CHAPTER 1

114 83 20
                                    


A D D I C T E D
By: BloodInkStain

Sabado ngayon at tanghali na ako nagising, wala akong ginagawa satuwing umaga bukod sa pagsasaing, dahil kapatid ko ang naka schedule para sa ibang gawaing bahay, kaya ayos lang kahit tanghali nako nagising.

Bago tuluyang bumangon ay ipinikit kong muli ang aking mga mata at nagdasal upang magpasalamat sa Diyos dahil nagising pa ko.

Iminulat ko ang aking mga mata matapos magdasal at nag-unat bago tuluyang bumangon mula sa pagkakahiga, pagkatapos ay mabilis kong inayos ang pinaghigaan ko, palinga-linga pa akong lumabas ng pinto, wala na sina Mama at Papa, marahil ay nasa work na si Papa at si mama naman ay gano'n din, maaga silang umaalis kaya halos hindi ko sila nakikita tuwing umaga, yung kapatid ko naman ay nakita kong naghuhugas na ng pinggan, kinuha kona ang kaldero dahil oras na para mag saing.

Kasalukuyan akong nasa harap ng mga butil ng bigas at nakikipagtitigan, ang daming tumatakbo sa isip ko, parang may palabas sa utak ko na naglalaman ng mga pwedeng maging epekto kapag 'di ko nilabanan ang addiction ko.

Yes adik ako,
pero hindi sa tao, adik ako sa mga butil na nasa harap ko ngayon.

Ang sarap kasi nilang papakin lalo na kapag wala akong magawa, o kapag nagbabasa ako ng libro, kapag nagsusulat o kahit anong ginagawa ko.

Dati-rati kumakain lang ako nito tuwing inaalisan ko ng mga maliliit na bato yung bigas, pero hindi ko namalayan na hindi ko na ito maalis sa sistema ko,
tuwing umaga pag gising ko siya agad unang pumapasok sa isip ko, at ako ang sasaing kaya madalas ma-entertain yung addiction ko, bigla-bigla na lang itong pumapasok sa isip ko na parang sinasabi sa'kin na papakin ko siya, hindi ko na lang namamalayan na lumipas na ang dalawang taon at adik pa rin ako, para na 'kong nababaliw!

Matagal bago ko isinara ang lalagyan ng mga butil parang nagtatalo palagi ang puso at isip ko, yung puso ko ayaw niya nang ituloy ko yung pagkaadik ko, pero yung utak ko talaga namang pasaway, hindi ko na lang namalayan na naisubo ko na ang ilang butil, alam kong sobrang imposible kung iisipin na 'di ko kayang pigilan yung sarili ko, pero may maniwala man sa'kin o wala, hindi ko rin gusto 'to.

Natapos magsaing ay naghanda na'ko para maligo habang ngumangata-ngata na parang kambing, habang naliligo tumatakbo sa isip ko ang mga tanong na.

"Kailan mo ba ititigil yan Sef? Kapag ba mas nanaig na ang white blood cells sa katawan ko? At malapit nakong mamatay?"

Napabuntong hininga na lang ako at iniluwa ko sa bawl yung mga butil na nasa bibig ko at nagpatuloy sa paliligo.

Matapos naligo ay didiretso na sana ako sa kwarto nang muli akong mapatingin sa lalagyan ng mga butil, agad kong iniwas ang mga mata ko dahil hindi ko na naman gusto ang iniuutos ng sarili kong utak, nagkulong ako sa kwarto at nahiga, gusto kong umiyak, para akong hinahabol ng sarili kong takot, takot na isang araw makuha ko ang hinahanap ko dahil sa kahibangan ko, napakatanga ko!

Unti-unti na namang tumulo ang mga luha mula sa mga mata ko, dalawang taon na 'kong adik at dalawang taon na rin akong nahihirapan, ilang beses kong sinubukan pero nagtatapos pa rin ako sa tukso, hindi ko na alam kong anong gagawin ko.

Hindi normal na kumain ng hilaw na bigas lalo na at batid ko ang dulot nito, hindi ito simpleng addiction lang, hindi madali ang pinagdadaanan ko.

Tumayo ako at naglakad palabas ng bahay para kunin ang besikleta ko, hindi ako pwedeng manatili dito sa bahay dahil matutukso lang ako ng mga butil na 'yon, itinulak ko ang aking bike palabas ng gate saka ako sumakay at nagpaka layo-layo.

Habang nagpipidal para akong lutang na hindi ko maintindihan.

"Nababaliw na ba 'ko? Abnormal ba 'ko?"

AddictedWhere stories live. Discover now