CHAPTER 8

69 71 1
                                    

[ GRAMMATICAL ERRORS AHEAD

A D D I C T E D
By : BloodInkStain

SEFFIAN'S POV

Ilang araw na din ang lumipas mula nung gabing nag nose bleed ako,
nung araw din na iyon nalaman ni Mama na nag try out ako sa valley ball team, sinabon niya ako ng sermon at muling pinaalala sa'kin ang mga bawal.

Hindi lingid sa kaalaman ni Mama na mabilis akong mapagod lalo't bata pa lang ay may asthma na ako, niloloko ko lang ang sarili ko na malaki ang pinagkaiba ng lakas ko noon at ngayon.

Totoo naman, kung mabilis na'ko mapagod noon, mas dumuble lang ngayon, kung dati nagdidilim lang ang paningin ko tuwing nakakaramdam ng sobrang pagod, ngayon ay nag cocollapsed na'ko, laki ng pagbabago noh?

Ang sabi ni Mama ay huwag muna akong pumasok kinabukasan dahil nag-aalala siya, sakto naman na dumating si Zack kaya idinahilan kong kasama ko naman siya, nang mawalan ako ng malay ng gabing iyon ay nanatili kami sa tindahan, humingi raw ng tulong si Zack sa tindera at tinawagan niya si Mama, nagkamalay na'ko ng dumating siya para sunduin kami. 

" Hoii Sef! "  Agad na sumigaw si Zack ng tumakbo ako para makalapit kay coach ng tawagin ako nito, nakita ko pa ang pagkadismaya niya habang nagkakamot ng batok at nakatingin sa gawi ko, matapos kong makipag-usap ay muli akong lumapit sakanya, pero agad naman siyang nag paalam na papasok na at magkita na lang kami mamayang uwian.

" May practice pa kasi ako mamaya Zack, hmm mas mabuti siguro na mauna ka na umuwi , ayos lang kaya ko na, 'di na dudugo 'to, pagbibiro ko habang nakaturo pa'ko sa ilong ko.

" Tshhh, alam mo napakatigas ng ulo mo. " huli niyang saad bago naglakad paalis.

Mabilis na natapos ang klase nasalubong ko pa si Zack nung papunta ako sa court pero hindi niya man lang ako pinansin sa halip ay dire-diretso lamang siya sa gate para kunin ang bisekleta  niya, natanaw ko pa siyang palabas hanggang sa nawala siya sa paningin ko " Hindi niya talaga ako hinintay. " bulong ko bago nagtungo sa court.

Mag aalas-singko pa lang ng hapon, agad nagsimula ang practice ng makumpleto kami, noong unang laro ay hindi ako nakakapag focus dahil sakanya, paulit-ulit na pumapasok sa isip ko yung nangyari kanina, hindi niya talaga ko panansin na parang 'di niya ko nakita, umakto pa siyang nag-ayos ng sintas nung napansin niyang hahawakan ko siya sa braso, alam ko sinadya niya.

" Sef! Huy! " Nabalik ako sa ulirat ng tapikin ni Trisha ang balikat ko.

" Ayos ka lang? Kanina pa tayo tinawag ni coach mukhang malalim iniisip mo, " inilapag ko ang bote ng tubig at agad na bumalik sa laro, natapos ang game nagawa ko namang bumawi pero hindi nakatakas sa mata ni coach ang mga pagtulala ko, pinagsabihan niya ko kanina after nang laro, pakiramdam ko pagod na pagod ako ngayon.

Nag-ayos ako ng gamit pagkatapos ay naghanda ng umalis, kasalukuyan akong naglalakad ngayon palabas ng makaramdam ako ng pagkahilo, pinilit kong maglakad hanggang sa gate, napansin kong may sinasabi yung guard pero hindi ko masyado naintindihan, ng muntik akong matumba ay inalalayan niya ako, nasa tapat na'ko ng sarili kong besikleta ng natanaw ko sa di kalayuan ang isang lalake na nakasandal sa waiting shed agad siyang umayos ng tayu ng mapatingin sa gawi ko.

Ibinaling ko ang tingin ko sa aking besikleta habang tinatanggal ko ang kadena nito, nang muli sana akong nakaramdam ng pagkahilo at muntik ng matumba ay may biglang humawak sa mga braso ko at agad akong inalalayan.

" Got you, " saad ni Zack habang nakatitig ng deretso sa mga mata ko, nang kaya ko ng tumayo ay agad ko siyang hinarap. 

" Akala ko umuwi ka na, bakit andito ka pa rin? " napatingin ako sa lugar kung saan ko nakita yung lalakeng nakatayo kanina at napagtanto kong siya 'yon, " Hinintay mo'ko? "  tanong ko sakanya at agad naman siyang tumango.

" Bakit? " ang buong akala ko ay galit siya sa'kin at pati siya ay napagod ng samahan ako.

" Dahil sa sobrang tigas ng ulo mo, alam kong kailangan mo ng g'wapong sasalo sa'yo. " agad akong natawa dahil sa sinabi niya ngunit nanatili siyang seryoso habang nakatngin sa'kin.

" Kung ako ang tatanungin ayuko talagang pumayag na maglaro ka pa ulit, " bigla niyang saad at pinagkrus ang dalawa niyang braso.

" Kung gano'n bakit 'di mo'ko pinigilan? " baling ko at hindi inalis ang tingin ko sakanya.

" Dahil nakita ko sa mga mata mo kung gaano mo kagustong maglaro, nakita ko rin kung gaano ka kasaya habang naglalaro, " kitang-kita ko ang pag-iiba ng emosyon mula sa mga mata niya habang sinasabi niya ang mga salitang 'yon, " at ayukong alisin yung saya na 'yon sa mga mata mo, " agad akong natigilan dahil sa mga sinabi niya at tila hindi ko na magawang tingnan siya sa mata, " hindi ako palaging nasa tabi mo sa lahat ng oras Sef, pero hanggat nasa tabi mo'ko makaka-asa ka, sasaluhin kita. Kung p'wede lang sana na nasa tabi kita sa lahat ng oras, ay mas gugustuhin ko 'yon, hindi kita pipigilang maglaro kung 'yon ang bagay na nagpapasaya sa'yo, nasa likod mo lang ako. " 

Agad akong nagtaas ng tingin at lumapit para yakapin siya, ang buong akala ko ay pagagalitan niya ko at sasabonin ng sermon, pagkatapos ay aalis na siya sa buhay ko tulad ng iba, pero hindi, nag-iwas ako ng tingin at agad na yumuko kanina dahil alam kong maiiyak ako, pero si Zack ang taong ayaw akong pigilang maging masaya, agad akong napangiti ng yakapin niya ko pabalik, ngunit hindi ko inasahan ang mga susunod niyang itinuran. 

" Sef, Hindi sa ayaw kitang maglaro at sumaya, ayaw lang talaga kitang mawala, " saglit akong dumistansya mula sa pagkakayakap sakanya para tignan siya ng deretso sa mata, ngunit muli lamang akong naiyak ng makita ang mga luhang nahuhulog sa pisngi niya, isinubsub ko ang aking mukha sa dibdib niya at mas hinigpitan ko ang yakap upang iparamdam na andito ako, at hindi ako mawawala. 

" Shhh tahan na, " agad niyang pinunasan ang mga luha ko at inabutan ako ng tubig.

" Hindi naman halatang mahilig ka sa tubig ah, lagi kang may dala. " saad ko habang binubuksan ito.

" Hindi talaga ako mahilig sa tubig, bumibili lang ako para sa batang iyakin na nasa harap ko, " saad niya sabay iwas ng tingin at kinuha ang besekleta ko.

" Mukha ba akong bata? agad kong napagtanto na mukha nga akong bata habang nakatingla sakanya at nagmamaktol, mas matangkad kasi si Zack at hanggang balikat niya lang ako. 

" tss hindi ako bata, matangkad ka lang talaga. " ginulo niya ang buhok ko at kinuha ang mga gamit ko, ngumiti pa siya bago tuluyang itulak ang bisekleta ko at tahimik akong sumunod sakanyang maglakad pauwi. 

Still editing some parts, but thank you for reading.

DON'T FORGET TO VOTE!  

AddictedWhere stories live. Discover now