Eight

31 26 0
                                    

Ang pagpapatuloy....

Taglay nila ang sandatahang lakas ng mga elves kagaya ng Wood Elves at kapangyaring kagaya ng mga Faen pero mas lamang ang Faen dahil may mga elven goddessess na ang mga ito. Mas lalong uminit ang ulo ng mga dark elves dahil ninanais nilang mapangasawa ang mga high elves. Nang mabalitaan nila ang tunkol sa pagiging dyosa ng mga Faen nilusob nila ang mga ito. Nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng Faen at Dark elves. Ito ang naging simula ng madugong labanan sa kaysaysayan ng mundo ng aelfhirm.

 Ang Blood Age.

 Marami ang nalagas sa mga Dark elves. Hindi nila madaling nasakop ang Faen dahil mas makapangyarihan na ang mga ito kaya pinagplanohan nilang maiigi. Sinubukan nila numang umatras na bitbit ang mga aklat. Akala ng Faen natapos na ang delobyong iyon pero ang hindi nila alam pinaghahandaan sila ng Dark elves. 

Ninaral nila kung paano mapatay ang mga dyosang Faen. Naging mas malakas pa sila kaysa dati dahil sa ninakaw nilang aklat kaya nahaluan ito ng itim na mahika kinalaunan nagiba ang kanilang wangis. Naging kulay ube ang kanilang mga buhok at balat na dati ay kasing puti ng nyebe. Nawala rin ang kulay ng kanilang mga mata sapagkat pinalitan ito ng purong itim. Hindi na nila nagawa ng maayos ang tungkulin nilang pagandahin ang gabi ng Aelfhirm. Ni walang Buwan na lumalabas tuwing gabi o kaya mga bitwin tangin kadiliman ang bumabalot tuwing sasapit ang gabi.

Matapos ang ilang siglong paghahanda dumating na ang panahong inaasam asam asam ng mga dark elves. Pero laking gulat nila nang makita ang limang lahing nag aabang sa kanila. Humingi ng saklulo ang Faen elves sa iba pang kaharian. 

Sumanib pwersa ang High elves, wood elve, elementals, at faen elves. 

Nagsimula ang walang kataposang digmaan sa pagitan ng anim na kaharian at kahit sa mundo ng mga tao ramdam ito dahil naging pula ang kulay ng buwan at dumadagondung ang ulap sa taang ng aquara. Mata sa mata, Pangil sa Pangil, Bawat lahi ay maraming nalagas na sundalo.

 Ang dating awit ng mga ibon ay pinalitan ng tunog ng mga nababanggaang sandata at hinagpis ng mga nasusugatan. Bawat araw na sasapit may patayang nagaganap. Pati mga kabataang elves ay namamatay na dahil sa digmaan ang dating payapang Aelfhrim Puro dugo at katawang wala ng buhay. Tuluyang na sakop ng kadiliman ng mga Aroah ang buong aquara. Nawasak ang Emperyong matiwasay na namumuhay noon pero pinalitan ng takot at kasakiman ngayon. Naghari sila sa loob ng maraming taon. Ginawa nilang alipin ang mga nahuhuling Elves at minsan pinapatay ng walang dahilan. Nagging malupit ang mga Dark elves kaya unti unti silang tinubuan ng sungay.

Hindi na alam ng mga faen ang gagawin upang wakasan ang digmaan tangin sila lang dapat ang sumasapit. 

Lubusang na konsensya ang mga Faen kaya nagpasya silang gawing isang elven godessess ang pinakabatang prinsesa ng High elves upang lumakas ang kanilang pwersa. 

Si Nexie.

 Taglay niya ang katangiang nararapat upang maging ganap na dyosa. Ibinigay nila ang lahat ng kanilang kaalaman sa paggiging dalisay kay Nexie. Pinagsanay siya ng sa loob ng ilang siglo sa isla ng haven. Mahusay na prensisa si Nexie kaya naging madali sa kanya ang pagsasanay.

 Matapos ang mga pagsubok bilang Elven natagumpayan niyang maging ganap na dyosa at muling nanumbalik ang lakas ng mga mabubuting diwata. Malapit na kapagkatalo ng mga Dark elves. Lumiit ang kanilang hanay kaya nang mabalitaan ang tungkol kay Nexie pinatay nila ang lahat na Elven Goddessess sa pangunguna ni Aerilon, sa pamamagitan ng pagsunog sa kanila sa mundo ng mga tao. Limitado lang kasi ang kapangyarihan ng mga Elven at sa mundo lang nila ito gumagana.

 Napasakamay niya ang kapangyarihan ng mga ito matapos patayin ang mga dyosa. Naging kapantay niya si Nexie kaya tanging siya nalang ang pag asang makakatalo sa dark elves. Muling bumalik si nexie sa Isla ng haven kung saan siya nagsanay Buong puso niya inalay ang sarili upang maging Pinakamakapangyarihang Elven Goddess kaya muli siyang nagsanay .

Dinoble pa niya ang kanyang lakas ngunit kapalit nito ang kanyang buhay. Hindi siya nagpahinga kahit minuto man lang. Kahit pagtulog ay hindi niya na ginagawa. Isinakripisyo niya ang sariling buhay upang wakasan ang digmaan. Isang gabi habang patuloy nakikipaglaban ang lahat lumitaw siya sa itaas ng kalangitan at nagmistulang talang napakaliwanag. Umalingaw mgaw ang boses niya sa boung aelfhirm.

Ako'y isasakripisyo ang aking sarili

Upang digmaang walang tatapusan ay ma wakasan

ngunit sa akin paglisan isang sumpa ang akin ay bibitawan

Dark Elves ay papalayasin sa bundok na aking tahanan

kanilang kapangyarihan ay kukunin Waksiin ang ang mga umaklas ng labanan.

Ako bilang Elven Goddess sumusumpa.

Magkakaroon ng kapayapaan ngunit dahil sa katagalan

aking sumpa ay lalaho

ang pagdating ng itinakda ang muli niyong pagkatalo.

Biglang lumiwanag si Nexie at hinigop nito ang buong kapangyarihan ng mga dark elves. Nagmistulang araw ang liwanag na ang nagmumula sa katawan ni nexie.

Halos mabaliw ang mga Dark elves dahil sa biglaang pagkawala ng kanilang kapangyarihan.

Kahit katiting ay walang itinira si Nexie sa kanila.

Umiiyak ang boung kaharian ng aelfhirm hindi dahil sa pighati ngunit dahil sa kasiyahang muli nilang makakamtan ang kalayaan at kapayapaan. Ang bawat dark elves ay tumilapon na tila minamagnet sila mula sa malayong lugar. Paisa isa. 

Unti unting naglaho ang mga dark elves sa isla ng aelfhirm ngunit may mga naiwang mga anak na sanggol ang mga darl elves sa kanilang kaharian. Kinuha ito ng mga high elves pero minarkahan ng mga faen ang kanilang balat gamit ang mga abo ng mga namatay sa digmaan. Umilay ang mga ito sa katawan ng mga batang Dark elves. Ito ang tanda na walang dahilan ang bagong henerasyon na makakuha ng malakas na kapangyarihan.

Ibinahagi ni Nexie ang sariling kapangyarihan pati na ang nakuha niyang kapangyarihan sa mga high elves ngunit nag pasya ang mga itong ipagkaloob ito sa bawat lahi. Nagkaroon ng putting kalasag ang pumalibot sa boung isla ng aelfhrim. Nagtatag sila ng bagong kaharian sa malapit sa ibabaw ng bundok aquara. Tinawag itong Caasterial Realm. Maspinalaki ito dahil samasama na ang buong lahi upang manirahan sa iisang palasyo. Mayroong apat na tore ito bilang palatandaan sa apat na magigiting na kaharian. Ipinalitan rin nila ang kanilang pagkakakilanlan dahil bagong yugtto ito ng kanialng buhay.

Naging Huntsman ang tawag sa mga wood elves.

Elven naman ang sa Faen at Highness ang tawag sa mga high elves dahil sa kanilang gintong puso.

Nagsamasama silang namuhay sa iisang kaharian. Ang Casterial. Ipinagtibay panila lalo ang kanikanilang lahi. Mas malakas. Mas Makapangyarihan. Ngunit bago malusaw si nexie ibinalik niya ang apat na Elven Goddesses para magabayan ang bagong kaharian. Matapos ang misyon niya tuluyang bumalik si Nexie sa Isla ng Haven na nanghihina at doon naglaho ng tuluyan. Kinalaunan ang mga abo niya ay naging malaking sculpture na humahawak ng water lutos tanda sa sakripisyo niya. Simula noon hindi na nila nasilayan ang gabi at tanging araw nalamang ang meron sa Casterial.

Elven's LullabyWhere stories live. Discover now