CHAPTER 21

2 0 0
                                    

*" Love are you okay? Do you browse your social media? Tanong nito sa akin pag karating niya sa hospital.


*" I didn't, you told me not to, so I didn't bother to open it since there's nothing important"




*" There are rumours about you, paparazzi are everywhere, willing silang e post lahat kahit hindi naman nila alam yung nangyayari"




*" Can  I see it? Can I? Tanong ko sa kanya





Pinakita sakin ni Aiden at trending na trending ako ngayon yung picture namin ni Nathan kahapon na magkayakap. Headline Serenity is having an affair with another man while still in a relationship with Aiden. Parang nanghina ako bigla why do people do this? Di naman nila alam lahat ng nangyayari ah, hindi nila alam ang katotohanan pero ambilis lang sa kanila ipakalat ang balita na walang kasiguraduhan.



*" Shhh love, alam natin kung ano yung totoo, kaya huwag kang matakot o masaktan kasi wala kang ginagawang masama" pagpapakalma nito sa akin.




Patuloy ako sa pag bobrowse at pag babasa ng mga comments nila



*" Hindi na nahiya kung kailan sila naging engage doon pa mag checheat."



*" Akala ko ba good role model yan , kasi mabait may tinatago din palang harot sa katawan"



*" Jusko dzai pinakawalan mo lang yung isang diamond para sa isang bato"

*" Tama yan mabuti ng lumabas ang kaharutan niya kesa mapakasalan siya ni Aiden"



*" Dapat sa kanya mamatay nalang hindi man lang nahiya"



Ang sasakit naman ng mga komento nila pero okay lang hindi nila alam kung gaano ka importante sa akin si Nathan hindi nila alam kong ano ang totoo at kung gaano kami nahihirapan ngayon sa pag hahanap ng donor kaya nila nasasabi ang mga yan. Okay lang kaya ko pa lahat as long as alam kong pinaniniwalaan ako ni Aiden.



*" I have a good news for you para di kana malungkot, ayaw kong nalulungkot ang prinsesa ko eh kasi nasasaktan ako. Nakahanap na ako ng heart donor para kay Nathan at bukas na bukas pwede na siyang operahan kung stable na at kaya ng katawan niya. Kaya ikaw kailangan mo munang mag pahinga okay sasamahan kita sa condo at babalik tayo dito mamayang gabi."




Ibinalita namin kina nanay yung magandang balita at sobrang saya nila kagaya ko. Kaya uuwi muna ako ngayon kasi tama naman si Aiden kailangan ko ng tulog at pahinga. Ngunit pag labas palang namin sa hospital ay marami ng nagtapon sakin ng itlog at yung iba bato pa, masakit pero wala akong magagawa kundi dali daling pumunta sa kotse ni Aiden.



*" Aiden bakit nagpapauto ka sa babaeng iyan sasaktan kalang niyan" sigaw nung isa



*" Oo nga gold digger bitch di ka niya deserve at patuloy parin sila sa pag tatapon sa akin hanggang sa ma kapasok ako sa sasakyan. Hindi ko na napigilan ang umiiyak bakit kailangan nila maging ganito kasama. Naramdaman ko na lang na pinupunasan ako ni Aiden pero ang lagkit talaga mg itlog sa katawan ko nararamdaman ko ding may mga mahahapdi na part sa katawan ko ngunit mas masakit don ang nararamdaman ng puso ko. Kaya wala akong tigil kakaiyak kaya niyakap nalang ako ni Aiden ng sobrang higpit bago nag drive papunta sa bahay nila dahil baka may mga tao din daw na naghihintay sa akin don.



*" Anong nanyari?" Nag aalalang tanong sa akin ni tita Analisse



*" People outside of the hospital mom sinugod nila si Serenity ng walang kalaban laban, hinusgahan nila ito ng hindi naman alam ang katotohanan. Sumusobra na sila mom." Galit na galit na tugon ni Aiden sa kanyang Ina.


*" Maligo ka muna at gagamutin natin yang mga sugat mo okay? Stop crying na shush, tita is here, hindi kami naniniwala doon dahil mas kilala ka namin kesa sa mga taong sumisira sayo."



Naligo ako sa banyo ni Aiden buti nalang talaga may mga naka handang gamit ako dito incase na matutulog ako dito may gagamitin ako. Napansin kong sobrang daming sugat ang natamo kaya mas lalong akong naiyak sa inabot ko ngayon. Lumabas ako ng kwarto ni Aiden at nakikita ko si tita at Aiden na hinihintay ako sa sala.




Dahan dahang ginagamot ni tita yung mga sugat habang si Aiden naman ay puno nga galit ang mga mata habang nakatingin sa katawan ko na maraming pasa.




*" Hey stop crying okay? No one will judge you in this house" pag pa pakalma sa akin ni tita. *" You should rest now alam kong pagod ka.




Pumasok ulit ako sa kwarto ni Aiden at umiyak ng umiyak wala naman akong ginagawang masama bakit kailangan nila akong saktan? Okay lang sa akin yung mga sugat na to pero yung. Mga masasakit na salita ay hindi ko makakaya.




*" Love? " pagtawag sa akin ni Aiden, alam kong nag aalala na din siya sa akin kaya pinunasan ko ang luha ko bago humarap sa kanya at ngumiti




*" Silly, you don't have to pretend, alam kong nasasaktan ka at andito lang ako para sayo, umiyak ka kung yan yung makakapag papagaan ng nararamdaman mo, dito lang ako sa tabi mo at hindi kita iiwan" niyakap niya ako at hinayaang umiyak sa balikat niya, hanggang sa nakatulog na ako sa kanyang yakap.




Nagising ako ay medjo madilim na, nakahiga si Aiden sa tabi ko habang yakap yakap ako.



*" Gising kana? Babalik pa tayo mg hospital diba pero kailangan mo munang kumain." Mahinahong saad nito sa akin




*" Ayaw ko ng lumabas Aiden natatakot ako, pano kung saktan nila ulit ako? Pano kung pati ikaw madamay? Ayaw ko na Aiden gusto ko na lang mag kulong dito.





*" Kailangan tayo ni Nathan sa hospital. Kung iniisip mo yung ibang tao hindi ko na hahayaan pang saktan ka nila. At lilinisin natin yung pangalan mo. Dahil hindi naman lahat ng sinasabi nila ay totoo."




Pagkalabas namin sa sala ay nakita namin yung mommy at daddy niya na nag uusap.




*" Aalis kayo? Tanong ng daddy ni Aiden




*" Yes po tito," magalang na saad ko



*" Dalhin niyo lahat ng bodyguards ko kasi hindi na kami makakapayag pang masaktan ang ang future daughter in law namin.




Kaya wala kaming nagawa ni Aiden kundi sinunod na lang sila kasi para sa amin naman talaga yun. Na sa ibang sasakyan ang bodyguards. Pag karating namin ng hospital ay pinalibutan agad kami ng body guards para ma protektahan kami sa kung sino man ang mag tatry na saktan ako ulit.

______________________________________

I FOUND LOVE IN THE DARKNESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon