A/N: Sorry for the late updates and I'm sorry for keeping you wait. Here's the Chapter 05, I'll make sure na sa Chapter 06 po ay hindi na po siya lame.
Hope y'all understand po.
----
MADRIGAL VITALE?
Napa-atras ako ng mabasa ang pangalan, ang matandang ito ang kaibigan ng Lolo ko. He is the one who betrayed my grandfather and my mother. That's why I want to kill him.
But it was too late, when I heard the news that he is already dead.
"Buti nga sayo, kasi wala kang kuwentang kaibigan." Mahina kong bulong.
"Sorry kong pinaghintay kita, magsimula na tayo."
Inagaw ko sa kanya ang tuwalya para ako ang kukuskos ng buhok niya. Nong una ay nagprotesta siya pero agad kong hinuli ang kanyang kamay para sana baliin pero naisip kong huwag na lang, kawawa kasi itong kapatid ko pag nabalian ng buto..
Nang matapos kong magkuskos sa buhok niya ay pinahiga ko siya padapa sa kama, huminga ako ng malalim bago pumuwesto sa likod niya. Sinimulan ko nang masahiin ang likod niya ng biglang nabasag ang salaming bintana.
Sabay kaming naghiwalay ng kapatid ko, medyo masakit ang daplis ng bala. Akmang babangon siya ng hinila ko ang kanyang batok para pigilan.
"Nababaliw ka na ba? Paano kong matamaan ka?" Bulyaw ko sa kanya na ikina-ngiti nito.
Pinandilitan ko siya ng mata at pinitik ko ang noo nito. "Huwag kang ngumiti baka ihulog kita sa bintana." Pagbabanta ko sa kanya.
"Wow, your so--"
*BANG!*
Sabay kaming yumuko ng mag sunod-sunod na ang putok. Hinablot ko ang kumot 'tsaka itinali ko sa balakang niya para pagtakpan ang kahubdan niya..
Payuko kaming sumulong sa umu-ulan na bala, "E, don't worry about me. Ikaw? Ayos ka lang ba? E? And'yan ka ba? E? Sumagot ka E!"
Bwesit! Hindi ako makasagot sa kanya sa kabila ng sakit na nararamdaman ko at dagdag pa ang ingay ng nagbabasagang gamit sanhi ng pagtama ng bala. Pagkarating namin sa pintuan ay sabay kaming natigilan dahil sa isang mabigat na bagay na gumulong sa sahig.
Nanlaki ang mata ko ng mapagtantong Bomba pala iyung gumulong kaya pareho kaming tumakbo palabas ng kuwarto, tinulak ko siya pagulong sa hagdan. Samantalang ako naman ay yumuko para hindi malamon ng apoy.
Napamura ako ng maramdaman ko ang init na may pinaghalong hapdi sa likod ko. Tumayo ako para tumakbo pero biglang umikot ang paningin ko. Napakamot ako ng noo dahil biglang sumakit ang ulo ko. hanggang sa nilamon na ako ng dilim.
"Huwag kang bumangon." Pagdilat ng mga mata ko ay bigla akong napabalikwas ng bangon pero bigla akong pinigilan ng isang doktor.
No other than, my EX! Bakit ba sa lahat-lahat ng mga doktor na puwedeng mag assist sa'kin, bakit siya pa?
Hindi ko sinunod ang sinabi niya at bumangon ako kahit masakit ang likod ko. "Ano'ng ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya habang abala siya sa paglagay ng alcohol sa bulak.
Nilibot ng mga mata ko ang laman ng ambulansiya, pagkatapos ay umiling-iling ako, "Hindi ka pa rin nagbabago kahit kailan." Komento ko sa kanya ng mapansin ang desinyo sa loob ng ambulansiya.
Tumigil ito sa ginagawa at lumapit sa'kin, itinukod nito ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng hita ko, sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Ilang dangkal na lamang ang layo niyon. kunting galaw lang ay maglalapatan na ang aming mga labi. Nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya.
"Same to you, hindi ka parin nagbabago." Nalalanghap ko ang mabangong hininga nito.
"Huwag mo isampal sa'kin na parang ako lang iyung hindi nag babago kasi sa ating dalawa, quit's tayo. walang kulang, hindi sobra wala ding mintis." Iniwas ko ang mata sa kanya, pero agad din akong tinayuan ng balahibo dahil sa pagdampi ng labi nito sa balat ng leeg ko.
"STOP!!" Pigil ko sa kanya pero hinawakan niya ng mahigpit ang pulsunan ko.
Tumigil ito sa paghalik 'tsaka ipinatong nito ang ulo sa balikat ko. "I miss you, alam mo....nag dadalawang isip ako kanina kong pupunta ba ako dito o hindi."
"Puwede namang hindi ka pumunta, maraming doktor sa hospital na puwedeng gumamot sa'kin, so bakit ka pa nandito kong nag dadalawang isip ka lang din pala."
"Ayaw ko lang malaman nila ang totoo kaya ako na lang ang nag bulontaryo na sasama dito."
Dahil sa sinabi niya ay maagap ko siyang tinulak palayo sa'kin, "After all this years, 'yun din pala ang laman ng utak mo... sinabi ko naman sayo na huwag muna akong susundan diba?" Na-iinis na sabi ko sa kanya.
"Alam mo, dahil sa pagsabog ng bomba? nasira iyung kalahati ng mansiyon, 'tsaka iyung kinakapatid mo ay alalang-alala sayo kahit abala siya sa pakikipa-usap kay Hackery." putol nito sabay tingin sa'kin, "I heard na wala kayong matutuluyan kasi ipapa renovate pa ang mansiyon niyo. soooo...." Ngumiti ito ng nakakapangilabot.
Pinandilitan ko siya ng mata senyales na huwag niyang ituloy ang binabalak niya. "So, puwede ka naman tumira sa bahay kong gusto mo. Bukas ang pinto para sayo." Ngumiti ito sa'kin na siyang ikinapangilabot ko.
"Mas gugostuhin ko pang tumira sa kalsada kisa ang tumira sa bahay mo."
Ngumiwi ito, "Ehh? mas gugustuhin mo na lang ang tumira sa kalsada kisa ang makasama ako?"
"Shut the f*ck up Dokrey, hindi ako robot para pagsabihan mo lang ay susunod na sayo, isa pa. huwag mo'kong pilitin na tumira sa bahay mong mala motel. kong tapos ka na, puwede ka na umalis. Hindi ko na kailangan ng tulong mo."
Niyakap niya ako na ikinalaki ng mata ko, "What a nice show to watch." Sabay kaming natigilan ni Dokery ng marinig namin ang malamig na boses.
"Dok, my sister is in pain. Bakit mo siya yakap?" Malamig na tugon nito.
Agad namang humiwalay ng yakap si Dokrey at nilingon ang kapatid ko na ngayon ay masamang tingin ang pinukol sa'min. Bumuga ako ng hangin, "I'm okay, niyakap lang ako ni Dok kasi gusto niya akong e comfort sa kabila ng nakakatakot na pangyayari kanina." Pagdadahilan ko.
"Kung ganon, puwede na siyang umalis. tapos ka naman niyang gamutin." Mahihimigan ang pagka-irita sa boses nito.
Bumulong ako kay Dokrey at hindi namin napansin ang paglapit ni Eleven kaya nagulat na lamang ako ng bigla niya akong buhatin na parang isang sako ng bigas.
Nagpupumiglas ako pero masyadong matigas ang pangangatawan niya kaya walang silbi ang pag kalmot ko sa balat niya.
"Sh*t! Ibaba mo'ko Eleven!!" Malakas kong sigaw sabay suntok at hampas sa likod niya. Pero hindi man lang siya natinag.
F*ck off!
Nang mapagod ako kakahampas at suntok ay tumigil ako 'tsaka hinayaan ko siyang buhatin ako. Mas lalo akong nagpapabigat para mabigatan siya.
"Sir, nakahanda na po ang lahat." Kahit nahihirapan ako sa kalagayan ko ay pinilit ko pa rin lingunin ang taong may-ari ng boses.
At ano'ng SIR, NAKAHANDA NA PO ANG LAHAT? na sinasabi nito?
"Teka! San mo'ko dadalhin?" Kinakabahang tanong ko.
"Sa lugar kung san di mo alam." Pagkasabi niyon ay agad nitong inabot ang leeg ko 'tsaka may kinurot don na siyang dahilan kung bakit dumilim ang paningin ko.
~~~~
For more concerns message me on Sayout: sayout.me/say/dreamworks
BINABASA MO ANG
No Name: The Organization Series #4: Bet On It
ActionThis is a Collaboration of Seven Aspiring Authors. This is an Organization that no one knows about. A Big organization with mysterious Peoples. The Organization that No Name and doesn't need one. Start: 02/01/2022 End: