Fifteen

7 5 0
                                    


Nexri's POV

"Kirk ang tawag sa kapangyarihan ng elfstones. Saabihin mo lang ito sa utak mo. Hindi gaano kalakas ang elfstones minsan kapag subra subra ang nilalabas nito mahika nawawalan ito ng kapanyarihan"

Paliwanag ni tashka. Nandito kami ngayon sa loob ng kwarto ko. Pagkatapos kasi ng pulong inutusan niya ako pumunta kami sa kwarto at ipapaliwanag niya sakin kung pano gamitin ang elfstone. Marami akong tanong sa kanya na hindi niya siansagot saka iniiba niya ang usapan. "Saan ba nang galing yang elfstone?" muli kong tinanong sa kanya. Hindi ako titigil hangga't hindi ko alam ang nagyayari.

"Makulit ka rin no? Nagmula ito sa mga luha ni Nexie. Pinapaniwalaang dagdag gabay niya ito sa mga Elven pero hindi nila makaya ang kapangyarihan kaya elegal na binibinta ito sa labas ng palasyo kasi tinaptapun nalang nila. Ang aking ama si Guer Usmid, Heneral sa paaralang ito ang nakadiskobre ng kapangyarihan nito kaya inutusan kaming magbantay sa bundok. Tama na yang mga tanong mo making kana sakin."

Muli siyang nagpaliwanag sakin ang mahika ng bato. Malawak daw ang kakayahan nito dahil kaya niya mabigay ng kapangyarihan at kumuha ng kapangyarihan. Kaya rin nitong gumamot ng mga sugat at karamdaman. "Pwede ko bang hilingin na bigyan ako ng kapangyarihan?"

"Depende sa lakas ng bato mo. Hindi kasi parepareho ang kapangyarihan ng bato"

"Paano ba ito gamitin?"

" Sabihin mong 'kirk' at maniwala ka sa hihingin mo"

Hinawakan ko ang elfstone saka ginawa ko ang sinabi niya kagaya rin sa natutunan ko sa libro ng mahika nilaanan ko ng maiiging kosentrasyon para magawa ko. May bigla ako nakaramdam ng malakas na enerhiya. Para itong nanunuot sa laman ko. Tumatagos sa mga utgat at ramdam ng buto ko. Unti unti kong dinilat ang mga mata para natunghayan ang mahikang nagyayarri sa katawan ko.

Taskha's POV

Naisipan kong turuan siya kong pano gamitin ang elfstone dahil kampanti akong mapipigilan ng bato ang paglabas ng lubusan ang kapangyarihan niya. 'Kirk' ang naisip kong word spell. Makakatulong ito para pahinain ang lakas ng mahi ka at paunti unti niyang madiskobrehan ito. Ngayon napalabas niya ang kapangyarihan ng elfstone bihirang gawin ng mga ordinaryong elves umaabot ng ilang araw bago matutunan ang elfstone pero napakadaling gawin sa itinakda. "Wag mong silipin damhin mo lang"

Sinaway ko siya dahil sumisilip siya sa mahikang lumalabas sa bato. Biglang tumigil ang pagilaw ng elfstone. Mukhang nawalan na ito ng kapangyarihan.

Napadilat siya. "Wala na akong naramdaman"

"Malamang na kuha mo na ang hinihiling mo. Tinupad niya na ang hiling mo." Napangiti siya. Nakapunto ang palad niya sa unan na nasa higaan. Nagfocus siya at dahandahan niyang inangat ito. Nang tumaas na ito unti unti niyang binalik ang unan sa kama pagkatapos kinuha niya ang kamay sa pagkakapunto. Napangiti siya "nagawa ko "

Tumingin siya sakin ng naka ngiti. "Mabuti na lang hindi na palpak ang mahika ko ngayon." Kinagulat ko ang sinabi niya ibig sabihin alam niya an ang kapangyarihan niya?

"Anong ibig mong sabihin?"

"Kasi ang unang subok ko palpak eh. Sinunod lang kasi namin jan sa libro." Sinundan ko ang tingin niya Ang Book of magic. Hindi niya dapat malaman ang mga nakasulat dito. Ay hindi hindi naman pala niya maiintindihan dahil naka sulat ito sa elvish.

"paano mo na nabasa yan?"tanong ko.

" May kaibigan akong aligist. Nakakaintindi ng iba't ibang lengguwahe.' Bwesit. Kailanagan ko makuha sa kanya to.

"Ah... aalis na pala ako saka magpahinga kana rin"

"Sige... oh bakit ka sa bintana dadaan?"

"Sarado ng ang gate ngayon baka hindi na aako palabasin ng school knights. Pwede ko bang mahiram ang mga libro?"

"Pwede na man kaso babasahin pa yan ni ca———

"Susuli ko bukas." Hindi ko na siya pinatapo sa pagsasalita at kinuha ko na. Nakasalalay dito ang Aelfhirm.

"Have a blast" paalam ko at tumalon sa bintana. Agad akong naka sampa sa sangha ng puno.

Nexri's POV

Pagkaalis ni Tashka may biglang kumatok sa pinto. Baka sina Stella 'to naalala ko tuloy ang nangyari kanina kaya nagdalawang isip akong pagbuksan siya. Nahihiya akonghumarap sa kanila dahil na maling akala ko ang boung klase. Kanina kasi habang naghihintay ako kay Tashka kinausap ako ni Mr. Heidegger. Sinabi niya sakin na subrang na mangha daw siya sa pagtugtog ko ng Flute. Ayon nga sa kanya may mahika pangang lumalabas sa flute pero nahihirapan akong paniwalaan dahil sa tingin ko pampagaan niya lang yun ng usapan. Humingi rin siya nang tawad sakin dahil sa pangmamaliit niya. Mukhang seryoso naman siya sa sinabi nito kaya tinanggap ko.

Hindi pa rin tumitigil sa pagkakakatok. Napipikon na ako kasi kinakalabog niya na ang pinto. Malilintikan sakin tong kumag nato. "Ano ba Ste——

Ang lalaking manyakis?

"Nandito ba si Tashka?"

Kasama nito ang pixie niya. Tinulak niya ang pinto para masilip ang silid pero pinigilan ko. "Di ba bawal ang lalaki sa Girls Building paano ka nakapunta dito?"

Abala parin siya sa pagsilip sa loob. Bakit kilala niya si Tashka?

Hindi parin sumasagot ang manyak. "Hoy! Tinatanong kita" sigaw ko.

Bahagyang tumingin ito sakin at nilapit ang sarili kaya napaatras ako. Palikero! Hindi parin niya ako sinasagot sisipain ko na talaga 'to. Puwersahan niya binuksan ang pinto at pumasok. Lintik na manyakis 'to may balak pa atang magnakaw. "Hoy anong gagawin mo dito? Wala kang may makukuha sakin. Umalis kana papatawag ko ang school Knights. Isa... Sisigaw na ako!"

Bingi ba siya. "Hinahanap ko lang kasintahan ko. Pwede ba tumahimik ka baka mahuli pa ko sa gingawa mo."

"Kasalanan ko? Umalis ka na kasi wala na si Tashka dito kaya layas. Umalis kana sa kwarto ko." Tumingin siya sakin kagaya ng pinarusahan kami ng Lordee Melphi. Dahan dahang lumapit ito.

"Hoy! Diyan ka lang wag kang lalapit sakit sisipain kita." Wala ito pakialam sa sinasabi ko. Pagtuloy parin siya humahakbang papunta sa.... Pinto saka sinara ito. AYYY ayoko! Ayoko pang mawala ang pagkababae ko. Kailangan kong makaalis dito. Kailangan ko makahanap ng paraan para takasan siya. Teka naalala ko nga pala kaya ko nang kontrolin ang mga bagay. Susubukan ko kung gagana ulit kang nakoha kong magic sa elfstone. Sana nga gumana. Concentrate Nexri magagawa mo ito ulit.

Binuka ko ang mga palad ko at tinuon sa kanya. Bahagya kong tinulak. Bakit walang nangyayari...

Paniwalaan mo Nexri

Focus

Magagawa to.

Tama ang elfstone kailangan kong gamitin 'to. Dinukot ako sa supot ang elfstone at nilabas ito. Nakita niya ginawa ko kaya mabilis siya pumunta sakin kaya pumikit ako at tinaas ang elfstone. "Tumigil ka!" sigaw ko.

Ilang sandali pa wala akong may naramdamang gulagalaw o sumusugod sakin. Dinilap ko ang mga mata ko at sumigaw. Nasa harap ko na ang manyak pero... bakit hindi niya ko sinusugod o pinipigilan. Hindi rin gumagalaw ang mga pilik mata niya. Huh! Anong ginawa o sa kanya bakit hindi na siya gumagalaw. Hala sa elfstone ata to.

Sinubukan kong hawakan siya. Hala... ano ba yan wala na ba siya? Pero bakit tumatayo pa rin. Kailangan kong maibalik siya pero pano. Wala na dito ang libro ng mahika. Saan ako hahanap ng tulong. Isusumbong ko sa ministry? Tama kaialngan kong gawin yun pero dapat walang may makakita sa kanya. Kailangan ko siyang itago.

Binuksan ko ang cabinet at nilabas ang mga naka sampay kong uniform. Tingin ko kasya naman siya dito. "Ummm... Ummm.. ambigat naman ng mayakis nato." Untihuti ko siyang hinihila papasok sa loob ng cabinet hanggang maipasok ko siya.

"Kung hindi mo lang kasi ako minanyak hindi ka sana magkakaganyan." isinara ko ang pintuan ng kabinet at lumabas sa kwarto.

Elven's LullabyWhere stories live. Discover now