CHAPTER 9

72 69 1
                                    

A D D I C T E D
By : BloodInkStain

Ilang araw na ang lumupas at halos napapadalas ang pagkahilo ko, sa mga araw na bumibigay ang mga tuhod ko ay may kamay na umaalalay sa'kin, halos hindi nawawala si Zack sa likod ko, para siyang isang anino na palaging nakaalalay sa'kin.

Mayroon kaming practice ngayon at andito kami sa open ground, tirik ang araw at puspusan ang pag-e-insayo, sa susunod na linggo ay makakalaban namin ang mga player sa ibang university, hindi basta basta ang mga kalaban kaya't maging ako ay hindi nagpapakakampante.

Nang bumalik ako sa lamesa namin para sana uminom ng tubig, may nakita akong gamot sa tabi ng bote ng tubig na dapat sana ay dadamputin ko, nagkibit balikat na lamang ako at kiuha ito pagkatapos ay inilagay ko ito sa loob ng aking bulsa.

Ilang oras ang iginugol namin sa paglalaro ngunit napatigil ako dahil nakaramdam ako ng sakit ng ulo, naupo ako sa may puno para lumanghap ng sariwang hangin, hindi kaya ng katawan ko ang sobrang init mula sa sikat ng araw, hindi ako p'wedeng himatayin dito, malalaman nilang lahat na hindi maayos ang lagay ko, alam kong hindi na ako papayagan maglaro ulit kapag nakarating sa mga magulang ko ang balita.

Kinapa ko sa aking bulsa ang Biogesic na nakita ko kanina at ininom ito, ilang araw ng may nag-iiwan ng gamot sa gamit ko, ang iba ay naiuuwi ko kapag hindi ko naman kailangan, at kinabukasan ay may panibago na naman, p'wede na akong magtayo ng mercury drug store sa dami ng gamot na naipon ko, minsan ay may gamot para sa sakit ng tiyan, sa ubo at sipon, mayroon pang pain reliever, may factory ata ng gamot ang kung sino man na nag-iiwan no'n sa gamit ko.

Maya maya pa ay mayroong naglahad ng towel at tubig sa harap ko, agad akong nagtaas ng tingin at nakita ko si Zack habang salubong ang kilay na nakatingin sa'kin, " Ayos ka lang ba? " tanong niya, marahil ay napansin niya agad ang pamumutla ko.

" Masakit na naman ba ang ulo mo? Nahihilo ka? paguusisa na na tila isa siyang Doctor at ako ang isa sa mga pasyente niya.

" Oum, tumango ako at nag-iwas ng tingin, hinawakan niya naman ang baba ko para iharap ang mukha ko sakanya.

" Anong klaseng sagot yan? kung ako ang doctor mo kukutusan kita. " umupo siya sa tabi ko ang kinuha ang tubig na ibinigay niya sa'kin at binuksan ito.

" Ano iinom ka o ako pa ang magpapainom sa'yo? " tinaasan niya pa ako ng kilay na tila malalagot ako kapag hindi ako sumunod sakanya, minsan ay mas matindi pa siya kung manermon, daig niya pa ang Tatay ko, " Jan ka lang muna, pupunta tayo sa clinic ipagpapaalam lang kita kay coach. " hindi ko siya napigilan ng agad siyang tumakbo patungo sa kinaroroonan ni coach.

" Alam mo ang Oa mo talaga kahit kelan, ayos lang naman ako. " saad ko ng makabalik siya at kasalukuyan ng dinadampot ang mga gamit ko.

" Susunod ka o bubuhatin pa kita papuntang clinic? agad akong naunang maglakad dahil alam kong 'di siya nagbibiro, tulad ng sinabi ni Zack sinamahan niya ako sa check up ko noong nakaraang araw, ngunit ng makausap raw ni mama ang doctor sinabi nitong hindi pa namin makukuha ang resulta at kailangan pang maghintay.  

" Wala ka bang pasok espasol? " baling ko sakanya habang naglalakad kaming papuntang clinic.

" Wala, hindi lang naman ikaw ang player satin. " sagot niya habang umaakto pang nagpapa-shot ng bola, lahat ng player ay may nakatakdang laban sa susunod na linggo, ngayon ko lang naalala na basketball player nga pala ang kumag na'to. 

Tirik na tirik ang araw at talaga namang napaka-init sa mga oras na'to, muli na sana akong magsasalita para magreklamo dahil sa sobrang init nang biglang may nagbukas ng payong sa harap ko.

Nanatili akong nakatitig kay Zack habang bitbit niya ng mga gamit ko,  sa kabila naman nitong kamay ay hawak niya ang payong upang payungan ako, habang tumatagal ay mas nagiging maalaga siya at palagi niyang inaalala ang lagay ko, hindi na'ko magtataka kung isang araw ay mahulog ako sakanya.

Iginiya niya ang daan at nagpatuloy kami sa paglalakad. Nang makarating sa clinic ay agad kaming sinalubong ni Doc. Trina, nagtaka naman ako ng bigla niya akong tinaasan ng kilay.

" Ang akala ko ba ay masakit ang ulo mo? " napabaling na lamang ako sa aking likuran ng biglang sumagot si Zack.

" Hindi para sa'kin 'yon, at tungkol kay coach, mamaya ko na lang sasabihin pag-uwi sa bahay. "

" So what brings you here? " muling saad ni Doc habang nakakrus pa ang mga braso. 

" She's Seffian, kailangan niya magpahinga, masakit ang ulo niya at nahihilo, pinainum ko na siya ng- ng gamot, "  bago niya nagawang sambitin na pinainom niya ako ng gamot ay tumingin muna siya sa'kin. 

" So ang magandang dalagang ito pala ang dahilan kung bakit araw-araw humihingi ng gamot sa'kin ang kapatid ko at nagdadahilan ng mga hindi totoong sakit, Nice to finally meet you Seffian. " saad ni Doc pagkatapos ay naglahad siya ng palad upang kamayan ako. 

" It's nice to meet you too Doc, " tinanggap ko ang kamay niya at nakipagkamay. " Teka Doc magkatapatid kayo? " nalilito kong binalingan si Doc Trina at saglit akong sumulyap kay Zack na nanatiling nakatao sa likod ko.

Tumango si Doc bilang sagot at humarap naman ako para balingan si Zack, " Sayo pala galeng ang mga gamot na 'yon, alam mo bang makakapagpatayo na'ko ng mercury drug store sa dami ng gamot na hinihingi mo kay Doc. " sa halip na magsalita ay ngiti lamang ang isinagot niya sa'kin, at napangiti na lang din ako.

" Doc, pasensya na po, may pagka-Oa po kasi talaga ang kapatid niyo, " baling ko naman kay Doc, at hindi ko inasahan nang nginitian niya ako, nagkaroon ako ng oras para titigan siya, napakahaba ang pilik mata ng doctor at mayroon itong natural na kulay ng labi, nakalugay ang mahaba at kulay itim nitong buhok, napakalinis niyang tingnan dahil sa suot niyang kulay puting damit, at mas tumingkad pa ang taglay nitong ganda dahil sa mala anghel nitong ngiti. 

" Sinabi mo pa, ang sabi ko nga sakanya ay huwag na siyang mag Do-doctor, baka masakit lang naman ang ngipin ng pasyente tapos operahan niya. " natatawa akong bumaling kay Zack na ngayon ay masama ang tingin sa kapatid niya. 

" Andito ka na pala Zack, saan ka ba galeng? dumaan na'ko dito kanina pero wala ka naman, masakit pa ba ang ulo mo? " dumating si Sir Martin na siyang coach ng basketball team dito sa campus. 

" Maayos na ang lagay ng binatang yan coach maaari niyo na siyang isama pabalik sa practice. "  sabat ni Doc Trina habang nakatingin kay Zack, " Ako na ang bahala sa prinsesa mo. " kinindatan pa nito si Espasol bago kinumpas ang mga kamay para paalisin ito. 

" Paano ba yan? Dating gawi? sa pagsapit ng dapit-hapon. " tumango ako bilang sagot, alam kong ang sunset ang tinutukoy niya, halos palagi naming sabay pinapanoon 'yon tuwing hapon,  nakasanayan ko na ring doon dumeretso pagkatapos ng klase. 

Isang pahinga at payapang paghinga pagkatapos ng nakakapagod na araw, tinanaw ko na lamang si Zack habang naglalakad ito paalis. 

Still editing some parts, thank you for reading.

Don't forget to vote. 

AddictedWhere stories live. Discover now