CHAPTER 7

73 71 1
                                    

A D D I C T E D
By : BloodInkStain 

Zack's POV 

Kasalukuyan akong nakahiga at iniisip ang mga nangyari, sariwa pa rin sa isip ko ang mga nalaman ko tungkol ka'y Sef, parang sirang plaka na umuulit-ulit sa utak ko ang bawat pagtulo ng luha niya, maging ang paraan niya ng pagsigaw na tila sobrang nahihirapan na siya ay hindi maalis sa isip ko.

Gusto kong itanong kung paano niyang kinakaya na baliwalain ang tali sakabila ng paghihirap? Her case is suicidal, addiction is not a joke at napaka tatag niya para labanan 'yon ng mag-isa.

Yung paraan niya ng magsisigaw 'yon yung magsasabi sa'yo na ang tagal niyang tinakpan yung bibig niya para tahimik na umiyak, kanina lang siya nagkaroon ng pagkakataon para ilabas lahat ng sakit, para siyang bulkan na matagal nanahimik at bigla na lang sumabog, habang tulala hindi ko namalayan na ilang minuto na pala ang lumipas at nanatili par in akong naka tulala sa kisame, maya maya pa napansin kong isang oras na ang lumipas at mulat pa rin ako.

Gano'n katagal akong nag-iisip habang tulala? May klase nga pala bukas, nagmadali akong pumasok sa banyo ng makaramdam ako ng init at napagdisisyonan kong maligo bago matulog.

Matapos maligo ay dumiretso na ako sa aking kama at iniwasan ng mag-isip ng kung ano-ano sapagkat kailangan kong magising sa tamang oras kinabukasan, baka mahuli sa pagpasok bukas kakaisip ko sakanya, huminga ako ng malalim bago ipikit ang mga mata at hindi namalayan ang aking paghimbing.

Kasalukuyan na akong palabas ng bahay, tulak-tulak ko ang aking besikleta para tumungo sa paaralan ng matanaw ko ang isang anghel na mukhang balak akong sagasaan.

" Tabi! " Sigaw ni sef kaya agad akong napa atras, wala ba siyang preno o gusto niya lang talaga akong sagasaan?

" Ano tutulala ka lang ba jan espasol? Tara na hoii mahuhuli na tayo! "  Agad akong bumalik sa ulirat ng pitikin ni sef ang nuo ko.

" Aray! Kapag mag-aaya kailangan manakit? "  hindi na siya muling nagsalita sa halip ay ngumiti na lamang siya sabay alis, habang ako naman ay agad na sumunod sakanya.

Mabilis kaming nakarating sa paaralan kaya't napagdesisyonan naming tumungo muna sa canteen para kumain pareho pala kaming hindi na nakapag almusal kakamadali maaga pa naman.

" Hoii espasol! nood ka mamaya ng try out sa valley ball ahh, " saad ni Sef habang bitbit namin ang aming mga tray patungo sa isang bakanteng mesa.

" Ha bakit? Mag ta-try out ka ba? " baling ko sakanya, hindi ba't bawal siyang magpagod ng sobra? 

" Oo, subok lang malay mo makuha, gustong-gusto ko talaga kasi makapasok sa valley ball team, " habang kumakain kitang-kita ko sa mga mata niya ang kagustuhang sumali, napansin ko naman na ang ganda pala ng mga mata niya, kulay kayumanggi ang eye balls mahaba ang pilik mata, parang manika.

" Hoii nakikinig ka ba? nabasag ang paglalarawan ko ng mapalakas ang boses niya, anong nangyayari sa'kin? Nasapo ko na lamang ang nuo ko.

" Ano nga ulit yon? " tanong ko habang nagsisimula na ring kumain.

" Sabi ko mag ta try-out ako at gusto ko manood ka! Wag yung titigan mo'ko habang kumakain tshh, " nagulat na lang ako dahil sa lakas ng loob niyang sabihin ng deretso 'yon sa harap ko, kakaiba talaga tong babae na 'to.

" Oo na! oo na! Pero Hindi kita tinititigan okay napansin ko lang yung mata mo, saka ang haba ng pilik mata mo, p'wede ng isakal sayo! Kumain ka na nga lang jan! " Pang-aasar ko, natawa na lang ako ng samaan niya ako ng tingin.

AddictedWhere stories live. Discover now