CHAPTER 10

74 63 1
                                    


Sorry for the slow update YangLabs
Thank you for being patient lovelots mwa (^.^) ♡

A D D I C T E D
By : BloodInkStain 

Andito kami ngayon sa lugar kung saan namin madalas panoorin ang paglubog ng araw, kasalukuyan akong nakaupo sa damuhan habang si Zack ay nakaupo at ang hita niya ang nagsilbi kong unan. 

Tumatama sa aking mukha ang sikat ng araw, nagmistulan itong isang mainit na yakap habang ang hangin ay tila humahaplos sa aking buhok. 

Tumingala ako upang balingan si Zack at nahuli ko siyang nakatitig sa'kin, hindi siya nag-iwas ng tingin at nilabanan niya ang mga titig ko, maging ako ay hindi nagawang alisin ang tingin sa mga mata niyang tila punong-puno ng mga tanong, takot at pag-aalala. 

" Sana ay huminto ang oras at manatili lamang tayo sa ganitong puwesto. " sambit niya habang deretsong nakatingin sa'kin, " Sana ay may magagawa ako para huwag kang mawala sa tabi ko, gusto kitang samahan sa lahat ng oras para masiguro kong hindi mo mabibitawan ang higpit ng mga yakap ko. " Nabagabag ako dahil sa mga luhang tumulo mula sa mga mata niya. " Sana ay tulad ng araw, alam mo kung paano bumalik sakaling iwan mo'ko. "

" Bakit parang kung makapagsalita ka ay mawawala ako? samantalang andito lang ako sa tabi mo. " Pinawi niya ang kanyang mga luha at agad na ngumiti sa'kin, " Zack hayaan mo lang na ako ang maging araw mo, dahil ang araw ay may tinuturing lamang na iisang mundo. "

Agad niya akong niyakap, naguguluhan man at niyakap ko siya pabalik, habang tumatagal ay ramdam ko ang higpit ng yakap niya na tila ayaw akong pakawalan, yakap na tila iyon na ang huli at hindi na niya magagawa kailangan man, masyado na naman ba akong nag-iisip o may mga bagay akong hindi alam? 

Naalimpungatan ako at iminulat ang aking mga mata, nasa loob pa rin ako ng clinic at hindi ko namalayang nakatulog pala ako, panaginip lang ang lahat, alas tres pa lamang ng hapon at tirik na tirik pa ang araw.

Maya maya ay pumasok si Doc at agad na ngumiti ng mapatingin siya sa'kin, " Maayos na ba ang pakiramdam mo? " tanong nito habang naglalakad palapit sa kamang kinahihigaan ko. 

" Opo, mas maayos na kaysa kanina, kulang lang po ako sa tulog at siguro ay sobra sa pagod. " sambit ko habang pinanonood siyang ayusin ang mga gamit sa mesang nasa tabi ko. 

" Mabuti at may pakinabang ang pagiging Oa ng kapatid ko at napilit ka niyang magpunta rito para magpahinga. " napatingin ako sakanya na abala pa rin sa kanyang ginagawa. 

" Masyado nga po siyang Oa, pero napakabuti niyang kaibigan, " pakiramdam ko ay kumikinang ang mga mata ko habang iniisip ko kung gaano kabuting kaibigan si Zack.

Napakabuti niya para palaging tumayo sa likod ko, kasi alam niyang bigla-bigla na lang akong nahihilo at nanghihina, napakabuti niya para laging mag-iwan ng gamot para sa'kin, may sakit man ako o wala, siya yung kaibigan na aabutan ako ng tubig, nauuhaw man ako o hindi, yung hindi nangangako pero tumutupad, yung palaging susulpot kapag pakiramdam mo mag-isa ka, napangiti ako habang inaalala ang mga bagay na ginawa niya para sa'kin. 

" Nagiging gano'n lang naman tayo sa mga taong ayaw nating mawala, " pinakatitigan ako ni Doc habang sinasambit niya ang mga katagang iyon na tila may nais ipahiwatig. " Kung kaya mo na ay p'wede ka na rin namang bumalik sa training field, pero hindi ko ipapayo na maaari ka ng maglaro, you need to rest, ipahinga mo muna ang katawan mo ngayong araw, bukas p'wede na ulit lumaban. " pag-iiba niya sa usapan, hindi na rin naman ako nagtanong at nag ayos na para umalis. 

" Mauna na po ako, Thank you Doc, it's nice to meet you. " saad ko at binigyan siya ng isang matamis na ngiti. 

" And I'm happy to finally meet you Sef, totoo ka nga at hindi lang isang karakter sa imahinasyon ng kapatid ko, at bago ko makalimutan, don't call me Doktora, just call me ate Ina, " binigyan niya ako ng isang makahulugang tingin at nagulat ako ng bigla niya akong yakapin, masyadong malalim magsalita ang Doctor, hindi na'ko magtataka dahil gano'n rin naman si Zack, minsan hindi ko maintindihan ngunit malaki ang nagiging epekto sa'kin ng mga salitang binibitawan niya. 

" Nga pala Sef darlyn, kunin mo 'yang nasa mesa ko bago ka umalis, " saad ni Doc kaya't napabaling ako sa mesa at nakita ko ang anim na yakult at chukie na nasa loob ng isang supot. " Ang sabi niya ay kailangan mo raw yan. " lumapit ako sa mesa para kunin ito, pagkatapos ay nagpasalamat akong muli kay ate Ina bago umalis ng clinic, kinawayan niya pa ako hanggang sa tuluyan na akong naka alis. 

Habang naglalakad ay paulit-ulit kong sinusulyapan ang supot na dala ko, " Alam na alam mo talaga kung ano ang kailangan ko, pati na rin ang mga bagay na paborito ko at tiyak na  makapagpapakalma sa'kin, " napa-iling na lamang ako habang naglalakad papunta sa Valley ball court. 

Ilang oras ang lumipas at natapos din ang practice, sinunod ko ang sinabi ni Ate Ina at nanood na lamang muna ako habang nag-i-ensayo ang team, mula ng bumalik ako sa field ay hindi ko pa nakikita ulit si Espasol, siguro ay hindi pa tapos ang practice nila hanggang ngayon, mas matindi kasi practice sa basketball kaysa sa valley ball, madalas ay inaabot talaga sila ng gabi.

Matapos ayusin ang aking gamit ay nagpasya akong daanan muna siya sa court at ipaalam na mauuna na akong umuwi,  magpapasalamat na rin ako para sa binigay niya kanina, alam niya talaga na gusto ko na laging may iniinom lalo na kapag mag-isa ako, marahil naiisip niya na mag-isa ako kanina at 'yon ang kailangan ko, hindi naman kasi siya p'wedeng manatili sa clinic kasama ko dahil may practice sila, at mapapagalitan na naman siya. 

Nang makarating sa bukana ng basketball court ay agad akong pumasok, nakangiti ako habang naglalalakad, tatawagin ko sana ang pangalan niya ng makita ko siya ngunit walang lumabas na salita sa bibig ko, napahinto ako sa paglalakad ng makita kong halikan siya sa pisngi ng cheer leader ng team nila, pinunasan pa nito ang pawis niya at inabutan siya ng tubig.

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngunit naistatwa ako sa aking kinatatayuan, natauhan lamang ako ng may tumawag sa pangalan ko, nakita ko si Krisha isa sa mga teammate ko sa valley ball, nakangiti pa siya habang naglalakad palapit sa'kin, nang lingunin ko naman ang kinaroroonan ni Zack, nakatingin na siya sa gawi ko at agad siyang tumakbo para puntahan ako.

" Sef uuwi ka na ba? sabay na tayo. " saad ni Krisha na naunang nakalapit sa'kin.

" Hindi, ako na ang bahala sakanya Sha, " agad akong napalingon ng marinig ko ang boses niya, may kakaiba akong naramdaman ng marinig ko ang kanyang tinig, pakiramdam na parang gusto ko siyang sabunutan at kalbuhin, maya maya pa ay dumating ang babaeng humalik sakanya kanina at agad nitong isinabit ang mga kamay niya sa braso ni Zack. 

" Hindi sasama na'ko Krisha, " sambit ko pagkatapos ay hinarap ko si Zack. " Pumunta lang talaga ako dito para sabihing, mauuna na'ko, " nginitian ko siya gano'n din ang babaeng nasa tabi niya, tumalikod na'ko ngunit hinawakan niya ang braso ko, tinapunan ko ng tingin ang kamay niya na nakahawak sa braso ko at muli ko siyang hinarap. " Ayos lang, kaya ko na, " muli kong saad, " Salamat nga pala sa Yakult at Chukie, babayaran ko na lang bukas. " inalis ko ang pagkakahawak niya sa'kin at lumayo ako ng kaunti, kung kanina ay pakiramdam ko espesyal ako dahil sa supot na binigay niya, ngayon ay nais kong bayaran ang mga 'yon dahil malinaw na nasa tabi niya ang babaeng espesyal para sakanya. 

" Come on Zack, matatapos na ang breaktime, may last practice pa remember? kaya niya na naman daw umuwi, and besides, Hindi na siya bata. " natigilan ako dahil sa sinabi ng haliparut na babaeng kasama niya, habang siya naman ay tahimik lang at hindi man lang nagawang ipagtanggol ako.  

Tinitigan ko ang babae mula paa hanggang ulo, bago ko binaling ang mga mata ko kay Zack na deretsong nakatingin sa'kin. " Tama siya, Una na kami. " huli kong saad pagkatapos ay dere-deretso akong naglakad paalis. 

Gabi na at hindi ko napanood ang literal na paglubog ng araw, ngunit ang mga nasaksihan ko ngayon ang pinaka masakit na sunset na napanood ko.

" The sunset is beautiful isn't it? " bulong ko sa hangin at nagpatuloy na sa paglalakad.  

[ ERRORS AHEAD

Don't forget to vote, Thank you for reading. 





AddictedWhere stories live. Discover now