Six

31 26 4
                                    

Nag ayos ang lahat saka lumabas si Mr Heidegger. "Wafts, Mirgan... To my office."

Nagtinginan kami ni Stella sabi nga pala ni Mr Heidegger may session ako sa kanya kaya sabay kaming sumunod sa kanya papunta sa Mosley Building. Hinawakan niya ang kamay ko. "Ayos ka lang?"

"Oo Salamat sa panyo."(✿◡‿◡)

"Ano kayang pumasok sa utak ni Fumi at enelect ka niya. Baka nabasa niya ang isip mo? Ano bang nasa isip mo"ani ni Stella. Baka nabasa niya yung naalala ko bilang president. Nakakahiya.

Patuloy kami sa paglalakad patungon sa opisina ni Mr Heidegger. 

Ibat ibang uri ng mga elves ang nakikita ko habang naglalakad may nakasalubong may mga sungay, may mukhang prinsesa, meron ring mala- dyosa na sa libro mo lang makikita. May matatalas na tenga at mahahabang kilay, meron ring walang pupil ang mata. Para akong nasa cosplay. 

Yung mga nadadaanan naming mga building ay may mga posting kagaya sa tulay na dinaanan ko kahapon. Mga statue ng elves na may hawak ng water lutos magkamukha lang ang mga statwa.

"Yan si Princess Nexie ang bayani ng bagong Casterial." Stella informed. 

Princess Nexie? 

Nasa Mosley na pala kami.

 Lumang gusali ang Mosley na may pagkaboroque architecture na kinumotan na ng mga dark green na lumot hanggang sa itaas ng tower. Tila nagging pintura na ito ng building sa matagal na panahon.

 "Ito ang pinakalumang gusali sa boung academy kaya dito nakalagay ang buong history ng Aelfhirm, ang pagkabou ng Casterial, at pinagmulan ng mga lahing mga elves. Tinatawag rin ito Birthpalace Of Casterial ng mga matanda. Lumurin mo ang pagbabasa dito sa Mosley kung kailangan mo ng tulong ko umakyat ka sa tower. Maiwan ko na kayo." Umiba ang dereksyon ni Mr Heidegger papuntang tower niya. Naiwan kaming dalawa ni stella sa harap ng mosley.

"Ngayon lang ako nakapunta dito." Sabi niya.

 Nagpasya akong pumunta sa harap ng oakwood na pintuan may naka arkong ugat ng halaman sa kabilang bahagi may mas maliit na pinto. Kinatok ko ito. Maya maya lumabas ang isang matandang pixie na kasout ng kulay pulang dress hanggang tuhod parang petals ng rose ang desinyo. May laki siyang isang palad ng elve at may malapad napakpak na transparent. Kinky ang buhok niya na maputi na. Makunot narin ang balat niya sa mukha. 

"Anong kailangan niyo sa Birthpalace?" tanong niya.

"Magandang umaga po Mrs..."sabi ko.

"Anonette Lejeune"

"Pinapunta po kami ditto ni Mr Heideggerpara pag aralan ang history. Pwede po ba kaming pumasok?" si Stella.

"Sandali lang". Iniwan niyang nakabukas ang mas maliit na pinto. Mula sa loob narinig namin ni stella ang mga kalabog at tunog ng susi. Bumukas ang malaking pinto at binati kami ng mga nagliliparang alikabok. Muli naming nasilayan si Mrs. Anonette at naaakmang babahing ito at naging matagumpay siya. Umulan ng mga petals ng rosas sa harap namin. " Pasensya... Maalikabok na kasi ang Birthpalace wala na kasing naglilinis. Hindi naman kasi ito pinupuntahan ng mga studyante akalain mong isandaang taon rin ang lumipas."

Tahimik kaming pumasok sa loob ng mosley at naamoy ko ang kalumaan ng mga bagay. Amoy alikabok. Hindi na siguro napigilan ang sarili at napabahing narin siya. Tumawa kami. Naiwang si Mrs Anonette sa pinto at kaming dalawa naman ay dinabaybay ang kahabaan ng hallway. 

The lights are dim pero naaninag ko parin ang mga paintins sa magkabilang dingding. Mukhang mga hari't reyna ito.

 Sa unang bahagi ng hallway puro kalalakihan ang mga ito at pansin ko ang kanilang mahahabang tenga at kilay saka umiilaw rin ang kanilang mga mata. Sinubokan kong basahin ang nakasulat sa ilalim ng painting pero mukhang ibang lengwahe ito. 

Tila magkakaanak ang mga ito dahil magkahulma ang kanilang itsura pati ang kulay ng kanilang buhok. 

Nang nasa gitna na kami umiba na ang nasa painting mas maikli na ang tenga nito at mas mukhang tao hindi ang kasunod naman niya ay simula na ng pamamahala ng kababaihan at yung iba sa kanila mukhang may mga peklat sa mukha. Sa bandang dulo kagaya ng ng tao ang kanilang panunulat. Hinanap ko ang pangalang 'Nexie' pero wala akong makita.

Nasa harap na pala kami ng pinto papasok sa pinakaloob ng mosley. Si Stella na ang nagbukas ng pinto at biglang humapdi ang itaas na bahagi ng likod ko. Hindi ko pinansin baka stiff neck lang to kaya diretso ako ng pumasok sa silid. 

(*✧×✧*)

(*✧×✧*)

"Wow!' Stella exclaimed. 

Para akong nasa sinaunang panahon ng natunghayan ang mga sinaunang bagay ng mga elves. 

Agad kong nakita ang napakaliaking painting ni Princess Nexie na pina palibutan ng mga dilaw na ilaw. Nakatagilid siya nakasout ng kulay puting damit na parang dyosa. Pinagmamasdan ang kapangyarihang nasa kamay. May korona ng mga bulaklak at pinapalibutan ng mga paroparo. Mukhang may pagkahawing kami... Charing!

Napakaaliwalas ng boung paligid dahil sa mga chandeliers na gawa sa glowstone.  (*/ω\*)

 Nasa loob ito ng klristal na kahon nakapatong sa sculpture ng mga pixies na gawa sa bato. May mga sirang helmet at armour, maskara, salamin ng prinsesa, kwentas, lumang celendrome, gitara, at diadem.

 Nakahelera ang mga ito hanggang dulo kong saan naroon ang napakalaking paintings ni princess nixiee at may umagaw ng atensyon ko.

 Isang flute na gawa sa buto ng hayop na may pagkaluma na ito pero walang sira wala rin itong crystal box. 

Naalala ko tuloy ang ginawang flute ni Papa na renegalo niya nong ten years old ako. 

(。﹏。*)

≧ ﹏ ≦

Lagi ko itong dala dala kahit saan at ito ang nagsilbi kong kaibigan sa tuwing akoy nagiisa.

 Napaluha naman ako. 

Iyakin talaga ako tuwing naaalala ko ang mga kinalakihan kong magulang. Nako napatakan pa yung flute na nasa harap ko. Yari ako nito kay Mrs Anonette pinunasan ko na lang gamit ang panyo ni Stella. 

(●__●)...

"It's the flute of Queen Eglantina, the noble queen and mother of princess nixie. It is made of Pheonix's Silver bone,  Isa  sa mga ginamit noong digmaam. Tinatawag itong The dreaming phoenix at nakaukit ang istura nito sa plawta." Si Mr Heidegger lumabas siya mula sa pinto na nasa kanan.

 Lumingon ako sa kanya. "Ginagamit pa po ba ito Mr Heidegger?"

 hala bakit ko tinanong yon. "Hindi, Hindi na tumutunog ang plawtang yan matapos ng digmaan dahil namatay na ang may-ari. It's the property of Music Department. My department--- akala ko ba nandito kayo para pagaralan ang history ng aelfhirm." Biglang dumating si stella.

"Ano yan?" tanong ni stella na kakarating lang sa likoran ko nauna kasi siya pumunta sa mga bookshelves. "Flute..."

"Ganun ba? Nakita ko na yung mga librong dapat mong basahin"

Nagsalita si Mr Heidegger. "You guys should start habang mahaba pa yung oras niyo."

Iniwan niya ulit kami ni stella. Muli kong tinignan ang flute sa dati niyang kinalagyan saka kami humanap ng pwestong komportable para simulan ang pagbasa ng history ng aelfhirm. 

Elven's LullabyWhere stories live. Discover now