A D D I C T E D
by: BloodInkStainSEFFIAN'S POV
Nang umagang magising ako sa hospital si Mama ang unang nasipat ng mga mata ko, nag-aayos na siya ng mga gamit ko, iniisip kong marahil ay uuwi na kami maya-maya rin.
Dahan-dahan akong umupo at pinanood lamang silang mag-ayos, pagkatapos ay tinulungan ako ni Mama na magbihis hindi naman puwede na dalhin ko pati ang damit sa hospital, maputla ako pero kaya kong tumayo mag-isa, kaya kong maglakad at kumilos.
Masaya rin akong nagpaalam kay Nurse Shay ng makasalubong namin siya kanina bago ako tuluyang nakalabas ng hospital.
Nasa kotse na kami ngayon bakas ang ngiti sa mga labi ko, naiwan ang tingin ko sa bintana ng kotse ng madaanan namin ang bahay ni Zack, mukhang walang tao sarado ang pinto malamang ay may pasok siya.
Nang huminto kami sa tapat ng bahay ay sabik akong bumaba ngunit natigilan at nagtaka sa mga salitang narinig.
" Sef anak, dito ka na lang huwag ka ng bumaba, I'll get your stuff so that we can go to the airport " bumaba na siya ang kotse at agad naman akong sumunod naguguluhan sa mga narinig.
" What ? Why ? Where are we going? " hindi ako nilingon ni Mama sa halip ay derederetso siyang pumasok ng bahay, kaya't agad akong sumunod.
Naabutan kong nakahanda na ang dalawang maleta sa loob ng bahay, wala akong alam sa mga nangyayari o kung sa'ang lupalop ba kami pupunta.
Ma! Sagutin mo naman ako please , saan tayo pupunta ? Bakit kailangan umalis? Bakit—
Stop asking Seffian! we're leaving for good ! nakatitig lamang ako kay mama at hinihintay ang susunod niyang sasabihin, hindi ko maintindihan.
Why? Nasan si Tef ? at si Papa ? ang akala ko ay nandito sila sa bahay kaya't hindi ko na sila hinanap simula noong nagising ako kaninang umaga, wala akong ideya sa mga nangyayari.
They're in States kagabi pa sila umalis Sef, common ! Male-late na tayo sa flight—
Ma! Ano ba ! hindi niyo pwede basta-basta na lang sabihin na aalis na tayo, paano ang pag-aaral ko ? Tinanong niyo man lang ba ko kung gusto ko ? Si Tef tinanong niyo man lang— hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil ang mga susunod na lumabas sa bibig ni Mama ay ang mga salita na magpapaguho sa mundo ko.
May Cancer ka!
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko, walang salitang lumabas sa bibig ko ngunit ang mga mata ko ang nangungusap para sa'kin, unti-unting nanghina ang mga tuhod ko ngunit sinusuportahan ko ang sarili kong bigat upang huwag akong matumba.
Tell me e-verything Ma... pinilit kong magsalita kahit ang mga luha ko ay nag-uunahan na sa pagtulo.
Stage 2, Blood Cancer it is Acute Myelogenous Leukemia , A Cancer that found in the blood and bone marrow, caused by too many white blood cells. Nasapo ni Mama ang nuo niya at naupo para pakalmahin ang sarili, habang ako ay hindi pa rin makapaniwala sa mga naririnig ko.
Kaya't kailangan nating umalis Sef ! It's all for your own good, please anak, lahat gagawin ni Mama at Papa huwag ka lang mawala samin, hawak na ni mama ang mga kamay ko ngayon at doon umiyak ng umiyak, hindi ko kinaya ang bigat ng nararamdaman ko ngayon kaya't iniwan ko si Mama para magkulong sa kwarto, umiyak ako ng umiyak habang nakahiga sa sarili kong kama, nangyari nga ang kinakatakot ko, at lahat ng ito ay bunga ng addiction ko!
Napakatanga Sef napakatanga !
sinasabunutan ko ang sarili ko dahil sa sobrang galit at takot sa mga susunod na puwedeng mangyari.Habang tahimik akong umiiyak naririnig ko ang mga pagkatok ni Mama sa pinto, batid kong umiiyak siya, at ang makita siyang umiiyak ang pinaka ayaw ko, Lintik para akong sinasaksak ng paulit-ulit, ako ang dahilan kung bakit humahagulgol ang pinakamamahal ko.
Hindi pa man ako patay, ramdam na ramdam ko ang kamatayan habang naririnig ko ang mga paghikbi niya, agad akong nagtungo para buksan ang pinto, bumungad sakin ang mukha ng babaeng gagawin ang lahat para sakin.
Agad akong yumakap kay mama at paulit-ulit na humingi ng tawad, alam kong huli na, sobrang nasaktan ko na siya, ni hindi ko alam kung ilang butil na ng luha ang nailabas niya mula nung araw na malaman niya ang sakit ko, o nung araw pinaplano niya ang paglipad namin papunta sa ibang bansa para doon ako magpagamot, o ilang beses na siyang nagmakaawa na siya na lang ang umako ng sakit ko, ilang beses na ba siyang umiyak mula pa noon, iisa ang dahilan.
Ako.
Ma, I'm sorry ...
Kahit kailangan hindi mo deserve ng anak na tulad ko, Ma, hindi mo deserve masaktan at umiyak ng ganito, kahit kailan hindi ka nagkulang ng pagpapaalala sakin I'm sorry Ma ... Umiyak ako ng umiyak habang yakap namin ni Mama ang isa't isa pinapatahan niya ako habang nakakulong ako sa bisig niya, wala akong narinig na kahit ano, Galit o mga masasakit na salita, yakap niya lang ako habang tahimik na umiiyak.Shhhh tahan na, gagawin ni Mama lahat para gumaling ka, kahit kailan hindi ko pinagsisihan na dumating ka sa buhay ko, at hinding-hindi ko pagsisisihan yon Sef anak, ikaw, kayo ng kapatid mo ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko.
Mas lalaong lumakas ang mga paghikbi ko dahil sa mga katagang iyon, ano bang ginawa kong mabuti para biyayaan ako ng Magulang na tulad nila.
Kaunting minuto pa kaming nanatili sa bahay bago nagdesisyon na tuluyang umalis, kailangan kong iwan ang lugar na ito pati na rin ang mga nakaraan, para magawa kong mabuhay sa hinaharap, kailangan kong umalis.
Bago namin tuluyang lisanin ang bahay, iniwan ko sa tabi ng mga halaman na nakapatong sa labas ng bahay mismong sa harap ng bintana ang isang libro, agad itong mapapansin dahil napakalapit nito sa pinto, ang libro ay naglalaman ng mga tula na isinulat ko sa isang linggo ng pamamalagi ko sa hospital, halos ang kalahati ay naglalaman ng random poems at ang mga susunod ay tungkol sa lalakeng nakilala ko ng hindi inaasahan.
Si Zack.
Hindi ko alam kung magkikita pa kami ulit, o ito na ang huli, walang kasiguraduhan kung gagaling pa ba ako. Nag-iwan ako ng note sa pinakaunang pahina, habang tahimik na hinihiling na sana mabasa niya.
" Hii Zack ! Salamat sa kaunting panahon ng pagkakaibigan, marahil ito na ang huli, nga pala gising ako noong gabing pumunta ka sa hospital, at kung alam ko lang sanang hindi ako dito uuwi ay pinili kong sulitin ang gabing iyon kasama ka, para sayo ang munting libro na ito, sinulat ko ito sa loob ng isang linggong pamamalagi sa loob ng hospital. Hanggang dito na lang espasol patawad at salamat sa lahat. "
Sef ♡
Gusto kong malaman niya na narinig ko ang lahat, at alam ko kung gaano siya kabuting tao, at kung gaano niya kagusto na manatili sa tabi ko, siya ang unang tao na nagparamdam sakin na hindi ko kailangan lumaban mag-isa, hindi ako mag-isa, at hindi ako mag-iisa, mananahan ang ala-ala niya sa puso ko hanggang sa wakas.
—
Sinisipag lang ako mag update, Yanglabs ! nawa'y tulad ni Zack samahan niyo'ko hanggang wakas.
[ Grammatical Errors Ahead ]
— hindi po ako perpekto at aminadong pasmado, kaya't sana if may mga mali specially sa spelling or typos nawa'y unawain niyo pa rin HUHU sorry agad love lots mwaps ♡Keot lang po nagkakamali ehe !
ENJOY ! (^.^)

YOU ARE READING
Addicted
General Fiction𝙳𝙸𝚂𝙲𝙻𝙰𝙸𝙼𝙴𝚁 𝖳𝗁𝗂𝗌 𝗌𝗍𝗈𝗋𝗒 𝗂𝗌 𝖺 𝗐𝗈𝗋𝗄 𝗈𝖿 𝖿𝗂𝖼𝗍𝗂𝗈𝗇, 𝗍𝗁𝖾 𝖼𝗁𝖺𝗋𝖺𝖼𝗍𝖾𝗋𝗌, 𝗉𝗅𝖺𝖼𝖾𝗌 𝖺𝗇𝖽 𝖾𝗏𝖾𝗇𝗍𝗌 𝖺𝗋𝖾 𝖿𝗂𝖼𝗍𝗂𝗍𝗂𝗈𝗎𝗌 𝗈𝗋 𝖻𝖺𝗌𝖾𝖽 𝗈𝗇 𝗍𝗁𝖾 𝗂𝗆𝖺𝗀𝗂𝗇𝖺𝗍𝗂𝗈𝗇 𝗈𝖿 𝗍𝗁𝖾 𝖺𝗎𝗍𝗁𝗈𝗋. 𝖠�...