CHAPTER 18

4 0 0
                                    

Nagising ako sa konting alog sa akin ni Aiden dahil ready na daw ang breakfast nakaligo na ito. Sana all naman kasi may damit diba.



*" Good morning love, kain ka na bago ka maligo ready na ang damit mo. Alam ko naman kasing bubulyawan moko pag wala kang damit.



*" Buti alam mo HAHAHHA. Thank you love for everything. I appreciate you so much I love you" tsaka ko niyakap to ng mahigpit ang sarap sa feeling na pag gising mo siya agad ang makikita mo.



Nag breakfast kami at naligo nako. Isang halter blouse na kulay pink at black high wait short pero naka two piece ako sa loob na kulay black meron ding extra underwears at extra damit. Si Aiden nalang kaya papipiliin ko ng mga damit ko total parang magaling naman siyang pumili.




Pinonytail ko nalang ang buhok ko at wala na kong ano na inilagay sa mukha ko kasi wala naman akong kahit ano dito kahit lip tint wala. Pero okay lang naman comfortable naman ako sa mukha ko kahit walang make up. Di ko din naman kailangang mag eye brow kasi makapal na man na kilay ko. Ito lang ata panlaban ko simula nung bata ako.




Nakita kong Hinihintay ako ni Aiden at naka pink t shirt ito black board shorts. Ang gwapo naman nang boyfriend ko bagay na mag artista eh. Nakatalikod ito sa akin kaya sumampa bigla ako sa likod niya. Agad naman niya hinawakan ang paa ko para di mahulog bago naglakad papalapit sa cottage kung saan andon si Callen at Xyriel na sweet na sweet. Maingat akong pinaupo ni Aiden si upuan tsaka umupo din siya sa tabi ko.




*" Serenity HAHHAHA nakakatawa ka kagabi tingnan mo tong video oh" tawang tawa na sabi ni Xyriel habang pinapanuod ang video kung saan ano ano yung pinagsasabi ko sa sasakyan.




*" Xyriel e delete mo yan" bago ko tinangkang agawin yung cellphone pero kinuha ni Callen at tinago. Nagkampihan eh kaya tiningnan ko si Aiden sa tabi ko pero bigyan niya lang ako ng innocent look.



Nakakainis naman parang pinagtutulungan nila akong tatlo dahil sa kahihiyang pinagsasabi ko sino ba naman kasing di mag iisip na mamamatay kana kung ganon yung nangyari sayo diba. Kumain kami ng hipon, crabs at syempre hindi mawawala yung talaba paborito ko yun eh.




Nauna na sina Xyriel don maligo kasi naparami ang kain kaya mabigat pa yung tiyan ko. Cheat day today. Hinubad ko na yung suot kong halter blouse na suot ko. Tsaka nag lagay ng sun block at bigla biglang nalang akong  hinigit ni Aiden patakbo sa dagat.



*" Laro tayo habulan" pag sigaw ni Xyriel




*" Tinulak ko si Aiden papalayo sakin bago sumigaw si Aiden taya at tsaka lumangoy papalayo."


*" Serenity humanda ka sakin" saad nito bago lumangoy kung saan ako paparoon kaya lumangoy ulit ako papunta kina si Xyriel kaya bago pa ako mahuli ni Aiden ay nakapag tago na ako kay Xyriel at siya yung nahuli ni Aiden HAHHAHSH.



*" Andaya naman ni Serenity eh" reklamo nito sako ako hinabol HAHHAHA laro ba talaga to o ako lang talaga ang hahabulin nila kaya langoy lang ako ng langoy hanggang sa mapagod lang si Xyriel kakahabol sa akin kaya si Callen ang hinuli niya. Pero bakit ako padin yung hinabol hanggang sa may nabunggo yung paa ko na parang tali sa baba. Dahil curious ako na tao ay sinisid ako ito. Doon nakalagay ang  words na Will you marry me? tsaka napapalibutan ng mga pusong ilaw kaya unti unti akong umahon dahil baka masira ko pa ang plano ng iba. Ngunit nung makaahon na ako ay nakita ko si Aiden sa harapan ko may hawak na singsing, a diamond ring habang nakangiti ito sa akin.



*" Serenity, having you in my life is the greatest gift that I receive from God, alam ko na masyadong mabilis, at kung ano man yung desisyon mo ay tatanggapin ko. Serenity Blaire Martinez, will you please marry me?"




*" Yes, Aiden Clint Zapanta I will marry you. Bago ko siya niyakap ng mahigpit habang umiiyak sa saya. Aiden clint is full of surprises, he always treasure those person who is important to him at wala akong rason para di siya pakasalan kasi sobrang mahal ko siya at excited akong magsimula ng buhay ko kasama siya. Ngunit napag desisyonan namin hintayin niya muna maging 25 ako 23 na ako ngayon we still have almost 2 years to enjoy our life as boyfriend-girlfriend.




Eninjoy namin ang oras na andon kami sa beach. Hindi parin ako makapaniwala na engage na ako sa lalaking mahal ko. He took a picture of me in the sunset while wearing a floral dress with messy bun habang hawak ang kamay ko. Makikita sa litrato ang singsing tapos ang nakangiti kong mukha at ang magandang sunset.




I check my phone kasi naka receive ako ng notification nakalimutan ko palang patayin ang data ko. Aiden Clint tag you in post.


*" Love you posted it?" Tanong ko sa kanya




*" Yes because my fiance is deserve to be flex."saad nito habang nakangiti.




Tiningnan ko ito sobrang ganda ng pagkakuha meron din naka sideview ako habang hawak niya padin yung kamay ko flexing the engagement ring. A beautiful view of the sunset with my fiance is the most beautiful scenery for me. Ilang minuto palang ngunit sobrang daming comment at shares na ito na nagsasabing congrats daw sa aming dalawa. I'm already looking forward as his wife.




Nag peprepare na kaming makauwi ng naka receive ako ng message galing kay Ysabelle




*" Serenity, we need you nasa hospital si Nathan ayaw niya ng sabihin sayo pero kailangan mo pa ding malaman ang totoo dahil karapatan mong malaman ang lahat ng kototohanan, alam kong gusto ka niyang makita ngunit ayaw ka na niyang gambalain pa. Sana makapunta ka Serenity."





My heartbeat stops, hindi ko alam hindi ko maintindihan kung anong totoo ang dapat kong malaman at kung bakit nasa hospital ang lalaking minsan ko ng minahal. Kaya dali dali kami ni Aiden bumyahe papunta sa hospital na sinabi ni Ysabelle

______________________________________

I FOUND LOVE IN THE DARKNESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon