Author's Note: Thank you for reading the Book 1 of my story, I am hoping to continue your journey in reading with me.
Next Story
Medical Series 1: Zack Forth Santiago
A D D I C T E D
by: BloodInkStainZack's POV
I am now walking and about to go home when I feel a bit of a headache, so I decided to go to the nearest market to buy some medicine.
Habang naglalakad papasok sa market ay biglang buhos ang ulan, patakbo akong pumasok at dumeretso sa bilihan ng gamot, masyadong naging siksikan ng bumuhos ang ulan kaya't nahirapan akong makarating sa exit, dahil na rin sa dami ng tao na nagpapatila ng ulan.
Halos ilang minuto na akong nakatayo ngunit wala atang balak na huminto ang pagbuhos ng ulan, kaya't nagpasya akong bumili na lang ng payong para naman makauwi.
Nang makabili ay agad akong nagmadaling bumalik sa exit, nang akma ko na sanang bubuksan ang payong ay napansin ko ang isang pamilyar na babae, pinakatitigan ko ang mukha niya, hindi ako maaaring magkamali.
“I know it's her, ang laki na ng pinagbago pero alam kong siya yon.” Napansin ko naman ang lalaking kanina pa tingin ng tingin sa kanya, hindi ko gusto ang tindig nito at ramdam kong hindi sila magkakilala. Ibinalik ko ang tingin sa babae at mayamaya pa nagulat na lamang ako ng bigla siyang nawalan ng malay at akma ng hahandusay sa sahig, ngunit parang nagkaroon ng sariling buhay ang mga paa ko at dali daling lumapit para saluhin siya.
Bumaksak siya sa mga bisig ko, masyado akong nataranta at hindi ko alam ang gagawin, bubuhatin ko na sana siya ng biglang may nagsalita.
“Pare ako na, dadalhin ko siya sa hospital, sabi ng lalaking nasa tabi ko na walang ano-ano'y humawak pa sa braso ko, hindi maganda ang kutob ko sa kanya kanina pa lang.
“Are you Kyla's friend? Tanong ko sa lalaki, tumaas na lang ang kilay ko ng biglang nag iba ang ekspresyon ng mukha niya, at halatang nag-iisip.
“Oo, kaibigan ko siya kaya ako na ang bahala” napangisi ako ng dahil sa sinabi ng lalaking nasa harap ko, binuhat ko si Sef at akma na sanang aalis ng muli akong pigilan ng lalaki.
Agad ko itong hinarap at binigyan ng isang matalim na tingin, “ I am a Doctor, ako na ang bahala sa lahat, hindi pa rin nito binitawan ang braso ko kaya't binigyan ko siya ng mas matalim na tingin, “ Fuck off men, she's my girlfriend, at hindi kita kilala so better leave.” Matapos kong sabihin ang mga salitang iyon at agad na kaming umalis, unang una hindi na maganda ang kutob ko sa lalaking 'yon pangalawa, hindi Kyla ang pangalan ng babaeng buhat buhat ko ngayon, huli, hindi ko hahayaang buhatin siya ng iba, o dumampi man lang ang kamay nila sa kanya, ang tagal niyang nawala hindi ko siya puwedeng basta na lang ipagkatiwala sa kahit na sino.
Mabuti at humina na rin ang ulan ngunit umaambon pa rin kaya medyo nabasa pa kaming dalawa ni Sef, ipinasok ko na siya sa passenger sit at agad na rin kaming umalis.
Hindi ko alam kung saan siya ihahatid kaya inuwi ko muna sa siya sa dorm na tinitirhan ko ngayon, habang nagmamaneho ay pasulyap sulyap akong tumitingin sa kanya.
“Ang tagal mong nawala” Bulong ko na lamang sa hangin at nagpatuloy na sa pagmamaneho.
Nang makarating ng apartment ay nagulat pa ang kasambahay ko, may kalakihan din kasi ang apartment na nabili ko kaya't
kailangan ko talagang kumuha ng kasambahay.“Sir Zack sino po yan? Girlfriend niyo ho?” Pag-uusisa niya pa.
Nginitian ko lamang siya at hindi na sumagot, ibinilin ko kay Manang Saly na siya na ang bahala kay Sef, ipinasok ko si Sef sa kuwarto ko at inilapag sa kama.
Pagkatapos ay nagtungo rin muna ako sa banyo para maligo at magbihis dahil basang basa rin ako ng ulan.
Pagkatapos ay bumalik rin ako agad sa kuwarto para silipin kung maayos ba ang lagay niya.
Nang dumaan ako sa kusina ay nakita kong naghuhugas ng pinggan si Manang Saly.
“Manang kumusta po ang lagay niya?” Agad naman na huminto si manang sa ginagawa at sumagot.
“Hindi pa rin siya nagigising at napakahimbing ng tulog, pero nabihisan ko na, pinunasahan ko rin ng bimpo na niloblob sa malamig na tubig dahil mataas ang lagnat niya, mayamaya pagkagising ay paiinumin ko ng gamot.”
Kanina ko pa napansin na mataas ang lagnat niya, sa lamig ng panahon hindi normal ang temperatura ng katawan niya, mabuti na lang at may gamot pa naman palang natitira sa drawer, ang tadhana nga naman, pumunta ako sa market kanina para bumili ng gamot, samantalang may natira pa pala, hindi kasi ako maaaring mawalan ng nga gamot sa bahay, bawal magkasakit ang Doctor “Salamat manang” Tugon ko naman, mabuti nga at hindi pa nakakaalis si manang dahil hindi ko alam kung paano ko siya bibihisan kapag nagkataon.
Sa halip na magtungo sa kuwarto ay napagpasyahan kong manatili sa kusina para magluto ng lugaw, binilin ko naman kay manang na roon muna siya para bantayan si Sef.
Habang nagluluto ay hindi ako makapaniwala na nasa taas lang siya, ang babaeng napakatagal kong hinanap at hinihintay, nawala na lang siya na parang bula, wala man lang paalam, na akala mo ay wala siyang paki alam sa mararamdaman ko, ang tagal tagal kong hindi nagkagusto sa iba.
“Damn it!” Agad akong napasigaw ng mapaso sa sandok at nang bumaba si manang ay nagprisinta siyang siya na ang maghahain dahil luto na rin naman ang lugaw na ihinanda ko.
I decided to go upstairs to check up on her, nang makapasok ay tahimik akong naglakad palapit sa kama, kinuha ko ang bimpo sa nuo niya at muli itong inilagay sa palanggana na may malamig na tubig, pagkatapos ay piniga at muling ibinalik sa kanyang nuo, I also checked her temperature at hindi pa rin bumababa ang lagnat niya.
Sa mga oras na'to napakarami kong gustong itanong, na hindi ko alam kung paano ko sisimulan o kung magugustuhan ko ba ang mga sagot na lalabas sa mala rosas niyang labi.
Ngunit isa lang ang nasisiguro ko, kung siya ang pinakamagandang takip-silim noon, siya rin ang pinakagusto kong bukang-liwayway.
Author's Note: Thank you for reading the Book 1 of my story, I am hoping to continue your journey in reading with me.
Next Stories
Medical Series 1: Zack Forth Santiago
YOU ARE READING
Addicted
General Fiction𝙳𝙸𝚂𝙲𝙻𝙰𝙸𝙼𝙴𝚁 𝖳𝗁𝗂𝗌 𝗌𝗍𝗈𝗋𝗒 𝗂𝗌 𝖺 𝗐𝗈𝗋𝗄 𝗈𝖿 𝖿𝗂𝖼𝗍𝗂𝗈𝗇, 𝗍𝗁𝖾 𝖼𝗁𝖺𝗋𝖺𝖼𝗍𝖾𝗋𝗌, 𝗉𝗅𝖺𝖼𝖾𝗌 𝖺𝗇𝖽 𝖾𝗏𝖾𝗇𝗍𝗌 𝖺𝗋𝖾 𝖿𝗂𝖼𝗍𝗂𝗍𝗂𝗈𝗎𝗌 𝗈𝗋 𝖻𝖺𝗌𝖾𝖽 𝗈𝗇 𝗍𝗁𝖾 𝗂𝗆𝖺𝗀𝗂𝗇𝖺𝗍𝗂𝗈𝗇 𝗈𝖿 𝗍𝗁𝖾 𝖺𝗎𝗍𝗁𝗈𝗋. 𝖠�...