CHAPTER 5

87 75 0
                                    

[ Grammatical Errors ahead ]
hindi po ako perpekto at aminadong pasmado kaya't sana, kung may mga mali specially sa spelling or typos, nawa'y maunawaan niyong maganda lang ako at minsan nagkakamali rin, sorry agad love lots mwaps ♡

ADDICTED
BY: BloodInkStain  

Kasalukuyan akong naglalakad patungo sa library nang makasalubong ko si Zack, ngunit hindi niya ako nakilala dahil sa suot kong sumbrero, medyo mainit ang panahon at naisipan kong tumambay sa library para magbasa at magpalipas ng kaunting minuto, ngunit ang totoong pakay ko talaga ay ang matulog. Tahimik kasi 'don saka wala ang librarian kapag ganitong oras, iyon ang perpektong pagkakataon para umidlip.

Pumasok ako sa library at naghanap ng magandang pwesto na malayo sa pinto, nakita kong may mga bakanteng mesa sa dulo ng mga bookshelf at napili kong doon maupo, ipinatong ko ang aking bag sa lamesa at naghanap ng libro na magandang basahin pampaantok.

Nang mahanap ang libro na nais kong basahin ay umupo ako at nagsimulang magbasa.

" ADDICTED "

Pagkakabasa ko sa titulo ng libro,
nang makita ko ito kanina alam ko na agad na ito ang nais kong basahin, marahil ay dahil ito sa titulo ng libro kaya't naagaw nito ang aking pansin.

Ilang minuto na ang lumipas, halos nalibang ako sa pagbabasa at nakalimutan na ang balak na pagtulog, napaka ganda ng librong binabasa ko, kwento ito ng isang babae na nahibang sa isang ginoo, natawa ako ng maalala ang nangyari nung isang araw, yung may sumigaw na babae at sinabing adik siya don sa lalakeng itinuturo niya.

Habang nagbabasa hindi ko maiwasang maingit at magtanong, kung tao lang siguro ang addiction ko, ito siguro tipo ng tao na sasaktan ako ng sobra, yung tao na gagawin ang lahat ng panloloko mapa-iyak ka lang, kasi sa lagay ko parang paulit-ulit akong nililinlang ng tukso na kahit umayaw yung puso ko, sa dulo ay yung addiction ko pa rin ang pinipili ko.

Ang sakit siguro na palayain yung  isang tao na mahal na mahal mo, kaso paulit-ulit kang sinasaktan kaya ayaw mo na, napagod ka na dahil naaawa kana sa sarili mo .

Ako kaya kailan maawa sa sarili ko? Araw-araw habang hinahayaan kong lamunin ng addiction ko ang sarili kong sistema, parang hinahayaan kong patayin ko ang sarili ko.

Sandali akong tumigil sa pagbabasa para huminga ng malalim at magisip-isip.

Ang tanga ko! Naisatinig ko ang mga salitang iyon pagkatapos ay yumuko ako at naiyak sa sariling mga kamay.

" Ilang beses mo ba sasabihan ng tanga ang sarili mo? " Nagtaas ako ng tingin ng may magsalita sa harap ko, nakita kong nakaupo si Zack sa harap ko habang ang mga siko ay nakapatong sa lamesa at deritsong nakatingin sakin.

" Ilang beses ka pa bang iiyak? "
Nagtaka ako ng makita sa mga mata niya ang pag-aalala, tila binabasa niya ang laman ng utak ko maging ang aking emosyon.

" Anong ginagawa mo dito? "
Iyon ang unang tanong na naisatinig ko sahalip na sagutin ang mga tanong niya.

" Hmm, ilang beses mo din ba akong tatanungin ng mga walang kwentang tanong? " tinaasan ko siya ng kilay dahil sa isinagot niya, ngunit ngisi lamang ang iginanti niya sa'kin.

" Sef isa itong school library, lahat ng estudyante ay pinapayagang pumunta dito para magbasa, hindi para umiyak, " dagdag niyang pa habang nakataas din ang isang kilay.

" Fine! Pero kailangan ba jan ka pumwesto sa harap ko? Ang daming bakanteng lamesa espasol! Sinusundan mo ba'ko? " nakapagtataka lang na palagi na lang siyang sumusulpot sa harap ko sa mga pagkakataong hindi ko inaasahan.

AddictedWhere stories live. Discover now