CHAPTER 16

3 0 0
                                    

//. SERENITY POV .//



New morning, new day, new life new blessings from God. Nag stretch stretch muna ako ng katawan bago bumangon, plano ko kasing dumalaw doon kina lola at titingnan kong ano naba ang progress ng bahay. Kung ako lang mas gusto kong bilhan sila ng lupa at doon pagawan ng bahay ngunit ayaw ni lola na iwan yung bahay nila ni lolo, noon pa lamang plinaplano na ni lola na ipaayos ito ngunit kulang kami sa financial para mapaayos ito. Kung mapapaayos man sa parte lang muna na to sa susunod na man yung iba pag may pera na. Pero ngayon gusto kong tuparin ang pangarap ni lola na ipaayos ang bahay kong saan sila bumuo ng pamilya ni lolo. Utang ko ang buhay ko kay lola at alam kong kulang pa lahat ng ito at gusto kong ibigay sa kanya lahat ng pangangailangan at gusto niya. Di nila alam na pupunta ako kasi mas gusto kong sopresahin sila na dadalaw ako sa kanila.




Bago kami pumunta don ni Aiden ay bumili muna ako ng groceries para sa bahay tsaka syempre di mawawala yung paborito naming lahat fried chicken ng jollibee kaya naman bumili nadin ako ng tatlong bucket tsaka fries at sundae. Yon yung mga pagkain na gusto namin na minsan lang talaga namin makain kasi wala naman kaming pera para kainin ito.




Pag ka baba ko palang sa sasakyan madami ng naka kilala sakin na taga samin. Ayaw ko namang magtago sa kanila kasi minsan din silang naging parte ng magulo kong mundo. Madami ang mga nag papa litrato sa akin ngunit wala yung problema sakin minsan nadin ako naging sa posisyon nila kaya naiintindihan ko sila.




Matapos nilang mag pa picture ay pumasok na ako sa bahay, At okay na ito malapit ng matapos ang pangarap na bahay ni lola at alam kong masaya siya.




*" Lolaaaa atee andito ako" pag sigaw ko kasi walang tao sa sala siguro nasa kanya kanya silang kwarto o kaya sa kusina.




*" Ate Serenity" tuwang tuwa na tawag sa akin ng pinsan kong cute. She's already 5 years old na at princess ang pangalan niya.



*" Hello, princess how are you? Tanong ko dito ng umupo ako para lumibel sa height niya



*" I'm fine ate, we miss you already" sagot nito englishera kasi siya kasi sinanay siya ng tita ko sa kaka english.


*" Serenity" tawag sa akin ni ate at nakita kong parang medyo lumaki yung tiyan niya.


*" Ate buntis ka? Mag ka kapamangkin na ako?" Excited kong tanong sa kanya. Merong boyfriend si ate at 10 years na sila. Di ko din alam bakit di parin sila nagpapakasal pero mukhang malapit na lalo't may nakita na akong singsing sa kamay ni ate. 6 months palang yung nakalipas nung maka baba yung boyfriend niya sa barko.



*" Yes, three months na di ko na nasabi sayo kasi gusto kong ma sorpresa ka pero kami yung nasorpresa sa pag punta mo"



*" Asan si lola? tanong ko dito at andon pala sa mini garden niya at busy ka ka binyag ng kanyang mga tanim. Si Aiden naman andito sa likod ko at hawak pa din ang mga dala namin kaya pinapatong ko na muna sa lamesa kesa naman na hawak hawakan lang niya.




Namiss ko ang ganito kasaya at kagulo na pamilya, yung umaga palang ang iingay na ng mga pinsan mo kasi nag hahabol habolan na. Nakita ko si lola at agad ko itong niyakap ganon na din kay papa na kakapasok ng bahay. Namiss ko silang lahat parang mas gusto ko na ulit na dito na tumira. Kahit magulo, kahit kulang financial masaya naman.





Nagsalo salo kami sa jollibee na dala ko syempre paborito naming lahat yun, si Aiden ayon nakikipaglaro sa mga pinsan ko, ang kyut niyang tingnan. Marami kaming pinag kwentuhan tapos tawa ng tawa lalo na pag binabalikan ang nakaraan. Lalong lalo na sa mga pinagdaanan ko ng bata ako.




*" eto eto naalala niyo pa ba nung itong si Serenity ay iyak ng iyak kaka hanap ng classroom ko nung grade 5 tapos siya grade 1 kasi daw sinabihan siya ng kaklase niya na drop na daw siya"




*" Eh ganon naman talaga ang sabi niya eh. Umabsent lang ako kasi nilalagnat na drop na daw ako agad ni teacher."






*" Tapos yung nadatnan ka nung 14 years old ka, ang epic mo don HAHAHHAA tumakbo kapa talaga sa amin sa labas ng kalsada tapos sabi mo huhuhuhu may dugo may dugo di kapa namin maintindihan tapos mens mo lang pala may pa talon talon kapa habang umiiyak."





*" Eh sa natatakot kasi ako sa dugo tas sabi ko pa noon sana ma menopause na ako kaagad HAHAHHAA"
At naging tuloy tuloy ang aming masayang kwentuhan.




Gabi na ng napag desisyunan kong umuwi kasi ang saya pag andon kalang talaga sa bahay yung tipong kahit gaano karami yung problema alam mong tutulungan ka nila yun nga lang di ako mahilig mag sabi ng problema at kinikimkim ko lang lahat ito.




Pagkapasok ko sa kwarto ayyy agad akong nag online para sana e post yung mga pictures namin ngunit nakita ko yung pictures namin ni Aiden na nagyayakapan sa show. Hayyyys ang sarap isipin. Tapos yung nakalagay Serenity and Aiden of Zapanta Trading Company is now in a relationship. Madaming natuwa , kinilig at nagsasabing bagay ngunit di natin maiiwasan ang may magsabi talaga ng masama.




*" Ang cheap naman pumili ni Aiden, madaming magaganda sa larangan ng industriya at negosyo bakit naman pumatol sa isang skwater"



*" Aiden baka ginayuma ka lang niyan kung ako sayo iiwan ko yan maganda lang naman yan baka nga retokada pa"



*" For your information hindi retokada si Serenity kasi natural na ganda niya yung nakikita niyo. At ano naman kung nang galing siya sa hirap at least ni minsan ni di niya kinalimutan at kinahiya kong ano yung pinanggalingan niya kaya naging successful siya mga etchuserang frog kayo akala niyo naman ang gaganda niyo." Laban ng isa kong fans tapos dinagdag pa ang picture ko noon na wala pa sa industriya ang mga litrato ko na dumadalaw kina lola



Madami ding comment ng Protect Serenity Blaire at all cost. I'm still thankful that there's a fan who is willing to fight for me, but as for me they are not worthy of time to spend of. Kahit gaano ka pa kabait people will always find a reason para masabihan kalang ng masama.

______________________________________

I FOUND LOVE IN THE DARKNESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon