PROLOGUE

158 91 16
                                    


A D D I C T E D
By : BloodInkStain

"Adik ako! Adik sayo!"

Sigaw ng isang estudyante habang itinuturo ang isang lalaki na naglalakad palayo sa kanya, nakakatawa lang kase ang kapal ng apdo niya para isigaw sa harap ng napakaraming tao na adik siya sa lalake na 'yon, pero hindi ko siya masisisi, actually ang swerte niya nga eh, kasi sa isang tao siya na adik, maaari siyang umasa at masaktan pero 'di niya 'yon ikakamatay.

Napakatagal lumipas ng oras, may isang oras pang natitira bago magsimula ang klase, nakakabagot pagmasdan yung mga taong dumadaan sa harap ko, ang sarap nilang pagtatadyakan at pektusan sa bagang para naman matuwa ako.

"Huy Gurl hanggang kailan ka ba magpapaka baliw don sa taong pulgas na yon?" Narinig kong tanong ng isang babae don sa estudyante na sumigaw kanina, mukhang magkaibigan sila.

"Grabe ka naman sa taong pulgas, kaibigan ba talaga kita? Kontra ka palagi eh, 'di mo na ba'ko mahal?" Pagmamaktol nung adik na sumigaw.

"Ang dami mong arteng babae ka, ang harot talaga ng katawang lupa mo 'noh?" Saad pa ng kaibigan niya sabay irap.

"Ehhh hindi ko nga alam, basta gusto ko siya, siguro magiging adik ako for life, gano'n! Basta stay ka lang diyan bestie." Malinaw kong nakikita ang kinang sa mga mata nung babae habang sinasabi niya na gusto niya ang lalakeng 'yon.

Gusto ko namang matawa sa itsura ng kaibigan niya, mukhang gustong-gusto na siyang batukan nito, parang kulang na lang i-subsub niya yung kaibigan niya at sabihing "Ikaw na babae ka ang tanga-tanga mo! Naghahanap ka ng sakit sa puso, kapag ikaw umiyak-iyak kahit hindi naman naging kayo, malilintikan ka sa'kin! 'Wag mo akong tatawaging bestpren 'pag nagkataon,"  Natawa na lang ako sa sarili kong iniisip.

Hindi ko maiwasan na mainggit, dahil buti pa siya may kaibigan na nakaka-alam ng kaadikan niya, yung tipo ng kaibigan na kahit ang rupok ng bestprend, niya hindi niya ito iniiwan, yung babatukan ka pero ayaw ka niyang masaktan.

Sana may tao rin na handang mahirapan masamahan lang ako, yung taong handa akong batukan kapag nilalamon ako ng addiction ko, yung 'di ako iiwan kahit napaka tanga ko na, dahil naadik ako sa isang bagay na p'wedeng makasakit sa'kin, yung taong ipaparamdam sa'kin na sasamahan niya akong labanan yung addiction ko, yung ipapaalala niya lagi na hindi ko kailangan labanan 'yon ng mag-isa, dahil andiyan siya para samahan ako, napangite ako ng mapait.

May mga kaibigan din naman ako pero kasama ko sila sa oras ng kasiyahan, hindi ako nagsasabi ng sama ng loob sa kanila, kase ang gusto ko, ako yung magiging dahilan ng ngite nila, besides baka tawanan lang nila ako, sino ba naman kasing seseryoso sa sasabihin ko, baka isipin lang nila na pinaglalaruan ko sila, ayuko na lang silang idamay sa problema ko.

Naputol ang pag da-drama ko ng biglang tumunog yung bell, parang kanina lang ang tagal lumipas ng oras, iba talaga kapag lutang, lintik!

Nagmadali akong tumayo at pumasok sa classroom, dating gawi; uupo at maghihintay ng uwian, gano'n lang, wala akong ganang makinig sa kung ano man ang sasabihin ng kahit na sino, ang totoo ay sobrang inaantok ako, at wala akong ibang gusto kundi umuwi at matulog.

Habang nasa klase ay panay ang hikab ko, kulang ako sa tulog at kulang sa lambing, I mean kulang sa kain.

Lumipas ang ilang oras at uwian na, inaaya akong gumala ng mga kaibigan ko pero sabi ko ay kailangan kong umuwi ng maaga, wala naman akong gagawin sa bahay, matutulog lang ako, ayos lang naman sana kung gagala ako at magliliwaliw, wala namang magagalit kahit late akong umuwi, wala naman lagi ang mga magulang ko, ayuko lang talagang sumama sakanila, gusto ko na lang umuwi at magsulat.

Nakarating ako ng bahay at naabutan kong walang tao, 'di pa siguro umuuwi galing sa school yung kapatid ko, dumuretso na'ko sa kwarto para mag bihis pagkatapos ay naupo sa upuan katabi ng study table ko, alangan namang sa study table ako umupo diba?

Kinuha ko ang kuwaderno at mahiwaga kong pluma para magsulat, isa akong Spoken word poetry writer, ang Spoken Word Poetry ay isang tula na may malayang pantig, sukat at tugma, dati rin akong sumasali sa mga online writing contest, pero ngayon itinigil ko na, hindi dahil sa ayuko nang sumali, kundi dahil 'yon ang kailangan, halos umaga na kasi ako natutulog dahil sa mga contest na sinasalihan ko, kung dati ay puyat more fun ako, ngayon ay wala na, hindi na p'wede, ako na mismo ang nagdesisyon na huminto sa pagsali-sali sa writing contest, pero hindi ibig sabihin no'n hihinto na rin ako sa pagsusulat, bata pa lang ako papel at pluma na ang nagiging sandalan ko, dati ay libangan ko lang ang pagsusulat hanggang sa hindi ko namamalayan na dito na umiikot ang mundo ko.

Minsan ay nagsusulat din ako ng mga kanta, at tumatambay sa bakuran para tumugtog ng gitara tuwing sasapit ang gabi, napakasarap kasing magpahinga sa ilalim ng musika kapiling ang buwan at mga bituin, kakaibang kalma ang ibinibigay sa'kin nito.

Sinimulan ko na ang pagkumpas ng pluma sa aking papel at ang aking paksa ay ang damdamin ng isang adik; tulad ko.

Adik ako 

Anong kwento sa likod
ng ngiti ko?

Adik ako!
Adik sayo!

Lumipas ang bawat oras,
araw, buwan, at umabot na ng dalawang taon .

Adik pa rin ako.

Kung babalikan ang nakaraan,
hindi ko na gugustuhing makilala ka, hindi ko hihilingin na umabot sa puntong hindi ka na maalis sa aking sistema, hindi ko na tatahakin ang daan na nagdala sa'kin sa pagkakataon na ika'y aking nakilala.

Adik ako sayo!

Ikaw ang dahilan kung bakit palaging basa ang aking unan,
ikaw ang dahilan kung bakit gabi-gabing hindi mapakali sa aking higaan, ikaw ang dahilan kung bakit ako tumatangis at nasasaktan, at ikaw ang dumating na nais ko ng kalimutan.

Sino nga ba ang aking kinababaliwan?
'Wag na lang nating pag-usapan.

Darating din yung araw na hindi ko na kailangan bumulong sa hangin at ilabas ang lahat ng sakit, darating yung gabi na hindi ko na kailangan takpan ang bibig ko upang tahimik na umiyak.

Hindi ko na kailangan patahananin ang sarili ko, hindi ko na kailangan maging pekeng payaso, hindi na kailangan mabasa ng mga unan, hindi na'ko malulunod sa sarili kong ulan, darating yung araw na ang paghikbi ay hindi ko na makakatulogan.

Unti-unti akong maghihilom ng hindi nagiging abala sa iba,
unti-unti kong lilimutin ang mga bagay na maaaring maging dahilan ng pagluha, ibabaon sa kahapon ang mga pilat na palaging inaalala, umaasang maghihilom ang mga ngiting pilit isinalba.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin o kung magagawa ko bang lumaban sa kahibangan ko bago mahuli ang lahat, pero gaya ng sinabi ko kung babalik ako sa umpisa, mas gugustuhin kong hindi makilala ang bagay na dahilan ng pagtangis ko ngayon.

Mas gugustuhin kong mabuhay ng normal tulad ng iba, yung walang kinatatakutang addiction, walang tinatakasang posas at higit sa lahat walang pinagtataguang tukso.

Iisipin ko pa lang na ikakamatay ko ito, tumutulo na agad yung mga luha ko, ang hirap mabuhay at makulong sa rehas na sarili ko mismo ang gumawa, kung tao lang sana ang addiction ko itutulak ko na siya palayo.

#adikakosayo

Ps. This is my first story so lower your expectations, but hope you liked it, pa vote naman po mga Yanglabs mwuah ♡'・ᴗ・'♡

AddictedWhere stories live. Discover now