CHAPTER 11

68 62 1
                                    


A D D I C T E D
By : Bb_Llian 

Sabado ngayon at walang pasok, maaga akong nagising at naisipan kong panoorin ang pagsikat ng araw, dala ang isang bote ng tubig ay nagjogging ako patungo kung saan nagtatagpo ang araw at mga burol. 

Nang marating ang lugar ay agad akong napaupo dahil sa pagod, 5:30 AM na at payapa akong naghintay sa pagsikat ng araw.

Kung tititigan ng maigi ang lugar na ito, para itong isang paraiso na nagtatago mula sa mga tao na maaaring sirain ang taglay niyang ganda, parang isang mahiwagang bukirin na takot masaktan, takot baguhin, takot masanay at higit sa lahat ay takot na maiwan.

Ganoon naman talaga 'di ba? walang nagtatagal na paraiso dahil sa mga tao, sa una ay mamamangha at ipaparamdam na mahalaga ang paraisong ito, sasanayin sa mga pagbabago dahil mayroon ng mga tao na pumasok sa kanyang mundo, paglaun saka nila ito sasaktan, at kapag nasira na nila ang dating tahimik na paraiso ay saka nila ito iiwan. 

Parang ako lang din, matagal na akong natatakot na may taong pumasok sa buhay ko, ipararamdam ang aking halaga at sasanayin ako na palagi siyang kasama, ngunit sa oras na nakapasok na sila sa buhay mo at nabago na nila ang mga bagay na nakasanayan mo na, kapag inamin mo na sa sarili mo na ayaw mo siyang mawala, saka ka niya sasaktan, at ang kasunod ay palaging palisan.

Ihahanda ko na ba ang sarili ko para sa isang dapit-hapon na inaasahan ko na? napabuntong hininga na lamang ako pagkatapos ibulong sa hangin ang mga katagang iyon, tunay nga na alam ng bukang-liwayway kung paano ako pakakalmahin.

Tahimik ko na lamang na pinanood ang pagsikat ng araw, napangiti ako ng tumama sa aking balat ang sinag nito, tama ang desisyon kong magpunta sa lugar na 'to, kahit papano ay gumaan ng kaunti ang bigat na tila ay naipon sa dibdib ko.

Hindi ko maintindihan ngunit gusto kong umiyak nung gabing nakita kong may humalik sakanya, pero walang luha na lumalabas mula sa mga mata ko, tila ang lahat ng luha ay naipon lamang sa loob ko at naghihintay na makalaya, parang isang ulap sa kalagitnaan ng pagkulimlim, naghihintay lamang na mapuno bago pakawalan ang kanyang mga hikbi.

Nang masulit ang ganda ng araw ay nagpasya na akong umuwi, mabilis ang naging paglipas ng oras, nakatulog ako at hapon na ng ako ay magising, agad akong nag ayos para lumabas dahil kailangan kong bumili ng ulam, mag-isa lamang ako sa bahay dahil sumama ang kapatid ko papunta sa bahay ng isa sa mga kamag-anak namin.  

Kasalukuyan na akong naglalakad ngayon bitbit ang isang supot, bumili ako ng karne ng manok, mas gusto ko na ako mismo ang magluto kaysa bumili ng ulam sa karinderya, ang mahal, hindi naman masarap. 

Habang naglalakad hindi ko inasahang makita ang babaeng higad na nagpapainit sa bunbunan ko simula pa kagabi, ang sabi ni Krisha, siya raw ang cheer leader ng basketball team, maganda siya, pero mas maganda ako, kaso siya ang pinili, tapos ang usapan, atras na Sef. 

Tumingin siya sa gawi ko at agad na ngumiti ng makita ako, naglakad siya palapit sa'kin at napahinto na lamang ako sa paglalakad, " Seffian right? Valley ball team captain? " tumango ako habang nagtatakang nakatitig sakanya.

" I'm Elise, our Basket ball teams cheer leader, " tumatango-tango lamang ako habang nagsasalita siya dahil wala naman akong balak na kilalanin siya, besides hindi ko nga siya gustong kausapin. " and I'm Zack's girlfriend. " saad nito at naglahad ng kamay sa harap ko, natigilan ako dahil sa narinig, ngunit agad din naman akong ngumiti at tinanggap ang pakikipag kamay niya. 

" It's nice meeting you, by the way, I have to go I need to cook for dinner. " gusto kong makalayo sakanya dahil batid kong hindi kakayanin ng mga mata ko na makipagtitigan sa babaeng mahal ng taong gusto ko na ngayon. 

Aalis na sana ako ng may pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko, alam kong siya 'yon, at alam kong sa oras na lumingon ako ay mas masasaktan lang ako, at nasisiguro kong tutulo ang mga luha na kanina ko pa pinipigil. 

Huminga ako ng malalim bago sila hinarap, " Uy! mabuti naman nandito ka na Espasol, kanina pa ata naghihintay sa'yo ang girlfriend mo, hindi magandang pinaghihintay ang babae Zack. " saad ko pagkatapos ay ngumiti. 

" Uuwi ka na ba? biglang tanong niya, " sama ka na muna samin, kakain kami ng streetfood. " tinuro pa nito ang lugar kung saan kami kumakain no'n.

" Yeah, oo nga naman Seffian, tara na, mukhang matatagalan ka pa sa pag-uwi at matagal din bago maluto yan, masama ang malipasan ng gutom.  " nakangiti pa ito habang nagsasalita at nakayakap kay Zack, nakita ko namang inaalis ni Zack ang pagkakahawak nito sakanya ngunit mas lalo lang nitong hinigpitan ang kapit. 

" Maaga pa naman, sige una na'ko, ingat kayo. " tinalikuran ko na sila at naglakad na'ko paalis, hindi na'ko lumingon pa sa gawi nila dahil nagsimula ng tumulo ang luha sa mga mata ko.

Palibhasa ay wala siyang alam, gusto pa talaga nilang sumama ako sakanila, para ano? para panoorin silang magharutan? Nakakainis ang Espasol na 'yon, napakamanhid!

" Kung alam ko lang na mahuhulog ako sa'yo, hindi na sana kita hinayaang pumasok sa buhay ko. tumigil ako sa paglalakad at naupo sa tabi ng kalsada, natawa na lang ako ng mapansin kong andito ko sa lugar kung saan nagsimula ang lahat. 

Dito kami unang nagkakilala, kung saan ako natumba noon at tumalsik mula sa besekleta, natatawa pa ko habang naaalala ang araw na 'yon. 

Gabi na at kitang kita ko ang pagkinang ng mga bituin sa kalangitan, tumingala ako upang pigilin ang mga luha na nagbabadya na namang tumulo, " Kung kailangan mahal na kita, saka pa naglaro ang tadhana, ang daya. " nasapo ko ang aking nuo at saka ako umiyak sa mga palad ko. 

" Sinabi ko naman sa'yong 'wag kang magsasayang ng luha hindi ba? " agad akong napatigil sa paghikbi ng marinig ko ang boses na 'yon, agad ko siyang binalingan at nakita kong nakatayo siya sa harap ko, at deretsong nakatingin sa'kin.

Pinunasan ko ang mga luha mula sa mga mata ko, pagkatapos ay ngumiti ako at tumayo, pinakatitigan ko pa ang mukha niya bago ko siya tinalikuran.

" Hanggang kelan ka ba papayag na masaktan? hanggang kelan mo sasarilinin luha. " napatigil ako dahil sa mga katagang binittawan niya.

" Kelan din ba kayo titigil na saktan ako? hindi ko na nagawang pigilan ang mga luha na noon pa gustong kumawala at matapang kong nilabanan ang mga titig niya. "  Hanggang kelan ka rin ba mananatili para iparamdam sa'kin na hindi ko kailangan sarilinin lahat? na hindi ako mag-isa? 

Ganoon pala ang silbi ng ulan, ang ilabas lahat ng sakit dahil baka sakaling bukas ay hindi ka na masasaktan. 

[ ERRORS AHEAD

Wala na par, tapos na, may jowa ang Zack niyo. 

Don't forget to vote!



AddictedWhere stories live. Discover now