CHAPTER 3

94 78 1
                                    

[ Grammatical Errors ahead ]
hindi po ako perpekto at aminadong pasmado kaya't sana, kung may mga mali specially sa spelling or typos, nawa'y maunawaan niyo pa rin, sorry agad love lots mwaps ♡

Maganda lang po nagkakamali
HEHEHE (^.^)♡

A D D I C T E D

BY: BloodInkStain

Iniwan na ako ni Zack at nagtungo para kunin yung bike ko, hindi ko maiwasang hindi matawa habang naka angkas ako sakanya kanina, sobrang daldal niya, parang wala siyang hiya sa katawan gano'n, kasi nasabi niya pa na natatae raw siya kanina tapos ay umurong daw yung tae  niya nang nakita niya akong matumba.

Kanina ko pa gustong humagalpak ng tawa dahil sa taong 'to, nakakalibang siyang kausap, para sa isang lalake masyado siyang madaldal.

Hindi kaya Bayot yon?
pero kahit ano pa siya salamat sakanya, 'di ko alam ang gagawin ko kung hindi siya lumapit kanina, buti na lang mabait siya at makapal ang apdo niyang lapitan ako.

Habang napapangite ng mag-isa natanaw ko si Mama na naglalakad palapit sa akin,
nagtaka ako dahil mukha siyang nag aalala bakit kaya?

Sef! Ayos ka lang ba?
Anong nararamdaman mo?
nahihilo ka pa ba?
nagaalalang tanong ni Mama, pero paano niya nalaman?

Ma, ayos na po ako,
'Wag ka na pong mag-alala saka 'di ko na po uulitin-

Aba dapat lang!
Ano papatayin mo ba ko sa pag aalala? Sef naman alam mo naman ang mga bawal sa'yo 'di ba? 'Wag namang matigas ang ulo anak, mamatay ako ng maaga sa pinaggagagawa mo, " niyakap niya ko ng mahipit at inalalayan para pumasok sa bahay hindi na'ko naka alma dahil papagalitan lang ako, pero si Zack.  ╥﹏╥

"Sino ang naghatid sa'yo pauwi? Nasaan ang bisekleta mo? " sunod-sunod niyang tanong nang makapasok kami ng bahay.

" Si Zack po, jan lang po sila nakatira sa may labasan, ang sbai niya ay siya na rin ang maghahatid sa biseklete ko. " tumango na lamang si Mama at hindi na muling nagtanong.

Hinatid na'ko ni Mama sa loob ng kwarto pagkatapos ay bumaba na siya para maghanda ng hapunan, 'di ko na namalayan ang paglipas ng oras at hindi ko rin namalayan na nakatulog na pala ko.

" Ate! ate! " nagising ako sa malakas na sigaw ni Tef, ang bunso kong kapatid. " Ate kakain na raw sabi ni Mama ! "

" Hmm inaantok pa 'ko Tef! sabihin mo mamaya na'ko bababa. " hindi ko nagawang imulat ang mga mata ko gusto ko lang matulog.

" Pero ate gising kana, tara na kain na tayo. " patuloy na pangungulit nito.

Tinamad akong bumaba, 'di pa naman ako nagugutom mauna ka na. "  wala pa akong balak na kumain at wala rin naman akong gana. 

" Ayy ate may lalake sa baba hinahanap ka nga kanina, hinatid daw yung bike mo, " napabangon ako bigla ng dahil sa narinig ko.

" Asan na siya? umalis na ba?
Shhh 'wag ka maingay, " hinila ko siya at sumilip ako sa may pintuan, nakita ko si Zack na nakaupo sa sala, bakit andito pa siya?

" Sabi ni Mama dito na raw siya kumain kaya andito pa siya,
ikaw naman tara na sa baba nagugutom na'ko ate. " pagmamaktol nito at nais na akong hilahin pababa sa kusina.

" Sige na mauna ka na, sabihin mo inaantok pa'ko, bababa ako mamaya kapag nagutom ako, "
pagdadahilan ko jusko baka kung ano isipin ni Mama, mas mabuti na yung ganito, tsaka na'ko magpapasalamat sakanya, patawarin nawa ako ng Diyos.

" Sige na layas na, kumain ka na don, " bumaba na si Tef at ako naman ay nanatiling nakadungaw sa may pinto, nasapo ko ang aking ulo ng marinig ko ang sinabi ng kapatid ko.

AddictedWhere stories live. Discover now