CHAREZ HINDI PA END DHZAI
A D D I C T E D
By : Bb_LlianNang gabing iyon ay tila naghalo-halo ang nararamdaman ko, matapos kong panoorin ang pagkawala niya ay isinara ko na ang pinto, napaupo na lamang ako sa sahig at tahimik na umiyak, ngunit sa kalagitnaan ng paghikbi ay bigla akong nakaramdam ng kirot sa aking ulo, agad kong iginala ang aking paningin at tila umiikot na naman ang paligid ko.
Nakaramdam ako ng kaba at hindi ko alam kung paano ko ikakalma ang aking sarili, pinilit kong tumayo para sana maglakad papunta sa upuan ngunit sa aking pagtayo ay ramdam ko ang panlalambot ng aking tuhod, batid kong sumusikip na rin ang aking paghinga at hindi ko alam kung sisikatan pa ako ng araw kinabukasan.
Nang unti-unti ng pumipikit ang aking talukap ay naramdam ko pa ang naging pagbukas ng pinto.
Sef! Anong nangyari? Tumakbo siya palapit sa akin at kinulong niya ako sa mga bisig niya.
Bumalik siya, ang lalakeng pinagtabuyan at itinulak ko palayo, at ngayon ay hihimbing ako sa kanyang kanlungan, kung ito na ang huling beses na pagkikita, masaya akong sa kanlungan niya babawian ng buhay.*****
Nagising ako sa isang silid na btid kong hindi pamilyar sa akin, sa pagmulat ng aking mga mata ay agad kong iginala ang aking paningin, doon ko napagtanto na nasa loob ako ng isang k'warto sa hospital.
Napatingin ko sa aking kamay na hawak-hawak ni Zack, mahimbing siyang natutulong ngunit hindi niya pinakakawalan ang kamay ko, napakapayapa niyang pagmasdan, at batid kong gusto ko pa rin ang taong 'to.
Kung iisipin ay hindi naman siya dapat na nasasaktan ng dahil sa'kin, alam kong nakadagdag pa ang pagtataboy ko sakanya para mas madurog siya.
Napakamadhid ko para hindi isipin ang mararamdaman niya, kulang pa ba na alam niya ang lagay ko? Alam kong sa parteng yon pa lang ay nasaktan ko na siya, at sa halip na makabawas ay pinalalala ko pa, hindi ko man lang siya binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag.
Hinaplos ko ang kanyang pisngi dahilan upang magising siya.
Sef gising ka na, kumusta ang pakiramdam mo? Ayos ka na ba? Anong masakit sa'yo? Agad akong napangiti bago sumagot.
Ayos na, mas maayos na ngayon Zack. Sa halip na bitawan ang kamay ko ay mas hinigpitan niya pa ang kapit, deretso siyang tumingin sa'kin at nagulat ako sa sunod sunod na pagpatak ng mga luha niya.
Tang ina, akala ko iiwan mo na'ko, agad na nagilid ang luha sa mga mata ko habang pinanonood ko siyang umiiyak, Sef I'm sorry, I'm sorry for not trying to explain, ayaw ko lang sabayan ang emosyon mo nang gabing 'yon, gusto kong malaman mo na pinagsisisihan ko ang pagtalikod ko sa'yo, hindi ko dapat ginawa yon kahit na ipagtabuyan mo pa'ko, yumoko siya sa kamay ko ngunit patuloy pa rin sa pagsasalita, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung tuluyan kang nawala sak'in.
Pinipigil ko ang aking mga luha upang huwag na siyang mag alala, batid kong hindi niya gustong makita akong umiiyak.
Zack, pagtawag ko sa pangalan niya, batid kong mahina ang aking tinig ngunit sapat lamang upang magkarinigan kami.
Siguro ay hindi lang ako sanay na may taong handang mahirapan kasama ako, kase dati pinapangarap ko lang 'yon, pinagdadasal ko lang 'yon, tapos ngayon nasa harap ko na, nang dumating ka hindi ako mapakapaniwala sa lahat ng ipinaparamdam mo, siguro dahil akala ko walang taong tutupad sa mga pinagdarasal ko, sino ba naman kasing gustong mahirapan 'di ba? Hindi ako nagtagumpay sa pagpigil ng luha nang oras na tumitig siya sa mga mata ko.
Hindi ko na alam ang gagawin ko Zack, natatakot ako, natatakot akong masaktan kita, pero mas natatakot akong mawala ka. Nagmistulang mga patak ng ulan ang aking mga luha, hindi sila tumitigil at nagiging dahilan pa ito para mahirapan akong huminga, batid kong napansin ito ni Zack kaya't agad niya akong pinatahan at pinawi niya ang mga luha mula sa mga mata ko.
Hindi ako mawawala, pagkatapos ng lahat ng 'to ipapaliwanag ko sa'yo ang lahat, kapag nakalabas ka na at kapag na siguro kong okay ka na, sasabihin ko sa'yo lahat. Ngayon ay mas naliwanagan ako at handa akong hayaan siyang magpaliwanag, at pagkatapos din ng lahat ng 'to aaminin ko na sakanya ang nararamdaman ko.
[ Grammatical Errors ahead ]
Hindi po ako perpekto at aminadong pasmado kaya't sana, kung may mga mali specially sa spelling or typos, nawa'y maunawaan niyo pa rin.Maganda lang po nagkakamali
HEHEHE (^.^)♡

YOU ARE READING
Addicted
General Fiction𝙳𝙸𝚂𝙲𝙻𝙰𝙸𝙼𝙴𝚁 𝖳𝗁𝗂𝗌 𝗌𝗍𝗈𝗋𝗒 𝗂𝗌 𝖺 𝗐𝗈𝗋𝗄 𝗈𝖿 𝖿𝗂𝖼𝗍𝗂𝗈𝗇, 𝗍𝗁𝖾 𝖼𝗁𝖺𝗋𝖺𝖼𝗍𝖾𝗋𝗌, 𝗉𝗅𝖺𝖼𝖾𝗌 𝖺𝗇𝖽 𝖾𝗏𝖾𝗇𝗍𝗌 𝖺𝗋𝖾 𝖿𝗂𝖼𝗍𝗂𝗍𝗂𝗈𝗎𝗌 𝗈𝗋 𝖻𝖺𝗌𝖾𝖽 𝗈𝗇 𝗍𝗁𝖾 𝗂𝗆𝖺𝗀𝗂𝗇𝖺𝗍𝗂𝗈𝗇 𝗈𝖿 𝗍𝗁𝖾 𝖺𝗎𝗍𝗁𝗈𝗋. 𝖠�...