//. SERENITY POV .//
I feel bad na nagalit lang ako sa kanya without knowing kung ano yung totoong kwento. Sa susunod talaga makikinig muna ako sa explanation bago magalit at mag tampo kasi nakakasira yun ng relasyon. Alam kong wala pa kaming pero malapit na sobrang lapit na. Hinatid niya ako sa condo at aalis na sana ng pinigilan ko siya.
*" Can you please stay here? I want to rest with you"
*" Okay, I am tired too and I want to sleep na kaya patulog na din dito.
*" Aiden sorry, sorry kasi nagalit ako kaagad sorry kasi di kita inintindi, sorry kung nasaktan ka" paghingi ko ng paulit ulit na tawad sa kanya
*" Shhhh come here" at lumapit naman ako sa kanya tsaka yinakap niya ako ng mahigpit kaya ginantihan ko di yung yakap niya sa akin. *" I understand Serenity, you don't have to say sorry kasi alam ko ding nasaktan ka. Halika na matulog na tayo at alam kong pagod ka." Pumasok kami sa kwarto para matulog ha hindi para ano promise tulog lang talaga
*" You sleep in the bed, I'll sleep here in the couch. Okay?" Saad ni Aiden habang hinahanda ang tutulugan niya.
*" The couch is too small for you, you can sleep here beside me. Or I can just sleep in the couch if you don't want me beside you.
*" Let's go to sleep love," so yun natulog nga kami. Nagising ako nang inuunan ang kamay niya habang yakap siya at yakap niya din ako. Ang sarap naman pala gumising ng ganito. I watch his face wala sasauluhin ko lang baka kasi dumating yung panahon na mawawala siya akin. Tsaka ko siya hinalikan sa pisnge at bumangon na. Anong oras na pala antagal ng tulog namin 5pm na di pa kami nag lunch kaya mag luluto nalang ako ng pang early dinner namin.
Nagluto ako ng adobong manok kasi yun lang naman yung alam kong lutuin bahala na alam ko namang kakainin ni Aiden to luto ko to eh. Pagkatapos kong ihain yung pagkain at pumasok ulit ako sa kwarto parang gisingin siya.
*" Aiden gising na, Love hey wake up" Ayyy pisteng pusa! Nabigla naman ako kasi basta basta na lang siya nang yayakap ayun tuloy nakadagan ako sa ibabaw niya.
*" Sarap namang pakinggan na tinatawag mo kong Love, isa pa nga"
*" Di kita tinawag na love baka na nanaginip ka lang, gising na dinner na tayo tsaka paki bitawan ako ang awkward ng posisyon natin.
Sabay kaming kumain ng dinner at todo puri naman si Aiden sa luto ko kahit yata panget yung lasa basta luto ko kakainin nito eh.
*" Ang sarap naman ng adobo pwede bumaon ahhahahha. pagpupuri nito
*" Kahit naman ata panget sasabihin mong masarap eh, sige nga request ka ibang dish tapos pag aaralan ko at lulutuin ko para sayo"
*" Talaga ba? Gusto ko yung sinigang na baboy yung maasim talaga ha tapos mapapakanta ako ng asim kilig HAHAHHAHA. Tawang tawa naman to pero ang ganda ng view ko.
*" Sige na umuwi kana baka gabihin ka sa daan, mag ingat ka sa pag drive"
*" Yes boss madam," tsaka hinalikan ang noo ko ta umalis na. Sarap siguro alagaan ng isang Aiden hayyyy.
Sa mga sumunod na araw ay back to routine na ako, gym , agency bahay paulit ulit na cycle, di na kami masyadong nagkikita ni Aiden kasi busy din siya kasi pumasok na siya kanilang kompanya. Ngunit kahit ganon nagbibigay padin kami ng oras para makapag video call kaming dalawa. Sunod sunod na fashion show yung ginanapan ko at naka ka drain yon pero kung para sa pangarap ay hinding hindi ako susuko.
*" Hi Serenity" pagbati sa akin ni Tita Elyse.
*" Hello tita" pagbati ko din sa kanya
*" Merong nag imbita sayo ng tv show interview and I think it's a great opportunity for you, but it's still up to you if you want.
*" Ofcourse tita, kailan po?
*" Bukas na sorry ngayon ko lang nasabi sayo naging busy lang ako"
*" It's okay tita I understand" lumabas muna ako para bumili ng kape ngunit nakita ko si Callen.
*" Callen" pagtawag ko sa kanya, *" Xyriel? Are you back together?" Tanong ko ng makita ko silang magkasama
*" Yes, Serenity sorry di ko na nakwento sayo busy kana kasing tao eh. Chaaariz lang still dating trying to catch up baka mag work ulit.
*" Oh good to hear that, hoyyy ikaw Callen huwag na huwag mong sasaktan ang best friend ko kung ayaw mong mabaog".
*" Amazona ka talaga Serenity, ikaw e susumbong kita may Aiden sasaktan mo ang pinakagwapo niyang pinsan HAHAHHA"
*" A-aray ano ba bat kayo nambabatok na dalawa napaka amazona niyo" reklamo nito habang hawak yung ulo niya
*" Masyado ka kasing feelingero, halika na nga bwenibwesit mo lang si Serenity eh."
*" Eh bat kay Serenity ka kumakampi di mo na ba ako love? Grabe ka sa akin Xyriel matapos mong makuha yung puri ko ganyan kana agad."
*" Ang ingay mo," sabay gihit nito kay Callen. *" Mauna na kami Serenity mag ingat ka palagi I miss you" saad nito at tuloy tuloy na sa pag lakad kasama si Callen.
Ang kyut nilang pag masdan, ang saya ko na masaya na yung kaibigan ko sana mag work yung relationship nila at maging masaya sila sa isat- isa.
Pumunta na ako sa malapit na coffee shop para umorder ng kape, kasi medyo inaantok napatagal ata yung video call namin ni Aiden at nakulangan ako sa tulog. Speaking of Aiden I want him to be with me tomorrow sa show interview para naman mabawasan yung takot ko sa posibleng itanong nila sa akin. So I just decided to text him kasi alam ko namang busy siya.
*" Hi Aiden I have a show interview tomorrow, can you go with me please? I'm a little bit nervous, I need you to be there. Thank you anyway please don't skip your lunch."
Akala ko busy pero hindi pa nga nagtagal ay nakapag reply na ito.
*" Hello love, sure I'll accompany you tomorrow, you too you should take care yourself, I love you.
______________________________________
BINABASA MO ANG
I FOUND LOVE IN THE DARKNESS
RomanceAmid the darkness, I have found myself isolated, where my tears go unseen and sobs unheard, and my pain is left unacknowledged. It's hard to express to others that the person I loved the most, and the person they trusted, has left me. This person ha...