak ngunit pilit akong tumayo at binuksan ang pinto pero wala ako makapang hawakan. Pati ito sinira ng mga yon. Itinulak ko ng mahina ang pintuan upang makapasok bitbit ang pagkain at ang libro saka dumeritso sa kama. Nilapag ko ang mga ito saka pinunasan ang namamasa kong mukha. Huminga ng malalim... at pinakawalan. Ito ang aking pampalakas ng loob para matigil ang pagpatak ng mga luha. Nilingon ko ang aking repleksiyon sa salaming nakatayo sa ibahaw ng lamesang katabi ng kama ko. Biglang nabuhay ang mga tanong hindi ko masasagot.
Bakit kaya ako iniwan ng magulang ko?
Wala na ba akong halaga sa kanila?
Hinahanap rin ba nila ako?
Ano kaya ang rason kung nila ako iniwan?
Alam ba nila ang nangyayari sakin?
Kailan ko sila matatagpuan?
"Sana hindi niyo na lang ako iniwan ... (;'༎ຶД༎ຶ') Sana kahit nahihirapan kayo sakin tiniis niyo nalang (┬┬﹏┬┬)Bakit kinaliangan niyo pa kong iwan"
Ang sakit pala nang nagiisa ka walang masabihan nang nararamdaman mo wala kang kakampi. Tanging iyak nalang ang magagawa mo walang sino ang aabay sayo. Walang may magtatangol sayo mula sa kalupitan pero andito pa ang sarili ko at tanging isto nalang ang meron ako.
Nakaramdam ng antok marahil dala nang walang tigil kong iyak kaya inusog ko ang kagamitan na nasa harap ko at hiniga ang sumasakit kong ulo. Hinayaan kong pimikit ang napapagod kung mga mata kahit puno pa ng mga luha. Mas Mabuti naring hindi na ako gumising para makasama ko rin na ang kumupkop sakin.
(∪.∪, )...zzz
(∪.∪, )...zzz
(∪.∪, )...zzz
(∪.∪, )...zzz
(∪.∪, )...zzz
"Wag mong gawin yan Nex... Mahal kita Mahal na Mahal"
"Pwede mong baguhin ang propesiya Nex... wag mong ialay ang sarili mo"
"Nex!... Nex!... Nexriiii!."
"Nexri Mirgan!"si Mr Heidegger.
Buhay pala ako. Bakit nandito si Mr. Heidegger sa kwarto ko? At ang ibang professors?
"Anong nangyari? Your door was broked and vandalized then there you are. Sleeping tightly?"
Bumangon ako at umupo sa kama bago ko siya sagutin kaya nagmistulang dragong galit ang mukha niya. "Mr Heidegger... cant you see im bullied" gumilid muli ang mga luha ko.
"Stupid! Anong sa tingin mo sa amin? ——
"I'm sorry Mr Heidegger hindi ko lang kaya ang pinanggagawa sakin ng mga schoolmate ko. Hindi porket iba ang kinalakihan ko ganito na lang ang gagawin sakin parati. Isa rin naman ako sa inyo. May mahaba akong tenga mahabang buhok——
Mukhang napahiya sila sa sinabi ko. Napayuko silang lahat maliban kay Mr Heidegger na umaalab ang mga mata sa galit. "Whoever, did this stupidity would be punished. Ipapatawag ko ang mga elvens para malaman ko sino ang may kagagawan nito. Ipapatanggal rin sa kanya pintura and you, Mirgan. Change your attitude. Wala pang sumagot sakin ng ganyan."
Umalis silang lahat. Isinara ko rin ang pinto at hinarangan ng upuan saka bumalik sa kama basang basa ang unan ko sa luha kaya isampay ko ito sa labas ng bintana kung saan na aarawan. Hapon na pala at hindi pa ako kumakain kaya pala ang hapdi na ng tiyan ko. Pagkabalik ko sa loob agad kong ginalaw ang pagkain kahit malamig na. habang kumakain naisipan kong basahin ang librong hiniram ko ngunit hindi ko ito mabasa dahil nakasulat sa ibang calligraphy kagaya sa mga painting na nasa hallway ng mosley. Naalala ko si Stella. Alam niya kaya ang nangyari sakin? O di kaya si fumi?
Tinapos ko ang pagkain saka naghilamos napagpasyahan kong makipag ayos kay stella pagkatapos kong ibalik ang pinagkainan ko sa school kitchen. Mukhang magsiself service ako hanggang makapagtapos ako dito sa Casterial mukhang ayaw yata ng pixie sakin. Papunta na ako ng school kitchen at hinarangan ako ng mga lalaking elven. "Oy Mirgan, sinagot mo raw ang prof mo? Ganyan ba kayo sa mundo ng mga tao?"sabi ng ash gray ang buhok. Mahaba at may nakatuntong na diadem sa ulo niya.
"Kayo talagang mga mixed race kahihiyan kayo ng Casterial. Paano kung malaman ng reyna naganito ang nangyayari sa school?"the blonde guy added. Nilapit niya ang mukha sakin.
"Hindi lang ikaw ang mapapaalis kundi ang boung klase ninyo. Alam mo naman siguro kung gaano ka mararangal ang mga highness di ba?" pagpapatuloy niya.
"Lagot na kayo mixed race."
Iniwan nila akong nagtatawanan kay dinapuan ako ng mga tingin sa buong paligid. Hindi ko nalang ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad naalala ko pala hindi ko alam kong saan ang school kitchen. Subukan kong magtanong sa elven na ito. Nakaupo siya sa bench at abala sa pagbabasa. Tanging siya lang naman ang diwatang nandito kaya no choice.
"Hello..." ay mali iba nga pala ang pagbati ditto sa kanila.
Inulit ko. "A blast day..."
"A blast day anong maitutulong ko?"
"Hinahanap ko kasi ang school kitchen"
"Ah deretsyohin mo lang ang hallway at lumiko ka sa kaliwa. Tapos lumiko ka ulit sa kanan at yun school kitchen na."
"Ah sige maraming Salamat."
Napansin ko ang cover ng librong binabasa niya ay kaparehas ng librong binabasa ko. "ano ang title ng binabasa mo?"
"Ah {Book of Magic} hindi ko kasi mahanap ang naunang part nito kaya ito nalang binasa ko."
" Nasakin ata yung unang part ng librong yan. May kasunod pa pala yun. Teka nag aaral Karin pala ng magic?"tanong ko
Tumayo siya sa kinauupuan. "HAHAHA syempre isa akong elven dapat kong pag aralan ang magic. Oh diba pupunta ka sa school kitchen? Samahan na kita."
Napangiti ako. "Talaga sige... ibibigay ko nalang sayo ang part one ng libro hindi ko naman kasi na iintindihan yun."
"Ano ka ba okay lang yan ako ng pinapalitan ko nalang yung elvish sa ginagamit nating salita ngayon."tiningnan ko ang ginagawa niya sa libro. Sa tuwing binibigkas niya ang mga salita umiiba ang calligraphy na nakasula pero sa tuwing tinutupi ni bumabalik ang naunang calligraphy. Na mangha ako.
"Teka namamaga ata mga mata mo. Umiyak ka?"
Nahalata niya siguro ang mukha ko. "Wala to."
"Ano kaba share mo na. Nakikinig ako."
Dapat ko bang ikwento sa kanya. Siguro wag na lang hindi rin naman niya maiintindihan kahit magkwento ako. Nang naramdaman niya na hindi ako magkukwento hindi na niya pinilit. Sumabay sakin sang babaeng elven pabalik ko sa kwarto at laking gulat ko ng biglang nawala ang mga nakasulat sa pintuan saka pader ng kwarto. Maayos narin ang hawakan. Siguro pina ayos ng school.
Biglang dumating si stella. "Stella"
Nagulat ako dahil kilala siyang kasama ko. Baka siguro magkakilala na sila. "Calisia"si stella.
"Ikaw pala ang bagong kaibigan ni Nexri. Hindi na pala ako kailangan dito" akmang tatalikod siya pero hinawakan ko ang braso niya.
"Sorry Stella... Patawarin mo ko."
Nilingon niya ako sa ka ngumiti. "Si Calisia na ang bahala sayo..."
Kinuha niya ang kamay ko sa braso niya at naglakad papalayo. "Joke HAHAHA MUKHA KANG NATATAE" tumakbo siya at niyakap ako. May saltik ata utak ng kaibigan ko o kaya tuluyan na siyang na buang. Tawang tawa siya sa ginawa niya sakin. "Teka pano kayo nagkakilala ni Calisia" tanong ko sa kay stella.
"Malamang pinsan ko yan."
"kaya pala kaya niya ring itranslate ang librong to" ipinakita ko sa kanya ang librong hawak ni calisia
"Yan rin nga ang pinunta ko rito. Sasabihin ko sanang may kapares ang librong binigay ko."
"Ano pang hinihintay natin? Basahin na natin to."singit ni Calisia
'Sige tara pumasok muna tayo.
![](https://img.wattpad.com/cover/300333503-288-k550355.jpg)
YOU ARE READING
Elven's Lullaby
FantasyCover by Raillane WP Mahirap ang pagiging iba sa bagong mundo na ating gagalawan. Ganyan ang naranasan ni Nexri Mirgan nang magtungo ito sa mundo ng mga Elves matapos mamatay ang kinalakihan niyang magulang. Mga kauri nga niya ito pero sa ibang mun...