Pagkapasok namin sa hospital ay madami ang nakatingin sa akin ngunit hindi ko na iyon pinansin kasi wala naman akong magagawa kong ano iisipin nila sa akin kasi di ko naman hawak ang mga isip nila. Let them think kung ano at sino ako kasi mas kilala ko naman ang sarili ko. Pagkadating namin sa room ni Nathan ay ako agad ang pumasok kasi gusto raw akong makita Nathan "
*" Hello Nathan, kamusta kana? Dapat nag papahinga kana ngayon kasi operation mo na bukas" nakangiti kong saad sa kanya para itago ang kalungkutan na nararamdaman ko.
*" Alam kong malungkot ka kaya huwag kang ngingiti, kasi free kang ipakita sa akin ang kahinaan mo alam mo yan" nang hihinang saad nito.
*" Alam mo Serenity sobrang swerte ko noon nung nakilala kita, sino ba naman yung hindi diba, mabait matalino , masayahin at bonus na yung pagiging maganda. Naging masaya ako ng sobra nung kasama kita at lahat ng memories natin ay palagi ko yung babaunin san man ako mapunta"
*" Bakit naman parang nag papaalam ka Nathan ano kaba, diba sabi mo lalaban ka? Lalaban tayo, kaya huwag kang magsabi ng ganyan kasi gagaling kapa magiging police kapa maabot mo pa yung mga pangarap mo."
*" Pangarap na minsang pinangarap ko na kasama ka, pero iba na yung sitwasyon ngayon at tanggap ko yun. Sobrang nag papasalamat ako sayo kasi kahit iniwan kita noon ay hindi mo ako pinabayaan ngayon, andito kapa din at lumalaban kasama ko at masaya na ako kahit sa ganito man lang."
*" Sasamahan kita sa laban nato, iba man ang sitwasyon ngayon ako parin ang Serenity na nakilala mo na palaging nag aalala sa kalagayan mo, kaya huwag kang mawawala kasi masasaktan ako.
*" Serenity, kung sakaling gagaling ba ako babalik tayo sa dati?" Doon na tumulo yung luha ko kasi kahit anong gawin namin ay hindi na maibabalik pa ang lahat kasi maraming ng nagbago. *" Kahit hindi na yung relasyon, kasi alam ko namang may mahal ka nang iba, pero pwede ba tayo maging close gaya ng simula?
*" Oo naman bakit naman hindi diba? Kaya lumaban ka ha, kayanin mo marami kaming naghihintay na gagaling ka." Ngumiti siya sakin at hinawakan yung kamay ko ngunit unti unti iyong lumuwag at tumunog yung monitor at biglang nag straight yung linya, kaya dali dali kong pinindot yung emergency. Iyak na ako ng iyak pumasok yung pamilya ni Nathan at umiyak sila sa sitwasyon ni Nathan ngayon. Dali daling pumasok ang mga doctor upang e revive ito.
*" Nathan no, pleaseee lumaban ka please bukas na yung operation mo kaya lumaban ka huwag mo kaming iwan" pagsaad ko habang umiiyak kasi hindi parin siya na rerevive.
Yinakap ako ni Aiden at doon ako umiyak ng umiyak ilang minuto ng nirerevive si Nathan ngunit di parin tumitibok ang puso niya hanggang sa tumigil na yung mga doctor at tumingin sa kanyang relo
*" No doc, buhayin niyo yung anak ko please, masyado pa siyang bata para mawala" saad ni nanay habang umiiyak lahat ng tao sa kwarto nato ay umiiyak dahil di namin kayang tanggapin ang nangyari. Lumuhod si nanay para mag makaawa *" Nagmamakaawa ako buhayin niyo yung anak ko"
*" Sorry Mrs pero ginawa naming lahat ang aming makakaya pero wala talaga time of- bigla na lamang naputol ang sinabi ng doctor nag biglang tumunog yung monitor na nag bebeat ulit yung puso ni, Nathan.
*" Check the vital sign of the patient" saad ng doctor
Hindi ako naniniwala sa miracle pero sa oras na to alam kong isang milagro ang nangyari. Lumalaban si Nathan at tinutupad niya yung pangako niya na lalaban siya, alam kong lalaban siya.
*" Isang milagro ang nangyari sa pasyente at kung magiging stable siya sa susunod na 12 na oras ay ooperahan na siya" saad ng doctor bago lumabas ng kwarto.
*" Nathan salamat sa Diyos at hindi mo kami iniwan, hindi ko kakayanin kong mawawala ka samin kaya please lumaban ka" umiiyak na saad ni nanay habang nakahawak sa kamay ng anak niya.
Lumabas na muna kami ni Aiden sa kwarto para bigyan sila ng oras mag pamilya. Yinakap ko si Aiden at doon umiyak ng sobra di ko na kayang pigilan lahat ng sakit dahil nagkanda halo halo na lahat nang nangyayari at hindi ko kayang ma e process sa utak ko.
*" Everything will be okay love, Malakas si Nathan at alam kong lalaban siya kaya huwag ka ng umiyak."
*" I'm so happy that I have you on my side love, you never leave me since from the start and I am thankful for that. Sana manatili tayong ganito hanggang sa makabuo tayo ng pamilya at pumuti ang buhok kasi I am more than willing to get old with you. I love you so much mahal ko.
*" I will always be here love susuportahan ko lahat ng desisyon mo, kahit dumating man ang panahon naa ikakasakit ko lahat gagawin ko para sa kasiyahan mo"
*" You don't have to be scared love, kasi hindi dadating ang panahon na iiwan kita, mananatili ako sa tabi mo hanggang sa huli kong hininga."
*" Ang sweet naman ng fiance ko, alam mo love natakot ako, natakot ako na baka babalik ka kay Nathan matapos mong malaman ang lahat lahat"
*" Siguro kung noon ko nalaman babalik ako, pero iba na yung sitwasyon ngayon, meron na akong ikaw na hindi ko kayang saktan. Aaminin ko na na nasaktan ako nung nalaman ko yun kasi pwede naman kaming lumabang dalawa. Pero yung palagi niya ngang sinasabi sa akin everything happens has purpose, pag nawala sa atin yung tao ibig sabihin hindi para sa atin o hindi pa iyon ang tamang panahon para sa inyo. At kung hindi nangyari yon, edi sana wala akong gwapong Aiden ngayon.
*" Sabagay edi sana wala din akong magandang Serenity ngayon na cute at sobrang mapagmahal." Saad neto habang pisil pisil ang pisnge ko bago niya ako hinalikan sa noo at labi.
______________________________________
BINABASA MO ANG
I FOUND LOVE IN THE DARKNESS
RomantizmAmid the darkness, I have found myself isolated, where my tears go unseen and sobs unheard, and my pain is left unacknowledged. It's hard to express to others that the person I loved the most, and the person they trusted, has left me. This person ha...