CHAPTER 8

3 1 0
                                    

Nandito na ako ngayon sa kwarto nakaupo aligaga, hindi ko alam yung gagawin ko. Kailangan ko pa ba mag paganda para magustuhan ng mommy niya? haysss legit yung kaba lalo na dahil anyaman nila.

*" Oh anong mukha yan? bakit parang natatae? natatawang sabi ni ate sakin pag pasok niya nang kwarto

*"Dinner with family ni Aiden at legit yung kaba ko ate"

*" Gusto mo na si Aiden no? Sabagay di mahirap gustuhin yung Aiden mabait, gwapo jolly tsaka bagay naman kayo ah.

*" Ate magkaedad kayo baka naman crush mo siya HAHHAHHA. Nacoconfuse ako di ko ba alam kung infatuation lang to or baka napapasaya niya lang dahil malungkot ako."

*" Alam mo kung na coconfuse ka ibig sabihin nun may nararamdaman ka pero hindi mo lang maisip or matanggap. You deserve to be happy, alam kong nalulungkot ka pa din sa last relationship mo pero life goes on, so as yours huwag kang manatili ko saan ka niya iniwan. You should move forward para makaalis ka sa sakit. Gusto mo si Aiden pero nag dodoubt ka lang sa feelings mo. Try to see it for yourself. Halika nga ako na mag papaganda sayo para tumaas naman self-confidence mo."


Yun na nga pinagandahan nga talaga ako ni ate mahilig kasi mag make up yon pero simple lang pinalagay ko sa kanya ayaw ko naman na puro kolorete yung mukha ko. Pinilian niya din ako ng dress total di naman siya mahihirapan lalo na't mahilig ako mag suot ng dress. Pinili niya yung off shouldress na fitting sa katawan ko tapos kulay pink with matching korean style na sandal na kulay pink din. Sabagay pink yung paborito kong kulay kaya halos lahat ng gamit ko kulay pink. Binun niya yung buhok ko na messy bun. Ganda ko nga talaga lalo na't bagay siya sa fair skin ko. Minsan lang naman kasi ako nag aayos ng sarili kasi di naman ako mahilig mag paganda lalo na't wala kanamang pagagandahan. After 30 minutes dumating na si Aiden sa bahay kaya kinuha ko na yung cute na hand bag ko na cellphone power bank, liptint at wallet lang ang laman. Di ko na hinintay na pasukin niya pa ako sa kwarto baka magiging aso't pusa nanaman kaming dalawa. Parang palagi nalang aso't pusa yung tawag sa mga taong nag aargue no pwede din namang pusa't daga tapos ako yung pusa siya ang daga HAHHAHAHA.

*" You look so beautiful Serenity" Manghang saad na neto na di maialis yung paningin sa akin.

*" Neknek mo huwag mokong utuin kasi di mo na ako mauuto, tabi lalabas nako" HAHHAHAHHA

*" Ate salamat sa pag paganda sa akin HAHHAHAHA makaka bingwit na ako ng lalake"

*" Baliw shu shoo alis na nga kayo keep safe" pagtaboy sa amin ni ate ang samaaaa


Inalalayan naman ko ni Aiden paupo sa bmw niya bago to ah ngayon ko lang kasi nakita to tapos kinabit na din niya yung seatbelt. Di pa siya nakakapasok na halata ko na yung nakasulat na pangalan sa inuupan ko. Serenity Blaire's Seat. napangiti naman ako don hahhaha pangiti lang nga ba o kinikilig Hahhahhaha

*" Why my name is here?*


*" Sabi ko kasi yung babaeng mahal ko lang yung isasakay ko sa kotseng to at ikaw yon ikaw at ikaw lang yung mamahalin ko habang nabubuhay ako"

*" Tahimik ang corny mo naman Mr Loverboy mas lumalala ka ata araw araw ah" pag bibiro ko sa kanya pero totoo naman mas nagiging sweet siya araw araw

*" Alam mo kasi ganito araw araw din naman kasi ako nag babago kasi mas lalong lumalalim yung nararamdaman ko sayo"

Ang cocorny na nung pick up line ni Aiden ano ba ang nangyayari sa kanya. Hindi na lang ako sumagot kasi baka mas madadagdagan yung ka cornyhan niya. Hanggang sa dumating kami sa bahay nila ayy hindi mansyon ata to. Sobrang laki ng bahay nila Kulay white yung na sa labas pag kapasok mo naman malulula ka sa kagandahan ng mga gamit nila ang ganda kahit hagdanan ata nila ay sobrang mahal iginiya ako ni Aiden papunta sa knilang dining table 6 seaters lang kasi sila lang namang tatlo eh walang kapatid si Aiden silang tatlo lang talaga  sila ni mommy niya at daddy niya sa ganitong kalaking bahay grabeeee.

*" Mom we're here, anyway, she is Serenity Blaire Martinez the one who am I talking about?

*" Oh a pretty young lady, come on have a seat, anyway, I invited your tita Elyse to come and your cousins Callen they are on their way now.

Iginihit ni Aiden yung upuan para makaupo sobrang ganda talaga ng mommy niya, pero bakit kaya wala pa yung daddy ni Aiden dito. Kahiya namang gumalaw galaw dito kasi ang mamahal nito lahat kahit nga sahig parang ayaw ko ng tapakan.

*" Hon, I'm home" saad ng daddy ng Aiden bago hinalikan sa noo ang asawa niya ang sweet naman nila, ang swerte naman ni Aiden kompleto at masaya ang kanyang pamilya. Sakto din na dumating yung tita at pinsan ni Aiden kaya wala na silang hinihintay feeling ko ma ooutcast akon dito ngayon.


*" Oh hi Elyse have a seat I'm excited to let you taste my special dishes, it's been a month since we saw each other. hi there Callen you look good"


*" I know you won't disappoint us Analisse, you're good at cooking since then, well well who's the pretty girl right here? Are you a model? tanong neto sakin di ko alam kung ano e sasagot kasi nahihiya ako kaya si Aiden na yung sumagot


*" She's Serenity Tita, and I'm courting her, yes you're right tita she's pretty, isn't she? and no she's not a model.


*" You know Iha you are really pretty and gorgeous, if you want to be a model you know I can give you a contract in my Company. I hope that you'll join us. I'll give you a lot of opportunities. If you want to"

Napaisip ako simula noon pinangarap ko talaga maging model kaya todo ingat talaga ako sa sarili ko lalo na sa skin ko. Pero kaya ko ba? pera din yon tsaka opportunity nato oh aayawan ko pa ba

*" You know Serenity there's a bright future with you in Elyse company and you will fit to be a model because look at you, you're are beautiful and I know my son will support you whatever you want to be" saad ng mommy ni Aiden habang hinahawakan ang kamay ko

*" Aiden kailan mo balak mag trabaho sa kompanya? bakit sa ibang kompanya kapa nag tatrabaho?" tanong ng daddy niya na mahihimigan mo talaga ang galit

*" I love what I am doing dad, and I have a freedom to choose where I want to work because someday wala din naman akong kawala kundi sa kompanya" hindi ko alam pero bakit parang iba sila mag usap ng daddy niya

*" Do you love what you're doing? O andon lang ang babaeng ito kaya don mo gusto? Paano nalang si Yasmin don? gusto ka non tsaka sabi ko siya yung ligawan mo at hindi iba"

*" Enough! nasa harap kayo ng hapag kainan, may bisita tayo di ba pwedeng isantabi niyo muna yan? Joseph let him decide for his life huwag na huwag mong ipilit ang anak ko sa taong di niya gusto kasi ako ang makakalaban mo.

_____________________________________

I FOUND LOVE IN THE DARKNESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon