CHAPTER 4

89 75 0
                                    


A D D I C T E D
BY : BloodInkStain  

Kasalukuyan akong nakasunod kay Zack habang nagpepedal,
hindi ko alam kung saan kami pupunta o kung may pupuntahan ba talaga kami, malapit ng bumaba ang araw at baka hinahanap na'ko ni Mama, sigurado nasa bahay na siya.

" Huy Zack! " Binilisan ko ang pagpedal para maabutan ko siya at magkaintindihan kami, " Saan ba talaga tayo pupunta ahh? "

Hindi siya kumibo sa halip ay itinuro niya ang isang malaking puno sa 'di kalayuan at bumaba sa besikleta na sinasakyan niya, iniangkla ko ang mga paa ko upang alalayan akong 'wag matumba, Ano dito na ba yon? nabuboryong kong tanong.

" Hindi pa, Tara! " saad niya at itinulak ang bisekleta papasok sa medyo madamong daan, naghanap siya ng mapag-iiwanan ng mga besekleta, hindi p'wedeng iwan sa tabi ng kalsada, mahirap na baka hindi kami makauwi.

" Iwan mo na yan jan, Tara na! Malapit na. " nahinto siya sa pagsasalita nang kunot nuo ko siyang tingnan na tila walang balak gumalaw mula sa kinatatayuan ko, nagulat ako ng bigla siyang umiling at hinila ako, dahilan para sumonod ako sakanya, nakakaramdam na'ko ng pagod sa mga oras na'to, bakit ba kase ang bilis ko mapagod lintek!

Hingal na hingal kami habang tumatakbo, walang tigil, balak ata akong patayin ng kumag na'to dahil sa pagod.

Napansin kong puro nagtataasang puno ang nadadaanan namin, ngunit hindi ko na napagmasdan ang mga iyon dahil sa bilis ng takbo ni Zack, dati ba siyang kabayo? (^~^)

Nang makaramdam ng sobrang pagod ay pilit kong kinalas ang pagkakahawak niya.

" Teka lang nakaka- WOW! "
nagulat ako sa nakikita ko ngayon, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, nasa tuktok kami ng isang bundok kung saan kitang kita ko ang paglubog ng araw sa pagitan ng mga burol, napaka ganda nitong pagmasdan, nasisikatan ng araw ang mga puno, dahilan upang kuminang sila ng sobra.

Hindi ko na napansin ang reaksiyon ni Zack dahil abala ako sa pagkamangha, ngunit pansin ko ang titig niya sa'kin sa gilid ng mga mata ko, habang paulit-ulit na namamangha sa ganda ng tanawin, hindi ko napansin ang unti-unting pagtulo ng mga luha mula sa mga mata ko, napaupo ako sa damuhan habang pinakakatitigan ang paglubog ng araw, talaga namang pambihira ang ganda nito.

" Akala ko hindi ko na mapapanood 'to ulit " emosiyonal kung saad habang nagpupunas ng luha, halos ayukong kumurap dahil baka may makalimutan akong bahagi nang kagandahan ng araw mula sa lugar na ito.

" This is life. " saad ko matapos huminga ng malalim.

****

Habang pauwi ay tulak tulak namin ang sarili naming mga bisekleta habang binabalot kami ng katahimikan, nakakailang,  sa mga oras na'to naalala kong hindi pa nga pala ako nakakapagpasalamat sakanya sa paghatid niya sa'kin kagabi, kaya't nagpasya akong basagin ang katahimikaan.

" Psst ! Zack, Thank you ahh, " saad ko habang nakasunod sakanya.

" Para saan? " Kunot nuo niyang tanong.

" Para sa paghatid sa'kin kagabi at sa napakagandang araw, I mean para sa kanina, akala ko hindi ko na mapapanood ulit ang paglubog ng araw, sobrang ganda. " hindi ko alam ngunit pakiramdam ko ay tila kumikinang ang mga mata ko habang sinasabi ko ang mga salitang iyon.

" Yon ba? akala ko nga 'di mo magugustuhan at magrereklamo ka dahil sa  pagod, " saad niya habang ang mga paningin ay nasa manibela ng besikleta.

" Hindi noh! napaiyak mo nga ako eh, besides the sunset is beautiful isn't it? para sa mga mata ko isa itong simbolo ng magandang pagtatapos, actually gustong gusto kong panoorin ang paglubog maging ang pagsikat ng araw, ang gandang pagmasdan, sobra." muli kong pagsasalita ng may buong paghanga, napansin ko naman na tila inaaral niya ang aking naging reaksyon.

" Madalas ka ba sa lugar na yon? "
Tanong ko habang deretsong nakatingin sa mga mata niya, marahil ay tinititigan niya ako kanina upang malaman kong nagsasabi ba ako ng totoo o hindi.

" Oo, araw-araw naroon ako, nanonood, minsan ay dalawang beses sa isang araw, I love watching sunset, than movies on television or doing nonsense thing, "  pagpapaliwanag niya.

" So you prefer to be alone? "
Pag-uusisa ko, marahil ay parehas kami.

" Sometimes yeah, mas nakakapag-isip ako kapag gano'n, chill lang. Nakakawala ng pagod, hindi ba ? " tumango lamang ako bilang sagot at muling namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa hanggang sa hindi ko inasahan ang sunod niyang naisatinig.

" Kapag pakiramdam mo hindi mo na kaya at dumating sa puntong piliin mo na lang na mawala, ' wag mong kakalimutan na katulad ng araw, paulit-ulit siyang umaalis pagsapit ng gabi, ngunit paulit-ulit pinipiling bumalik at bigyan ng liwanag ang nag-iisa niyang mundo. " Hindi ko alam kung anong pinagsasasabi ng taong nasa tabi ko ngayon at kasama kong naglalakad, pero kung iisiping mabuti, siguro gusto niyang iparating na kahit ilang beses ko gustohing sumuko,  'wag kong kakalimutang piliin na bumalik at lumaban para sa nag-iisa kong mundo, at sa ngayon pamilya ko ang mundo ko at wala akong balak na iwan sila, kaso mukhang malabo dahil kahibangan ko.

" Tara na bago pa tuluyang dumilim, " naka sakay na siya sa sarili niyang besekleta bago ako nakabalik mula sa pag-iisip kaya't naghanda na rin ako para sumunod.

Tahimik kami hanggang sa makarating ako sa bahay, naabotan kong kumakain si mama at ang kapatid ko, kaya't sumabay na'ko sakanila nakapagtataka lang dahil nung tinanong ako ni mama kung saan ako galeng naniwala siya agad nang sinabi kong nanood ako ng sunset, walang ng additional questions, tapos ang usapan, gano'n lang.

Matapos kumain aakyat na sana ako para matulog ngunit napasulyap ako sa lagyanan ng mga butil, namalayan ko na lang ang sarili ko na ngumunguya na naman ng mga ito habang naglalakad papasok ng kwarto.

Alam mo yung para nag-uusap ang puso at utak mo, ayaw gawin ng puso mo habang yung utak mo naman ay pasaway, samantalang yung katawan mo naman ay gumagalaw na.

Ipinikit ko ang aking mga mata at hindi ko na namamalayan ang oras, basta ko na lang napagtanto na naubos ko na ang mga butil na kanina pang nasa bibig ko, umayos ako sa pagkakahiga at muling nag-isip ngunit hindi pa man nagtatagal ay naisipan kong muli na bumaba para kumuha ng mga butil, ngunit bago ko pa man magawa 'yon ay nagsaklob na'ko ng kumot, muli akong umayos ng higa at naghanda para magdasal.

Amen .

Isang araw na naman ang nalampasan ko, ngunit adik pa rin ako, hindi ko alam kong kelan ako titigil sa kahibangan na'to, hiniling ko na lang na sana bukas pagmulat ng mga mata ko makalimutan kong adik nga pala ako.

Ilang minuto pa kong tumitig sa kisame at nag-isip ng kung ano-ano, huli na nang maalala kong may pasok nga pala ako bukas kaya dapat ng matulog.

Tama na ang sobrang pag-iisip Sef, huli kong saad bago tuluyang ipikit ang aking mga mata.

[ Grammatical Errors ahead ]
hindi po ako perpekto at aminadong pasmado kaya't sana, kung may mga mali specially sa spelling or typos, nawa'y maunawaan niyo pa rin, sorry agad love lots mwaps ♡

Maganda lang po nagkakamali
HEHEHE (^.^)♡







AddictedWhere stories live. Discover now