CHAPTER 11

2 0 0
                                    

Umaabot yung hapon na di natatapos ang aming kwentuhan. Ang saya ko sobrang saya iba talaga ang dulot na saya ng buong pamilya. Siya nga pala may girlfriend na si Nathan and guess what yung babaeng pinagseselosan ko din noon. Pero no hard feelings na masaya ako para sa kanila at sana maging masaya yung relasyon nilang dalawa. Kasi magiging masaya ako kung magiging masaya din siya.





Naglaro din kami ng mga bata ng habulan hindi ko alam pero pag sila kasama ko nagiging isip bata ako. 5 pm nang uminom sila ng The bar pink hindi naman ako maka hindi tsaka minsan lang ako dito kaya uminom ako kahit di naman ako pala inom na tao. Kantahan ang naganap sa inuman sila lng naman na mag pamilya yung kasama ko syempre wala si Nathan kasi di mabisyo yon di umiinom at naninigarilyo yung pinagtatalunan lang ata namin ay yung pagiging adik sa ml. Naka walong baso palang ako pero umiikot na yung mundo ko ang hina ko naman sa inuman sabagay di naman kasi talaga ako umiinom.



Tumayo at muntik ng matumba mabuti na lamang at nasalo ako ni Nathan di ko din alam kong saan siya nang galing.




*" Shanoo baa Nathan bita bitawan mokoo kashi shashayaw pako para mashaya" lasing kong sabi ngunit di niya ako pinansin



*" Ysabelle" pag sigaw nito *" tulungan mo ako dali, si Serenity lasing na bakit naman kasi uminom to eh hindi naman ito sanay sa inuman" reklamo neto





*" Halaa jusko anong nangyari sayo Nity, pulang pula kana halika lika pasok ka na at magpahinga" nag aalalang saad ni Ysa habang tinutulungan si Nathan na ipasok ako sa bahay





*" Alam mo ysahhh may nagugushtunhan awkong taow kaya lang di kami okay ngayon kashii nagalit ako sha kanya kashi naman may tumawag sha kanyang babaeng haliparot nung tinatawgan ko shaa . shabii niya Hii Aiden babe. Ehhh akin yun eh shabi niya akin lang daw sha taposh may kashama naman pala shang iba. Umiiyak kong kwento sa kanya nakarating kami sa kwarto at pinahiga nila ako. Nakapa ko naman ang cellphone ko sa bulsa ko kaya kinuha ko ito at tumawag sa kung sinong mokong na matatawagan


*" Thank God Serenity at kinontak mo din ako" taos na pagpapasalamat ni Aiden



*" hm hmm Aiden kaw ba to? Halaaa bat ka natawag? Diba diba kashama mo babe mo?



*" Serenity lasing kaba? Serenity asan ka? Pupuntahan kita"



*" Sha anoo sha lugar kong shaan malayo ka, kashi sinakatan moko eh, akala ko ba ako lang? Bakit may babe ka" at tuluyan na akong umiyak kasi naman ang sakit eh kung saan ko na siya natutunang mahalin.



*"Serenity please, sober yourself pupuntahan kita e open mo location mo promise pupuntahan kita"


Inon ko naman yung location nag pauto sa lalaking to madami pa siyang sinabi ngunit di ko na naiintindihan kasi unti unti ng nawawala ang ulirat ko.



*" Serenity, Serenity wake up" pag gising sa akin na kung sino man.


*" yoko pa tulog pako ha sandali nalang promise"


*" Serenity let's go home, baby wake up" patuloy niyang pag gising sa akin kaya iminulat ko yung mata ko


*" Ai Aiden kaw ba to? Halaaa bat ka andito? Tsaka yoko umuwi, alish alish ka dito kasi di naman kita kailangan eh kashi sinasaktan mo naman naman ako eh.



Patuloy ko siyang tinutulak palabas ng kwarto e bakit ba kasi andito yon  nung makalabas na siya ay natulog na ako ulit.












Nagising ako na sobrang sakit ang ulo, ano nangyari? Bakit masakit yung ulo ko. Wala ng tao sa kwarto o may kasama ba akong matulog o wala di ko na alam wala akong maalala sa nangyari kagabi basta ang alam ko lang uminom ako ng the bar pink tapos wala na, di ko na maalala yung pinanggagawa ko. Nakita ko yung mukha ko sa salamin juskooo ang wasted ko tingnan buhaghag ang buhok tapos bat ampula ng pisnge ko nag blush on ba ako kagabi. Inayos ko yung buhok ko pinonytail ko nalang ito at kumuha na ng sabon at sepilyo para makapag hilamos at toothbrush. Pagkabukas ng pinto ay nagulat ako kasi bakit nandito si Aiden.



*" Ayyyy pisteng pusa" pag sigaw ko kasi di ko alam kong namamalik mata ako, kaya tinusok tusok ko yung mukha niya hala totoo nga siya pano siya napunta dito."




*" Ayusin mo muna yung sarili mo kain kana din at inumin itong gamot kasi alam ko naman na masakit yung ulo mo"



*" Pano mo nalaman na nandito ako? Stalker kita no? Aiden pano nga kasi tsaka ayaw kitang makita bakit ka andito ayokong makita yung pag mumukha mo"




Nakita ko naman sa mata niya na nasasaktan siya sa mga sinasabi ko pero anong magagawa ko yun yung nararamdaman ko.



*" Serenity sorry sa nangyari nung isang araw, naiintindihan kita kong ayaw mo akong makita, ihahatid lang kita tapos di na muna ako mag papakita sayo kung yon yung gusto mo. At tsaka kung bakit ako naka punta dito ay nag dudrunk call kagabi tapos iyak ka ng iyak kaya kahit malayo ay bumyahe ako papunta dito kasi sobrang nag aalala ako kasi lasing ka, di naman kasi ikaw yung tipo na babae na umiinom" mahabang paliwanag nito naguilty tuloy ako.




*" Mamaya sa kotse mo you have 5 minutes to explain yourself, ayaw kong patuloy na magalit sayo ng hindi ko alam yung rason mo" bago ko siya tinalikuran at bumalik sa kwarto para kumuha ulit ng gamit pang ligo kasi maliligo nalang ako.



Pagkatapos kung maligo ay kumain na ako at uminom ng gamot na binigay ni Aiden kasi ayaw ko na siyang mag-alala.


*" Nanay, tatay uuwi napo ako hayaan niyo po at dadalawin ko kayo ulit dito pag nag ka oras po ulit ako" pamamaalam ko sa kanila kung alam lang sana nila na sobrang nalulungkot ako na uuwi nako kaya lang kailangan eh.



*" Mag ingat ka tsaka huwag ka ng iinom ulit di yon nakakabuti sa katawan mo" pangaral ni tatay



*" Opo tay, sorry po kagabi nahihiya din po kasi akong humindi sa kanila"



Yinakap ko silang dalawa bago umalis at sumunod kay Aiden kung saan man niya pinark yung sasakyan niya. Nang makaupo ako agad ko siyang tinignan at nanghihingi ng eksplenasyon sa pagpapahintay niya sa akin sa mall at tungkol sa babaeng haliparot na yon.

______________________________________

I FOUND LOVE IN THE DARKNESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon