A D D I C T E D
BY: BloodInkStainZack POV
Kasalukuyan kong bitbit ang bisekleta ni Sef, Oo at bitbit ko lang ang biseklita niya, hindi ko hinahawakan ang manibela nito, natuto ako ng ganito dahil madalas na nasisiraan ng biseklita ang mga kaibigan ko satuwing may rides o gala kami, minsan ay gulong ang bitbit ko, minsan naman ay yung katawan ng biseklita, walang iwanan kaya't bitbit namin pati ang kaibigan namin.
Matapos kong ihatid si Sef ay bumalik ako kaagad sa bahay para kunin 'tong bike niya, sabi niya ay hihintayin niya ako sa labas ng bahay nila kung saan ko siya iniwan kanina.
Hindi ko alam kong anong problema ng babaeng 'yon o kung anong iniiyakan niya, siguro ay nasaktan lamang siya ng sobra mula sa nangyari kanina.
Galing ako kanina sa bahay ng kaibigan ko at kasalukuyang pauwi na sana nang makita ko siyang lumabas sa isang bahay, pagkatapos ay mabilis na umalis.
Wala akong paki alam kong saan siya pupunta kasi 'di ko naman siya kilala, madalas kong nadaaanan ang bahay nila tuwing binibisita ko ang mga kaibigan ko, ngunit hindi ko alam kong sino ang nakatira ro'n, hindi ko na rin inalam.
Habang nag pepedal ako ay bigla akong nakaramdam ng kakaiba,
May tumatawag sa'kin, tinatawag ako ng kalikasan kaya't binilisan ko ang pag pedal, natanaw ko si Sef na nakayuko habang lulan ng bisekleta, nagulat na lang ako ng bigla siyang umarangkada ng sobrang bilis, 'di ko alam kong may hinahabol ba siya o ano.Mas binilisan ko pa ang pagpedal ko, hindi dahil hinahabol ko si Sef, 'di ko naman siya kilala bakit ko siya hahabulin diba?
Binilisan ko ang pag pedal ko dahil...
Dahil natatae na talaga ko! (╥_╥)
Habang mabilis na nag pepedal napansin kong gumegewang ang bisekletang sinasakyan niya, 'di ko alam kong sira ba yung bisekleta o sira yung nagpepedal, mukhang lasing habang nagmamaneho.
Gusto kong matawa ngunit napangisi na lang ako, bibilisan ko na sanang muli ang pagpedal nang biglang umurong ang tae ko.
Nakita kong tumalsik si Sef kasama nung bisekleta niya, nagulat ako at medyo kinabahan, ang lapit na ng bahay namin, walang namang ibang bahay dito, saka ako lang ang nakakita sa kanya, alangan namang lampasan ko lang siya 'di ba? Hindi kaya ng kunsensya ko mga priii.
Muli akong nag pedal at bumaba, nang malapit na ako sa kanya, ipinarada ko ang bisekleta sa 'di kalayuan at naglakad patungo kay Sef, napansin kong tumataas-taas pa ang likod niya.
Umiiyak ba siya? Ano ka ba Zack, s'yempre ikaw ba naman tumalsik 'di ka masasaktan? S'yempre masakit 'yon, kaya iiyak siya, teka bat ko kinakausap ang sarili ko?
Kakalabitin ko sana siya ng bigla siyang tumingala at sumigaw.
PUNYETA! Uy ang lutong.
Muli siyang yumuko matapos mag mura, hindi ko na lang namalayan ang mga susunod na nangyari, akala ko ay 'di niya ako kakausapin at magmumukha akong hangin kapag nilapitan at kinausap ko siya, ngunit kinausap niya din naman ako, tipid nga lang ang mga sagot, ngunit ayos na rin.
Hindi ko alam kung bakit nakangisi siya at pa ngiti-ngiti habang yung mga mata niya naman ay hindi tumitigil sa kakaiyak, abnormal ba siya?
Natawa na lang ako sa mga iniisip ko, natawa rin ako sa sarili ko kanina, natakot ata yung tae ko, biglang umurong.
Malapit na 'ko sa bahay nila,
masakit at nangangalay na rin ang braso ko,
mabigat kasi yung bisekleta niya, talaga naman, ang liit-liit na babae ni Sef pero ang laki ng bitbit na bisekleta.

YOU ARE READING
Addicted
General Fiction𝙳𝙸𝚂𝙲𝙻𝙰𝙸𝙼𝙴𝚁 𝖳𝗁𝗂𝗌 𝗌𝗍𝗈𝗋𝗒 𝗂𝗌 𝖺 𝗐𝗈𝗋𝗄 𝗈𝖿 𝖿𝗂𝖼𝗍𝗂𝗈𝗇, 𝗍𝗁𝖾 𝖼𝗁𝖺𝗋𝖺𝖼𝗍𝖾𝗋𝗌, 𝗉𝗅𝖺𝖼𝖾𝗌 𝖺𝗇𝖽 𝖾𝗏𝖾𝗇𝗍𝗌 𝖺𝗋𝖾 𝖿𝗂𝖼𝗍𝗂𝗍𝗂𝗈𝗎𝗌 𝗈𝗋 𝖻𝖺𝗌𝖾𝖽 𝗈𝗇 𝗍𝗁𝖾 𝗂𝗆𝖺𝗀𝗂𝗇𝖺𝗍𝗂𝗈𝗇 𝗈𝖿 𝗍𝗁𝖾 𝖺𝗎𝗍𝗁𝗈𝗋. 𝖠�...