Chapter 13

75 57 0
                                    

A D D I C T E D
By: BloodInkStain 

[ Grammatical Errors ahead ]
Hindi po ako perpekto at aminadong pasmado kaya't sana, if may mga mali specially sa spelling or typos nawa'y maunawaan niyo na maganda lang ako nagkakamali rin. 



ENJOY YANGLABS ! ♡

Nanatili kami sa sala habang dinaramdam ko ang katahimikan,
nakapikit ang aking mga mata ngunit may mga kumakawala pa ring luha mula sa mga mata ko.

Maya maya pa ay mayroong tumikhim sa harap ko dahilan upang imulat ko ang aking mga mata, bumungad sa'kin ang isang baso ng tubig at gamot na hawak ni Zack, agad akong nagtaas ng tingin dahil sa takot, pinakatitigan ko ang mga mata niya na puno ng pag-aalala at muling ibinalik ang tingin sa tubig at gamot na nasa harap ko, nang hindi ako gumalaw ay umupo si Zack sa tabi ko, inilapag niya sa mesa ang isang baso ng tubig upang buksan ang gamot para sa'kin, nang matauhan ay kinuha ko ang gamot mula sa kamay niya at iniabot niya naman sa'kin ang tubig.

Huminga ako ng malalim bago umayos ng upo, ngayon ay hindi ko na magawang tumingin sa mga mata niya, " Noong isang gabi, bago umalis sina Mama muntik na naman akong mawalan ng malay, paninimula ko, nilalaro ko rin ang mga kamay ko dahil maging ang pagku-kuwento ay kinatatakutan ko.

" Hindi ko na kinaya nang gabing 'yon at umabot sa punto na paulit-ulit ko ng sinasabing hindi ko na kaya, sobra akong natakot at pinipilit kong huwag matulog, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko nung gabing 'yon. I was drained, at ang tanging laban ko lang ay ang manatiling gising at humihinga. Hindi ko alam kung paano ko nagagawang umakto na parang okay lang ako, na parang wala akong pinagdadaanan, kahit ang totoo hindi ko na kinakaya.  " habang naglalahad ng mga nangyari ay sunod-sunod na naman ang pag-patak ng mga likido mula sa mga mata ko, " Napaka malas naman kasi talaga na isang tulad ko pa ang nakaranas ng ganito, alam mo ba yung pakiramdam na panoorin silang umiiyak nang dahil sa'yo? Habang ikaw, gusto mo silang lapitan pero hindi mo magawa kasi natatakot kang baka mas masaktan mo lang sila? Yung wala ka namang nakakahawang sakit pero itinataboy mo lahat ng nasa tabi mo para huwag ka nilang mahalin, dahil nakakatkot kang iwan sila.  Nakayuko lamang ako dahil ayukong makita niya ang pag-iyak ko, ayuko ring makita sa mga mata niya na nasasaktan ko siya habang pinanonood niya kong umiiyak.

Naramdaman ko na lang na may mga bisig na yumakap sa'kin, umiyak ako nang umiyak sa balikat niya na tila wala akong inaalala " Kapag hindi mo na kaya ang sakit, p'wede ka namang pumikit, asahan mong sasamahan kitang magpahinga, hanggang sa kaya mo na ulit. " nagkaroon ako ng lakas ng loob na tumingin ng deretso sakanya matapos marinig ang mga salitang iyon, pinakatitigan ko ang mga mata niyang puno ng pag-asa at pangako.

Pangako na ilang beses niya ng tinutupad, ilang beses niya ng napatunayan na hindi siya katulad ng iba na pagtatawanan ang pinagdadaanan ko, na hindi siya katulad ng iba na huhusgahan at kakaawaan lang ako, dahil kahit kailan hindi ko nakita mula sa mga mata niya na naaawa siya sa'kin, sa halip punong-puno ito ng tiwala at kumikislap na tila gustong iparating sa'kin na niniwala siyang malalampasan ko rin 'to.

Hindi siya nawala kahit sa pinakamatinding pagsabog ng sakit na nararamdaman ko, hindi siya umalis sa mga oras na kailangan ko ng sasalo sa'kin, sa mga pagkakataong nanghihina ako, hindi siya nagkulang sa pagpaparamdam na hindi ako mag-isa.

Habang tumatagal ay alam kong mas lumalalim lang ang sugat na maaari kong iwan sakanya, mas mabuti na rin sigurong hayaan ko na siyang lumayo, o kung ayaw niya man ay ako na mismo ang gagawa ng paraan para layuan niya ko. 

Hindi na siya p'weng maging parte ng buhay  ko, wala nang sino man ang papayagan kong pumasok sa buhay ko, dahil alam kong wala akong ibang magagawa kundi saktan sila.

Muli kong inihilig ang aking ulo sa sofa at huminga ng malalim habang nakatitig sakanya, " Zack! pagtawag ko sa pangalan niya sa pinakamahina kong tinig, tumaas naman ang kilay niya hudyat na nakikinig siya.

" Hindi mo naman kailangan gawin 'to, hindi mo kailangan na samahan ako sa lahat, choose to be with someone who will not leave a wound or scars on you. " naisatinig ko ito sa mahina ngunit malinaw na paraan, sinubukan kong titigan siya habang nagsasalita para malaman niyang seryoso ako, at para maramdaman niyang ayuko na siyang makasama. 

" What do you mean? Sef dito lang ako, wala akong paki alam kahit mahirap, saktan mo'ko? ayos lang, ang mahalaga nasa tabi mo'ko" bakas na bakas sa mukha niya na naguguluhan siya sa mga sinasabi ko at tila hindi niya ito naiintindihan,  hindi niya naiintindihan na mahirap para sa'kin na saktan siya, sa pamamagitan ng pagtaboy o pananatili niya. 

" Don't choose to be with me. Zack mahirap bang intindihin 'yon?  " matagal niya akong tinitigan na tila pinoproseso niya kung totoo nga ba ang kanyang mga naririnig. 

Ang totoo ay, hindi ko alam kung kakayanin ko bang panindigan ang mga sinasabi ko ngayon, hindi ko alam kung paano ko siya palalayuin o sasaktan, hindi siya maaaring pumasok sa buhay ko, kung kinakailangan ko siyang saktan ngayon gagawin ko, hindi ako papayag na mas mapalapit siya sa'kin at magkaroon ako ng malaking parte sa buhay niya, dahil hindi ko kakayanin kapag mas malaking pilat ang maibigay ko sakanya. 

Aaminin kong noong unang beses pa lang na sinamahan niya ako habang umiiyak, unti-unti na siyang nakapasok sa buhay ko, at ngayong inamin kong gusto ko siya ay hindi ko alam kung paano ako magpapatuloy ng wala siya, malaking parte na ng buhay ko ang napasok niya pero ito lang ang alam kong paraan para mabuhay siya ng normal,mabuhay na hindi ako inaalala, walang bibigyan ng gamot, walang matutumba na lang bigla, ito lang ang alam kong paran para ilayo siya sa hirap na maaari niyang maranasan habang kasama niya ko. 

 Tumayo ako at naglakad patungo sa puntuan upang buksan ang pinto, naiwan siyang nakatitig sa hangin at agad na natauhan ng igiya ko ang aking kamay para ihatid siya palabas, tumayo siya at naglakad palapit sa'kin, " Sef, sambit niya sa pangalan ko gamit ang pinaka mahina niyang tinig. 

" From now on, you don't need to be with me, 'wag mo na ulit akong lalapitan, just please stay away from me. " kitang kita ko kung paano namuo ang mga luha mula sa mga mata niya, bakas na bakas mula rito ang hirap at pagtataka, siguro ay hindi niya pa lubos maisip kung totoo ba ito o nananaginip lang siya.

Hindi na siya nagsalita sa halip ay tumango na lamang pagkatapos ay naglakad na palabas ng bahay, nang makalabas sa pintuan ay muli pa siyang lumingon sa'kin, pinagmasdan ko na lamang siya ng tuluyan na siyang tumalikod at nag-umpisang maglakad paalis. 

" Until the next sun raise my sun. " naisatinig ko ito habang pinanonood siyang unti-unting mawala sa paningin ko. 

Kung ihahalintulad sa paglubog ng araw, siya ang dapit-hapong hindi na babalik, the sunset is beautiful isn't it? 

THE END ~ 















AddictedWhere stories live. Discover now