Hyarlan POV
PAGKABABA ko ng hagdan ay tiningnan ko ang larawan sa pader, nandoon ang larawan ni Dad at naka sketch na larawan ni Mom. I smiled.
"Mom, Dad, aalis na po muna ako ah. Ngayon po kasi ang graduation namin at ayaw ko pong mahuli kaya maaga akong aalis." Sabi ko at hinawakan ang picture frame.
Nang marinig ko ang busina ng sasakyan sa labas ay agad kong tinungo ang pinto. Siniguro kong naka lock ang pinto ng bahay, si Heresveal ang sumundo sa'kin.
"Ang aga naman ata natin?" Tanong niya pagkapasok ko sa loob ng kotse. I buckle my seat belt and look at her.
"Wala akong rason kung bakit ako magpapahuli and beside, sanay na akong maagang pumunta ng school." Sabi ko.
Umismid siya, "Tsk! Puwede ka naman pumuntang mag-isa ba't mo pa ako dinadamay." Reklamo niya.
Natawa naman ako at binatukan siya, "Aray! Gago ina-ano kita?" Tanong niya habang nagkakamot ng batok.
"Para ka namang aders, di ka pa ba sanay? Sabagay hindi ka umu-uwi sa mansion niyo kaya ka laging lutang." Natatawang sabi ko.
"Eh kasi naman...alam mo naman siguro na hanggang ngayon na-iinis pa rin ako kay Ivandale." Ngumiwi ito pagkatapos banggitin ang pangalan ng bunsong kapatid nito na lalaki.
Bigla akong yumuko, hindi ko alam kung bakit biglang bumigat ang pakiramdam ko, "Are you okay Hyarlan?" Tanong niya.
Ang swerte ni Heresveal dahil may mga magulang na kumupkop sa kanya at minamahal siya. Samantalang ito't hinahanap ang totoong magulang.
"Heres," tawag ko sa kanya.
"Yes?"
"Deserve ko ba ang mabuhay?" Malungkot na tanong ko. Bigla akong napaigtad ng hampasin niya ang hita ko.
"Ano ka ba, Oo naman. You deserve to live." He said.
"Kung ganon, bakit iniwan ako ng mga magulang ko?" Tanong ko.
She shrug, "I don't know kung ano ba talaga ang totoong rason ng mga magulang mo kung bakit ka nila iniwan. But asking me if you're deserve to live? Oo naman, kasi kung hindi mo deserve mabuhay baka pinalaglagan ka ng mama mo nong na sa sinapupunan ka pa lang niya. Kaya kung ako sayo, ituloy mo lang ang pagiging masaya at huwag mong hayaang malunod ka sa lungkot at sama ng loob. Gawin mo iyung mga bagay na ikaka proud nila, baka balang araw mahahanap mo din sila. Edi doon nila makikita kung ano'ng kaya mong gawin sa panahong wala ka sa kanilang tabi, Dapat e let go mo iyung lungkot at sama ng loob. Ika nga nila, happiness is the key of the sadness and sadness is the successful ways to saw the bright future." May punto siya.
I look outside the window, matagal ko ng kinikimkim ang sama ng loob ko sa aking mga magulang pero hindi magbabago ang lahat kapag ipinagpatuloy ko ang galit na inipon ko. Mas mabuting hayaan ko na lamang itong mawala sa'kin kisa ang isiping hindi ako Mahal ng magulang ko. Kasi kong hindi, sana noong sanggol pa lang ako ay hinayaan na akong mamatay. Pero heto't ako humihinga at namuhay bilang isang Hyarlan. "Kapag ba e let go ko ang lahat ng ito, may magbabago ba?"
She nod, "Meron, your future." Aniya at inilapat niya ang palad sa dibdiban ko, "Buksan mo 'to, pakinggan mo kung ano'ng sinasabi ng puso mo. Huwag kang magpadala sa bugso ng damdamin dahil hindi sa lahat ng panahon tama ang landas ng patutunguhan ng damdamin." aniya at ngumiti.
BINABASA MO ANG
No Name: The Organization Series #4: Bet On It
ActionThis is a Collaboration of Seven Aspiring Authors. This is an Organization that no one knows about. A Big organization with mysterious Peoples. The Organization that No Name and doesn't need one. Start: 02/01/2022 End: