CHAPTER 19

4 0 0
                                    

We rushed at the hospital kung saan na admit sa Nathan at pagdating namin doon ay marami ng nakakabit sa katawan niya. Unti unti akong nanghina dahil ni minsan ay hindi ko nasaisip na mangyayari sa kanya to. Nakita ko sina nanay at tatay na umiiyak ganon nadin ang mga kapatid niya, Hindi ko naiintindihan kong anong nangyari kong paano siya napunta sa ganitong sitwasyon.



" Mr & Mrs Anderson, Nathan's conditions is not stable, masyado nang nanghihina ang kanyang katawan. Kailangan niya na talaga ng heart donor as soon as possible. Kasi kung hindi padin dalawang buwan na lang ang kanyang itatagal" malungkot na balita sa kanila ng doctor. Nawalan ako ng balanse sa narinig buti na lamang at nasalo ako ni Aiden. Dali dali kong niyakap sina nanay na mas lalong napalakas ang hikbi. Kahit ako hindi ko kayang tanggapin ang balita ng doctor, malakas si Nathan yun yung pakakakilala ko sa kanya pano paano siya nagkaroon ng ganyang kalalang sakit.



*" Si Nathan na lang ang inaasahan nila nanay at tatay dahil masipag ito. Nag tatrabaho ito ng construction habang nag oonline class para matugunan ang kanilang pangangailangan upang maka kain sila ng tatlong beses sa isang araw nung may face to face classes naman ay sabado at linggo nag sasideline pa ito para lang may maibigay siya sa kanyang magulang kaya mahirap isipin na mangyayari ito sa isang taong sobrang buti ng puso.



*" Serenity, mahal kapa din niya, mula noon hanggang ngayon ikaw lang ang minahal niya" naiiyak na sabi sa akin ni Ysa kaya napatingin ako sa kanya




*" Ngunit may girlfriend na siya Ysa hindi pwedeng ako pa rin ang mahal niya"




*" Hindi niya girlfriend si Crystal nag panggap lang sila sa harap mo kasi gusto niyang ipakita sayo na okay siya para maka pagpatuloy kana sa buhay mo"




*" Kung mahal niya ako bakit niya ako iniwan sa ere? Bakit nong mga panahong kailangan ko siya ng sobra?" Naiiyak ko ng ding sabi kasi sobrang sakit pa din pala lalo na't ni minsan ay hindi namin ito napag usapan




*" Nakipag break siya sayo kasi ayaw niyang maging pabigat sayo, ayaw niyang mas lalo kang mahirapan dahil sa kanya lalo na't alam niya na naghihirap ka din, lalo na't alam niya na hindi ka okay. Wala na siyang ibang naisip na dahilan nung malaman niya itong tungkol sa sakit niya kundi ang makipag hiwalay sayo at itago sayo ang lahat ng ito. Ngunit karapatan mong malaman ang lahat Serenity"





*" Di naman niya ako kailangang iwan lalo na't mas kaya kong lumaban pag kasama siya" sobrang bigat ng nararamdaman ko hindi ko alam ang gagawin ko.





//. FLASHBACK .//


*" Nathan huwag naman ganito please, huwag mokong iwan" umiiyak kong sabi sa kanya kasi bigla na lamang siyang nakipag hiwalay sa akin na walang dahilan





*" Ayoko na Serenity ayaw ko na pagod na ako sa ugali mo, pagod na ako kakaintindi sayo kaya please lang Serenity palayain mo na ako kasi sobrang nahihirapan na ako" umiiyak din niyang saad pero ayaw kong sumuko dahil alam kong mahal niya pa din ako, alam kong mahal namin ang isat- isa at kailangan namin ang isat-isa



Lumuhod ako sa harapan niya at nagmakaawang huwag niya akong iwan sapagkat hindi ko kaya *" No, no Nathan pleasee kung napapagod ka sakin pleasee magpahinga ka lang, kung nahihirapan ka na sa ugali ko magbabago ako huwag mo lang akong iwan kasi hindi ko kakayanin Nathan lalo na't kailangan kita ngayon." Pilit niyang kinakalas ang kamay na nakayakap sa paa niya upang patayuin ako ngunit ayaw ko ayaw kong tumayo hanggang di niya babawiin ang sinabi niya.




*" Serenity stand up you don't have to beg, you deserve someone better yung hindi ka iiwan, yung hindi mag papabigat sayo, naiintindihan moko?" Saad niya habang hinawakan ang mukha ko ng mapatayo niya na ako. *" Madaming lalake ang magmamahal sayo lalo na't napakabait at ganda mo na sayo na lahat kaya alam kong may mag mamahal sayo."





*" Pero ikaw lang ang gusto ko Nathan, yung pagmamahal mo lang ang gusto ko, ayaw ko sa iba ayaw ko sa kanila kasi ikaw lang Nathan eh ikaw lang ang gusto kong mahalin."





*" Alam kong dadating ang panahon na makakahanap ka din ng lalake ng mamahalin mo, sobra pa sobra pa sa pagmamahal na ibinigay mo sa akin." May halong sakit na sabi niya di ko ma gets kung pareho kaming nasasaktan sa desisyon na to bakit kailangan naming mag hiwalay.





*" Rerespetuhin ko yang desisyon mo Nathan pero ibigay mo sa akin ang araw nato kahit ngayong araw lang, magpanggap tayo na masaya tayo balikan natin lahat ng masasayang alaala na magkasama tayong dalawa, sulitin natin ang oras nato para sa isat-isa bago tayo maghiwalay." Saad ko na umaasang baka sa paraan nato babawiin niya yung desiyon niya. Baka sakaling maisip niya na hindi niya ako kayang mawala.




Binalikan namin lahat ng ginagawa namin, naglaro kami ng basketball sa world of fun, sumakay sa ferries wheel don sa may perya linibot lahat ng ginagalaan namin. Ngunit pag dating ng gabi ay hindi parin nag bago ang desisyon niya talagang buo na ito at wala na akong magagawa pa.




*" Nathan alam mo naman kung gaano kita ka mahal diba? Bakit natin kailangang umabot sa ganito?  Diba sabi mo sabay nating aabutin yung pangarap natin? Bakit moko iiwan?" Hindi ko na mapigilang umiyak ulit sapagkat sobrang sakit ng nararamdaman ko.




*" Alam mo din naman kung gaano kita ka mahal diba? Pero may mga bagay na hindi na mapipilit, lahat ng ito may rason lahat ng nangyayari may rason." Saad niya habang pinupunasan ang mga luha ko *" Mahal na mahal kita Serenity, balang araw maiintindihan moko, at sana sa mga oras na yun mapatawad mo ako. Abutin mo lahat ng pangarap mo, alam kong kaya mo kasi matalino ka eh, Mahal kita sobra" huling sabi niya bago ako tinalikuran at sumakay ng jeep pauwi sa kanila.




At ako naiwan ng luhaan pero hindi ko kayang magalit sa kanya sapagkat alam kong lahat ng ginagawa niya ay makaka pabuti sa akin. Ganon si Nathan, lahat ng ginagawa niya ay para sakin.

______________________________________

I FOUND LOVE IN THE DARKNESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon