CHAPTER 12

70 59 1
                                    

A D D I C T E D
By : BloodInkStain

Kasalukuyan na akong nagluluto ng adobo para sa hapunan, dapat sana ay kanina pa ko naka-uwi ngunit naubos ang lakas ko sa pakikipagsagutan kay Espaspol, hindi ko alam kung bakit pa ba siya sumunod sa'kin gayong hinihintay siya ni Elise minsan talaga napakagulo ng tadhana.

Pagkatapos kong ihanda ang mesa ay umupo na ako para kumain, napasarap ang kain ko kaya't medyo natagalan pa bago ako nagpasya na tumayo para ayusin ang pinagkainan ko, naghugas na rin ako ng plato at kinuha ang mga basura na ilalagay ko sa labas, dadaan bukas yung truck na kukuha ng mga basura, matatambak na naman 'to kapag 'di ko nilabas.

Nakakatamad man ay nagtungo na ako upang lumabas, sa pagbukas ko ng pinto bumungad sa'kin ang mukha ni Zack na halatang inaantok, pagod at nanginginig, tunay na napakalamig ng ihip ng hangin.

" Sumunod pa talaga, Anong ginagawa mo jan? " agad na baling ko sakanya matapos ilapag ang mga basura, hindi siya agad na sumagot sa halip ay tinitigan niya ako ng deretso, malamlam ang mga mata niya at tila naguguluhan. 

" Bakit pakiramdam ko nasasaktan kita? May nagawa ba akong mali? puno ng tanong at pag aalala ang mga mata niya, habang ako naman ay naguguluhan sa nangyayari, wala ba talaga siyang ideya? 

" Hindi ka dapat sumunod pa dito, at dapat layuan mo na'ko. " 'yon naman talaga ang dapat hindi ba? magkaibigan pa rin naman kami at hindi magbabago 'yon pero kailangan niya akong iwasan, respeto na 'yon kay Elise. 

" Teka tungkol ba 'to kay Elise?  huminga ako ng malalim para ipaliwanag sakanya lahat. Marahil ay wala talagang ideya ang mga lalake sa ganito, wala silang alam na maaari nilang masaktan ang mga taong mahal nila dahil sa pagiging malapit nila sa iba. 

" Magkaibigan tayo Zack, pero nirerespeto ko ang girlfriend mo, Zack kapag may iniingatan ka ng tao, matuto kang lumayo sa mga taong p'wedeng makasakit sakanya, and besides, baka bigla na lang may sumabunot sa'kin, Don't get me wrong but, Zack you should protect her feelings no metter what. Pakiramdam ko ay may bumabara sa lalamunan ko habang sinasabi ko ang mga salitang 'yon, para akong natutunaw sa mga titig ni Zack habang nagsasalita ako. 

" Noted, sambit niya, tumango pa siya at biglang nag-iwas ng tingin, pinilit kong ngumiti para ipakitang masaya ako, ngunit nadudurog ako sa mga pagngiti niya sa harap ko, gayong ang mga ngiting ito ay hindi naman para sa'kin. " Sisiguraduhin kong gagawin ko yan kapag tayo na,  agad akong natigilan dahil sa mga narinig, " I will protect your feelings no matter what. "

Hindi ko alam kong pinaglalaruan niya ba ako o sadyang nahihibang na siya, bakit niya sinasabi sa'kin ang mga bagay na 'to? Mas lalo pa akong naguluhan dahil sa mga pag-ngiti at pag-ngisi niya sa harap ko. " Niloloko mo ba ko? taas kilay kong baling sakanya na ikinatigil niya.

" Naririnig mo ba ang sarili mo? Ipapaalala ko lang Zack, kanina lang kausap mo ang girlfriend mo, at ngayon andito ka sa harap ko para lang sa mga kalokohan mo? Are you out of your mind? " hindi ko maintindihan kong bakit kailangan niyang gawin 'to, at kung bakit all this days ay pinili niyang manatili sa tabi ko, pinaparamdam niya na espesyal ako samantalang mayroon namang ibang nagmamay-ari sakanya. 

Tinaasan niya ako ng kilay at pinag kros ang kanyang mga braso, " I smell something fishy. " sambit niya na ikinagulat ko. " She's not my girlfriend Sef, and it's not like what you think.  " pagkatapos bitawan ang mga salitang iyon ay agad siyang nag-iwas ng tingin at palihim na ngumiti. 

" What do you mean? Kung hindi mo siya girlfriend, then why didn't you refuse when I said she was your girlfriend? tinaasan ko siya ng kilay, pinag krus ko ang aking mga braso at nilabanan ang kanyang mga tingin. 

" Because you look beautiful when you're jealous, " agad akong umayos ng tayu dahil sa mga salitang sinambit niya, muli na sana akong sasagot para itanggi ang mga paratang, nang biglang tumunog ang telepono na nasa loob ng bulsa ko, balak ko na sana siyang itaboy paalis bago sagutin ang tawag ngunit huli na dahil dere-deretso siyang pumasok at nagtungo sa sala. 

Wala akong nagawa kundi sagutin ang tawag at sumunod kay Zack, naupo kami sa sala at ihinilig niya ang kanyang ulo sa sofa, mukhang sobrang napagod ang espasol, ang alam ko may practice sila kanina ng basketball team, masyado silang abala para sa laban sa susunod na linggo. 

" Hello, Ma. " baling ko sa telepono. 

" Kumain ka na ba? yung gamot mo nainom mo na ba? " sunod sunod na tanong ang bumungad sa'kin, alam kong nag-aalala na naman siya, nitong mga nakaraan ay mas napapadalas ang pagkahilo ko, at bago sila umalis nung nakaraan ay muntik na naman akong mag-collapsed. 

" Kakatapos lang po, maya maya po iinom ako. " sinadya kong huwag ipahalata ang pinag-uusapan namin ni Mama para huwag ng magtanong pa si espasol, hindi niya alam ang nangyari nung nakaraan at wala akong balak ipaalam sakanya. Pinipilit ako ni mama na inumin na ngayon ang gamot dahil baka raw makalimutan ko mamaya pero nag-isip ako ng paraan para magdahilan, hindi ako p'wedeng makita ni Zack na umiinom ng gamot, mag mumukha na naman akong mahina. " Ma, ayos lang ako, hindi ko kakalimutan. " maya maya pa ay narinig ko ang mahihinang hikbi mula sa kabilang linya, batid kong sobrang nag-aalala na naman siya.

Inihilig ko ang aking ulo sa upuan at tahimik na nakinig sa mga pangaral ni Mama, " Sef anak, makinig ka naman sa'kin, alam ko mag-isa ka jan, baka hindi mo na naman nalalabanan yang addiction mo, anak wag ng matigas ang ulo, alam kong nahihirapan ka kaya isipin mo ang makakabuti para sa'yo, napakarami mo pang pangarap at gusto kong makasama ka sa pagtupad non, wag mo naman sayangin ang buhay mo anak. "  habang nakikinig ay hindi ko napigilang maluha, ipinikit ko ang aking mga mata habang nakikinig sa boses niya, ramdam na ramdam ko ang katahimikan sa paligid dahil wala ang ingay ng boses ni Mama, rinig na rinig din ang mga paghikbi na pilit niyang pinipigil. 

" Ma, I'm fine, 'wag ka mag-alala, hindi ako mawawala, andito lang ako, hihintayin ko kayong umuwi. Nag-uunahan sa pagtulo ang mga luha ko, ngunit pinilit kong magsalita ng malinaw. " Sige na Ma, inaantok na po ako, it's getting late. " agad na nagpaalam si Mama dahil batid niyang bihira lamang akong antukin ng maaga, at paulit-ulit pa ang bilin niya na huwag muna akong mag-isip ng kung ano-ano at piliin ko munang magpahinga.

Nang namatay ang tawag ay nanatili akong nakatitig sa telepono at muling napapikit. " It is hard and it hurts when someone is begging you to live.

Alam kong sobrang nasasaktan ko ang mga taong nasa paligid ko, at mas nasasaktan ako, I don't deserve their tears, hindi rin ako karapat-dapat sa pagmamahal na binibigay nila, masasaktan ko lang din sila sa huli. 

[ Grammatical Errors ahead ]

Hindi po ako perpekto at aminadong pasmado kaya't sana, if may mga mali specially sa spelling or typo's nawa'y maunawaan niyo na maganda lang ako, nagkakamali rin. 

AddictedWhere stories live. Discover now