CHAPTER 6

77 73 3
                                    


A D D I C T E D
By: BloodInkStain 

Nakaupo ako ngayon sa damuhan habang patuloy na pinanonood ang paglubog ng araw, habang si Zack naman ay tahimik na nakaupo sa tabi ko, iniisip ko tuloy kung bakit lagi na lang sumusulpot 'tong taong 'to kapag nagda-drama ako, 'di niya ba alam na minsan epal siya?

Pero sa totoo lang ang lakas ng epekto sa'kin ng mga sinasabi niya, kung magsalita kasi siya parang may alam siya sa pinagdadaanan ko, may alam nga ba siya?

" It's okay not to be okay Sef , Gagaling ka ... " napatingin ako ng deretso sa mga mata niya ng sabihin niya ang mga salitang 'yon, sa isang iglap ay tila nasagot ang tanong ko, may alam nga siya.

" Anong sinasabi mo? " sa halip na magpahalata ay nagpanggap akong walang alam sa sinasabi niya, hindi ako sigurado kung ano ang alam niya baka nagkakamali lang ako.

" Sinabi sakin ni tita lahat Sef, at sa susunod na linggo na ang check up mo hindi ba? nagulat ako sa mga naririnig ko, bakit sinabi ni Mama kay Zack ang lagay ko? Bakit kailangang sabihin? Bakit kailangan niya akong kausapin ngayon ng ganito? Ang daming tanong na tumatakbo sa isip ko at hindi ko alam kung paano yon sasagutin.

Tumingin ako sa malayo at muling tinanaw ang napakagandang tanawin, habang humahaplos sa pisngi ko ang sariwang hangin na tila pinupunasan ang mga luha na hindi ko namalayang sunod-sunod na naman ang pagtulo.

" Tama ka, sa susunod na linggo na nga, nakakatawa lang na gusto kong malaman ang lagay ko pero ayukong ituloy ang check up, baliw diba? " tumatawa kong saad, nang tinapunan ko siya ng tingin ay tingin lang din ang isinagot niya sa'kin .

Muli akong tumingin sa malayo at bumuntong hininga bago muling magsalita.

" I'm 2 years addicted, pagsisimula ko, yung nangyari nung isang araw sinadya ko yon. kumunot ang nuo niya at mukhang pinipilit niyang intindihin ang mga sinasabi ko.

" Binilisan ko ang pagpadyak ng pedal para masukat ko yung lakas ko, dati naman hindi ako gano'n kadaling mapagod, hindi ako nag co-collapsed kahit ang layo ng puntahan ko, hindi ako umiiyak ng 'di ko namamalayan, dati naman hindi ako nasasaktan sa paulit-ulit na dahilan. "

" Not until that addiction came to ruin everything.

" Yung pakiramdam na bigla ka na lang matutulala tapos mamamalayan mo umiiyak ka na pala, yung buong araw paulit-ulit tumatakbo sa isip mo na " Sef ano na? " kasama yung mga tanong na mamatay na ba'ko? Kailan ako titigil? kailan ako babalik sa dati? tahik lang na nakikinig si Zack habang nakatitig sa'kin, batid kong hindi siya makapaniwala sa mga naririnig niya.

" Yung gabi-gabi ka na lang tulala sa kisame tapos 'di mo mamamalayan ilang oras ka ng nakatitig don habang umiiyak, Yung naluluha ka kahit naliligo ka lang naman, nagkakape o kahit pa nga tumatae. mapait akong natawa habang iniisip yung mga pagkakataon na nangyari 'yon, lahat ng yon iisa lang ang dahilan.

" Yung pakiramdam na halos gusto mong wala lagi sa bahay, tipong gusto mo ikulong yung sarili mo sa kwarto, yung gusto mong pakandaduhan yung lagyanan ng pesteng mga butil na kinahihibangan mo, yung nagmamakaawa ka habang nagdarasal at sinasabing na ayaw mo na, pero kinalaunan ay gano'n pa rin. " habang patuloy na nagsasalita ay patuloy din ang pagpatak ng luha mula mula sa mga mata ko.

" Minsan nga naiisip ko, sana magka-amnesia na lang ako eh, kasi baka sakali ...
Baka sakaling mabuhay ako ng malaya at makalimutan kong pinapatay ko yung sarili ko, hinayaan ko lang ang sarili ko na ilabas ang lahat ng sakit, na tila malaya akong masaktan at 'di ko kailangang magtago, malaya akong lumuha at 'di ko kailangan pigilan ang sarili kong mga paghikbi.

" Pagtatawanan ka ng iba kasi iisipin nila abnormal ka, baliw o kung ano-ano pa, natatakot kang magsabi sa iba kasi baka husgahan lang nila ang pinagdadaanan mo. Minsan ko ng naranasan ang mga bagay na 'yon kaya't sinabi ko sa sarili kong sasarilinin ko na lang lahat.

" Tapos makikita ko si Mama na umiiyak kasi hindi niya na raw alam ang gagawin niya sakin, ang pinakamasakit akala ko ako lang yung nahihirapan, ang hindi ko alam yung mga magulang ko ang pinakanasasaktan sa ginagawa ko, dumating pa sa point na makita ko lang sila naiiyak na'ko, tipong gusto kong lumuhod at umiyak sa harap nila habang humihingi ng tawad, kasi hindi nila deserve ng anak na sasaktan at pahihirapan sila, hindi ako deserve ng kahit na sino. Habang tumatagal ay lumalakas ang aking mga paghikbi, at napasulyap ako sa taong nasa aking tabi,  nang hinagod niya ang likod ko para ako ay pakalmahin.

"Ayukong ako ang maging pilat nila, dahil hindi ko alam ang lunas sa sugat na maibibigay ko. " 

" Walang gabi na hindi ako iiyak at magmamakaawa, habang sinabi kong ayuko na, walang araw na hindi ako nahihirapan habang pinagmamasdan ko ang mga taong ayaw akong mawala, habang ako? hindi ko magawang ilaban yung sarili ko, inilagay ko ang aking dalawang palad sa aking mukha at doon umiyak nang umiyak, humagulgol ako at walang pakialam kahit may nakakarinig, ito ang unang beses na umiyak ako ng ganito katindi, Ito yung unang beses na hindi ko kailangan umiyak ng tahimik, Unang beses na hindi ko kailangan takpan yung bibig ko para walang makarinig ng aking mga paghikbi, unang beses na p'wede kong isigaw lahat ng sakit at ipaalam sa mundo na ayuko na ng ganito.

Tumayo ako at tumakbo hanggang sa makalapit ako sa tabi ng bangin, pagkatapos ay saka ako sumigaw nang sumigaw.

AHHH AYUKO NA!
HIRAP NA HIRAP NA'KO!
P-AKIUSAP TAMA NA!

Matapos sumigaw ay unti-unti akong nanlambot at nanghina, naramdaman ko na lang na may brasong humawak sa bewang ko para alalayan ako, mas naiyak pa'ko ng maramdaman kong dahan-dahan akong ihinarap ni Zack sakanya, pagkatapos ay mahigpit niya akong yinakap.

" Sa ngayon hindi ko pa lubos na maintindihan ang lahat ngunit andito lang ako. Iiyak mo lang lahat, hindi kita patatahanin, ngunit pagkatapos mong masaktan, sasamahan kitang maghilom.

" Hindi ko man kayang alisin yung sakit na nararamdaman mo, sana maiparamdam ko sa'yong hindi ka nag-iisa.

Naramdaman ko ng mabasa ang balikat ko at natigilan ako ng mapagtanto kong umiiyak siya, unti-unti akong napayakap sakanya pabalik habang tumatakbo sa isip ko na.

May tao pa lang mananatili kahit wala silang maintindihan o hindi ka nila maintindihan,
may tao pa lang handang manahimik at makinig sa lahat ng sasabihin ko, may tao pa lang sasalo sa'kin kapag nanghihina ako, may tao pa lang yayakap sa'kin matapos kung sumabog at umiyak ng todo.

Hindi ko kilala ang taong nagkulong sa'kin sa mga bisig niya,
ngunit siya lang yung meron ako sa mga oras na'to, na sa mga pagkakataon na napagod akong mag-isa, may tao ng handang samahan ako.

Sa mga araw na pinagtatawanan ako ng lahat , may tao palang hindi ako pagtatawanan, may tao palang ni Zack ...

Tamihik kong itinutulak ang aking bisikleta habang pauwi, sinabi ni Zack na sasamahan niya ko sa susunod na linggo, sobra-sobra na yung nagawa niya para sa'kin, masaya ako kasi may taong dadagdag sa rason kung bakit dapat akong lumaban, may taong naniniwala na kaya ko, may taong tulad niya na handa akong samahan.

Pero natatakot akong mabigo ko siya tulad ng iba, natatakot akong tulad ng pamilya ko ay untiunti akong maging pilat niya.

[ GRAMMATICAL ERRORS AHEAD

Still editing some parts, but thank you for reading, Adios! 

AddictedWhere stories live. Discover now