Five

37 25 2
                                    


"Ikaw ba ang Nexri na sinasabi sa mga alamat?" tanong ni Lady Ava sa wika ng mga diwata, na bumabalot sa mga salita ng isang mahigpit na pagbati at paggalang.


"Oo, ako nga. Ako si Nexri. Paano mo ako nalaman?" sagot ni Nexri, na nag-aalala ngunit nagtataka.


"Ipinadala ako ng mga diyos upang magbigay sa iyo ng gabay," sagot ni Lady Ava. "Ikaw ay pinili upang magdala ng balanse sa ating mundo. Ang iyong paglalakbay ay may malalim na kahulugan, at kinakailangan mong malaman ang katotohanan tungkol sa iyong pinagmulan."Isang matinding kislap ang pumukaw sa mga mata ni Nexri. "Ano ang dapat kong gawin?"Ibinigay ni Lady Ava ang isang maliliit na pakete ng mga halaman at mahika na tinatawag na "Talisman ng Liwanag." "Ito ang magdadala sa iyo sa pinagmulan ng iyong mga ninuno. Sundan mo ang liwanag na ibinibigay nito, at makikita mo ang pinto patungo sa iyong tunay na pagkakakilanlan."


Habang hinahawakan ni Nexri ang talisman, isang makulay na sinag ang lumabas mula rito at nagbigay ng gabay sa kanyang landas. Pinalitan ng liwanag ang madilim na kagubatan, na nagbigay ng pag-asa at kapayapaan sa kanyang puso.


"Mag-ingat ka sa mga panganib na haharapin mo," paalala ni Lady Ava habang naglalaho sa mga anino. "Hindi lahat ng naroroon ay magiging kaibigan."Nagpatuloy si Nexri sa kanyang paglalakbay, dala ang liwanag at lakas ng Talisman ng Liwanag. 


Nasa gitna ako ng klase na tinatalakay ang mahika ng musika, ngunit tila wala akong pakialam sa paligid. Napatulala ako habang naaalala ang panaginip ko kagabi—isang panaginip na nakakatuwa, nakakapangilabot, at tila napaka-totoo.

Nakaupo ako sa gilid ng silid, pinapaligiran ng mga Elves na nagbubulungan. Kahit na maririnig ko ang mga piraso ng kanilang pag-uusap, hindi ko maiwasang magtaka. Bakit ako tinulungan ni Lady Ava at sinabi sa akin na ako ay kamag-anak niya kahit na hindi ko siya lubusang kilala? Tinuruan din niya akong tawagin ang sarili ko na isang Half Elf, kahit na hindi ko alam kung ano iyon.

Nangyari Kahapon

Habang hinihimas ni Lady Ava ang aking balikat, isang kakaibang pakiramdam ang sumikò sa akin. Sa isang iglap, narito na kami sa loob ng isang silid na napapalibutan ng kumikislap na mga kristal, luminescent na halaman, at mga sinaunang scroll. Ang bawat piraso ng muwebles ay tila may sariling kwento, at ang kapaligiran ay nagbigay sa akin ng pakiramdam ng kapayapaan at kaginhawaan.

Umupo ako sa harap ng isang mesa na gawa sa mga halamang luminescent, na lumalabas na parang mahika sa liwanag ng mga kristal. "Salamat sa pag-anyaya, Lady Ava," sabi ko, nagtatangkang kontrolin ang aking kaba.

"Walang anuman," sagot niya na may malambing na ngiti. "Saan ka ba nagmula? Mukhang isa kang Half Elf."

"Naku, po?" nagtatakang tanong ko, hindi pa rin lubos na nauunawaan ang kanyang ibig sabihin.

"Ang iyong mga katangian ay tila katulad ng sa isang Half Elf, ngunit ang iyong mahika ay parang..." Napansin kong nag-aalangan siya na magbigay ng iba pang detalye. "Wala, wala, hindi mo kailangang mahiya. Ngunit kung mag-aaral ka dito, maaaring magising ang iyong tunay na potensyal sa mahika."

"Pero wala po akong pambayad. At kailangan kong hanapin ang totoo ng 'kong mga magulang," sagot ko, nag-aalala sa mga bagay na hindi ko pa alam.

"Babayaran? Hahaha! Ang lahat ng ito ay pagmamay-ari ng Elvandar. Pagsisilbihan mo ang palasyo sa iyong pagtatapos. Wala kang babayaran dito. Isa kang Half Elf, ngunit puro salapi ang iniisip mo. At saka, maaari kang mag-aral dito habang hinahanap mo ang totoong mga magulang mo. Mas makakabuti sa iyo."

Elven's LullabyWhere stories live. Discover now