Matapos ang fashion show na yun ay naging matunog ang akin pangalan, sunod sunod na projects ang ibinigay sa akin sunod sunod na opportunities ang dumating sa buhay ko, Di ko akalain na sa kabila ng kadiliman na nakikita ko, Sa kabila ng kalungkutan na nararamdaman ko sa kabila na pagkakulong ko sa madilim na mundo ay hindi na ako umaasa pa na makakita pa ng liwanag ngunit ng dahil kay Aiden ay nakita ko ulit ang liwanag, naramdaman ko ulit kong gaano kasaya ang mundo na kahit gaano karaming pagsubok ang dumating gagawa na gagawa ang panginoon na malampasan mo lahat yun na magbibigay siya ng taong tutulong sayo para malampasan mo lahat ng ito.
Si Aiden ayun patuloy pa din sa pangliligaw it's almost 1 year at hindi nag bago ang pagmamahal na pinaparamdam niya kung meron man ang yong mas lalo ka niyang mamahalin swerte ko sa kanya kaya sisiguraduhin ko sa sarili ko kung ano na nga ba ang nararamdaman ko sa kanya. Alam kong espesyal sa akin ngunit ayaw kong madaliin ang lahat ayaw kong mag kamali ang desisyon ko kasi ayaw kong masaktan ko siya. Deserve niya maging masaya hindi masaktan.
Sunday in the morning at wala akong schedule kaya makakapagpahinga ako masyadong marami kasing fashion show at advertisement ang ginawa ko. Di ko inakalang magiging successful ako ng ganito.
*1 text message from Mr Loverboy
*" Hey Serenity can we go for a date later? please meet me at the mall at 3 pm.
*" Okay, anyway good morning Mr Loverboy"
Wala akong magawa ngayong umaga kaya pumunta ako sa gym just do some small exercise, pero alam kong mag checheat day ako mamaya HAHAHAH. I just did some stretching, a butt workout yun kang naman kasi insecurities ko sa katawan ko at ayoko namang ipagawa dahil mas okay na mag gym nalang. Umuwi nako sa condo na binigay sa akin ng Agency di naman kasi raw pwede na don ako tumira sa amin at squater area yon. Gusto ko sanang kasama dito sina ate at lola kasi malaki naman ito ngunit ayaw ni lola na iwan yung bahay kaya hindi narin sumama si ate para mabantayan si lola. Pa minsan minsan dumadalaw ako don dahil di ibig sabihin na umangat ang buhay ko ay kakalimutan ko ang pinang galingan ko. I just take a nap and then eat my lunch yun lang sa pagiging modelo kailangan mo talagang e limit ang pagkain mo eh sa matakaw panaman ako.
2:50 pm dumating na ako sa mall dumiretso na lang muna ako ng share tea at dito ko nalang pa pupuntahin si Aiden. Baka papunta palang yon di pa naman kasi 3 at first time atang mauna ako dito kasi always siyang nauuna sa aming dalawa.
Ngunit naubos ko na yung iniinom kong milktea wala pa ding Aiden na dumadating 3:30 pm baka na traffic lang nag hintay pa ako ng another 30 minutes ngunit wala pa ding Aiden na dumating andami na ng text ko ilang beses ko na ding siyang tinawagan ngunit hindi niya sinagot. Naglakad lakad na ako sa mall hanggang umabot ng 6pm ngunit walang Aiden na nagparamdam. Tinawagan ko ulit siya at sa wakas sinagot niya din.
*"Hello Aiden naman akala ko ba 3 ? 6 pm na Aiden may balak ka bang siputin pa ako dito? kasi kung hindi na uuwi nalang ako" naiiyak ko nang saad ito ang unang beses na hindi siya sumipot sa usapan.
*" Serenity sorry talaga, umuwi kana muna ha di ako makakapunt--"
*" Aiden babe come on nag hihintay na yung daddy mo" pag sigaw ng babae sa kanya
*" Aiden sino yun?" Tanong ko sa kanya dahil ba sa babaeng yun kay di siya makakapunta
*" Wala, ahh si ano lang yun."
*" Si ano Aiden? Bakit kasi di ka man lang nagsabi na di ka pupunta kasi busy ka sa iba, edi sana hindi ako nag hintay sa wala huwag mo naman sana akong pag mukhaing tanga" sagot ko bago ibinaba ang tawag niya at umuwi na kasi gusto ko nalang umiyak. Siya yung may sabi eh, siya yung may sabi mag dedate kami tapos ako pala yung hindi sisiputin. Iyak lang ako ng iyak iniisip na baka nauulit nanaman baka iiwan nanaman ako ng lalakeng gusto ko di ko ba deserve sumaya? Masaya na ako kay Aiden pero bakit, bakit ganito? Exactly 9 pm nang ka receive ako ng text sa ate ni Nathan
* 2 text messages from Ysabelle
*" Hi Nity pwede ka bang pumunta dito? Hinahanap ka kasi ni nanay at tatay"
*"Sana makapunta kahit para nalang sa kanila"
*" Hi Ysa tell nanay and tatay that I'll be there tomorrow. Mag tetext nalang ako kung paalis na ako diyan na din ako matutulog kung pwede sana namiss ko kayo" sinend ko yun at matutulog na sana ng biglang tumawag sakin si Aiden.
Hindi ko ito sinagot kasi para saan? Kanina pa nangyari yon bakit ngayon lang siya tatawag. Huhh Aiden babe edi don na siya sa babe niya. Total mas pinipili naman niya yon. Teka nga handa na ba ako na makita ulit si Nathan mag awawkward kaya ako? O masasaktan ulit? Sabagay di ko naman yun malalaman kung di ko siya makikita.
Kinabukasan pag gising ko nag handa na ako ng mga gamit ko para pumunta kina Nathan medyo malayo din kasi yon 2 hours na byahe. At dahil walang Aiden ngayon mag cocommute nalang ako total kailangan din namang mag mask lumabas kaya di din naman siguro ako makikilala sa Van nalang ako sasakay para di masyadong tao. Exactly 9 o'clock umalis ako ng bahay tinext ko na din si Ysa na papunta na ako. Woman in disguise ako ngayon ahhaha. Highwaist block short white oversize t shirt na naka tuck in tapos airmax na shoes na white. Sabay mask, shade at Sombrero na itim. Di ko na pinaalam pa kay Aiden naaalis ako kasi para saan pa nga baka busy siya, andami na din niyang text at tawag na ni isa ay hindi ko sinagot. Exactly 11 am nakarating ako don ngunit kailangan pang sumakay ng motor papasok sa kanila. Buti na lamang at sinundo ako ng pinsan ni Nathan.
*" Hi ate, buti naman at nakabalik ka dito namiss kadin namin dito" masayang bati sa akin ni Joshua
*" Syempre na miss ko din kayo no, tinuring ko na kayong pamilya ko eh kaya hinding hindi ko kayo makakalimutan"
*" Sikat na sikat kana ate Serenity madami na sigurong nag kakagusto sayo no? Tanong nito
*" Hindi naman siguro HAHAHA"
Nakarating na nga kami sa kanila at madaming mga bata yung nakaabang sa akin, nakakatuwa lang na simula noon hanggang ngayon di sila nag bago na tuwing pumupunta ako dito sinasalubong nila ako ng pag bati at ngiti. Hayy namiss ko ang simoy ng hangin ng probinsya. Nag lakad na ako papasok kela Nathan at kada madaanan ko may tumatawag sa akin na ate Serenity mukhang iniexpect talaga nila na pupunta ko. Kinuha ko yung sombrero ko kasi di ko naman kailangang mag disguise sa harap nila kasi importante naman sa akin ang mga taong ito.
*" Nanayyy pag tawag ko sa kanya ng makita ko siya sa kanilang balkonahe" excited akong naglakad para mayakap siya tyming naman na lumabas si tatay sa bahay nila kaya sabay ko silang niyakap na dalawa. Namiss ko sila, namiss ko yung nagparamdam sa akin ng buong pamilya.
"*" Serenity buti naman at naka punta ka, tagal mo ding nakabalik dito" malungkot na saad ni nanay
*" Sorry po nanay ha, may mga bagay kasi akong kailangan gawin"
*" Ano kaba Serenity okay lang naman sakin masaya nga kami para sayo kasi naabot mo na yung pangarap mo na maging modelo. Ang sikat mo na akala ko nga makakalimutan mo na kami" sagot naman ni tatay
*" Pwede ba yon? Syempre di ko kayo makakalimutan no, importante kaya kayo sa akin.
Tuwang tuwa sila na nakabalik ako don, ako din naman tuwang tuwa ako na nakabalik ako sa lugar na maraming masasayang alaala. Nakita ko si Nathan na lumabas ng bahay. Ewan ko ba kung ako lang or pumayat talaga siya.
*" Hi Nathan" pag bati ko sa kanya ng may kasamang ngiti lumipas ang panahon at alam ko sa sarili ko na okay na ako na napatawad ko na siya, wala nang sakit akong nararamdaman kundi saya na makita na okay siya.
*" Hello Serenity good morning, welcome back" nakangiti din niyang tugon. Masaya ako sobrang saya ko na walang awkward sa pagitan naming dalawa.
At dahil lunch time na salo salo kaming kumain ng paborito kong estupado ni tatay.
_____________________________________
BINABASA MO ANG
I FOUND LOVE IN THE DARKNESS
RomanceAmid the darkness, I have found myself isolated, where my tears go unseen and sobs unheard, and my pain is left unacknowledged. It's hard to express to others that the person I loved the most, and the person they trusted, has left me. This person ha...