CHAPTER 29

13 3 0
                                    

Davierchyst POV

AN invitation?

Dear. Lady Davierchyst Xylonarian Young

You are cordially invited to Hannah Tashi Tumabiene's

21th birthday party.

On the 10th this month,

From Arlo Tumabiene Household




Bakit naman niya ako iimbatahin?


Nilingon ko si Hackery na ngayon ay nakaupo sa mesa, "Iniwan lang ang invitation card na iyan sa labas ng condo unit mo. Kaya dinala ko na lang iyan at binigay sayo." Aniya at nagkibit-balikat.


Initsa ko sa ibabaw ng mesa ang invitation card pagkatapos ay tumingin ako sa kabuoan ng kuwarto. Masyado maluwag ang espasyo ng kuwarto kumpara sa kuwarto ko noon. Pinapa renovate ang mansion dahil sa pinasabog ito nong nakaraang buwan.


"Pupunta ako." sagot ko.


Nagsalubong ang kanyang kilay, "You'll go as Hereasvlgr? Or Davierchyst?" He ask full of confusion.


"I'll go as Davierchyst." Sagot ko na siyang ikinalaki ng mata niya.


"What about Hereasvlgr? Alam kong hahanapin ni Eleven ang presensiya ng kapatid niya at ano? Pupunta ka bilang Davierchyst? Sino naman ang tatayong Hereasvlgr kung ganon-" Hindi natuloy ang sasabihin ni Hackery ng may sumabat.




"Ako, ako ang papalit sa kanya bilang Hereasvlgr." Sabay na bumaling ang tingin naming dalawa ni Hackery sa babaeng dumaan sa bintana.




"What? How did this happen?!" Para itong nakakita ng multo at pinagpalit-palit ang tingin sa aming dalawa ni Hereasvlgr at ako.




Tinuro niya ako, "Sino'ng dalawa si Davierchyst?" Naguguluhan niyang tanong. Pinaikutan ko siya ng mata at tinanggal ko ang maskara.


Gamit ang likod ng aking kamay ay pinunasan ko ang aking mata para matanggal ang suot na contact lense pagkatapos ay tinanggal ko ang suot na wig.




"It's me Davierchyst, and this is Hereasvlgr." Sabi ko at iminuwestra ang kamay sa gawi ni Hereasvlgr.




"How?"


"Dalawang araw na ang makalipas ng magising ako at si Davierchyst ang nag bigay sa'kin ng misyong ito bilang kapalit ng pag ligtas niya sa buhay ko." sabi niya at ngumiti sa'kin.




Lumapit si Hackery sa'kin at hinatak ako palabas ng kuwarto, "Davierchyst, explain this to me. Ano bang nangyayari?"


"Magpapaliwanag ako pagka-uwi natin galing sa birthday party ni Miss. Hannah, si Hereasvlgr ang sasama kay Eleven at pupunta ako bilang Davierchyst."


Parang nagdadalawang isip itong tumango. "Okay, see you at your condo unit Davierchyst." aniya.


I look at Hereasvlgr, "Are you ready?" I ask.




Bumuntong hininga siya tyaka tumingin sakin na may bahid ng kaba, "May magagawa pa ba ako? At isa pa, ako iyung may kagustohan nito kaya gagawin ko. Pero nahihiya akong harapin ang kapatid ko kasi you know it's been a month, tyaka gusto ko din malaman kung ano'ng pinaggagagawa niya sa buhay nong na sa state of comatose pa ako. Baka ano, baka may kalokohan na naman siyang ginagawa ng hindi alam ni Dad." Umirap siya sa hangin.


Natawa naman ako, napaka childish talaga niya and talkative at the same time. Simula nong gumising siya ay hindi niya ako nilulubayan ng tanong kong bakit ba daw pareho kami ng mukha? Bakit ba daw napaka cold ko?


No Name: The Organization Series #4: Bet On ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon