CHAPTER 5

3 2 0
                                    

*"Ano ba Xyriel pinagtitripan mo ako eh" pasigaw kong sabi. Hindi man lang ako sinagot ngunit patuloy parin sa pag lalakad habang hawak ang dalawa kong kamay. Kasi kung hindi malamang sa malamang kinuha ko na tong panyo sa mata ko sagabal sa paningin eh. Naramdaman ko na lang na pinasakay niya ko sa kotse, kailan nag ka kotse to? at baka taxi eh bat parang kaamoy ni Aiden to nag tataxi naba si Aiden ngayon? di naman sila close ni Xyriel para makisakay kami diba. Tsaka nag rerent lang naman daw siya ng sasakyan para cool daw.



*" Xyriel bitawan mo yung kamay ko, wala akong makita kunin mo to" reklamo ko pa


*"  Malamang may takip mata mo pano ka makakakita jusko ang talino mo Serenity tapos sa ganito lang di mo ma gets"


*" Pag itong kamay ko maigalaw ko lang sinabunutan na kitang bruha ka" pano ba naman kasi? kanina hawak hawak niya lang ngayon pinosasan na. niya yung kamay ko. Saan naman niya nakuha yon? daming pakulo sa buhay eh kung pakuluan ko kaya siya ng tubig tapos ipaligo ko sa kanya



*" Kalma malapit na tayo e sa espesyal nga to, ewan ko sayo bakit di mo alam kong anong meron sa araw na to kala ko matalino ka may pag katanga karin pala minsan."

Huminto na yung sasakyan sa lugar na hindi ko alam eh pano ko nga ba malalaman? eh sa lintek na nakatakip yung mata ko, sabi niya mag uusap lang kami di ko alam na kikidnapin pala ako neto.



*" Xyriel kidnapping to, e rereklamo kita sa police sasabihin ko na yung best friend ko kinidnap ako' parang bata kong sabi pero di man lang ako tinugunan patuloy pading siyang naglalakad na ginaguide yung daan namin.


*" Kukunin ko na yung posas mo bruha pero huwag mong kunin yung panyo sa mata mo, pag yan kinuha mo mag fifriendship over tayo akala mo di ko kaya? ahh di ko nga kaya basta huwag mo munang kunin. Kunin mo lang after kong mag bilang ng lima. Gets moko? sagot HAHAHHA" tango na lamang ang isinagot ko sa kanya at hinintay na kunin niya ang posas sa kamay ko at mag bilang ng limang segundo.


Pagkatapos niyang mag bilang dali dali kong kinuha yung panyo sa mata ko kasi handa na akong sabunutan siya. Pero.....



*" Happy Birthday Serenity" Sabay nilang sigaw ni Aiden na tuwang tuwa.


Birthday ko? Birthday ko ba? tanong ko sa sarili ko bakit di ko alam anong petsa naba ngayon? dali dali kong tinignan sa cellphone ko kung anong petsa, March 6 kaarawan ko nga pero di ko alam. Posible ba yun yung di mo alam na birthday mo pala. Tumingin ako sa kanilang dalawa at nakita ko kung ano yung hinanda nila para sakin. May pa tarpaulin pa ng mukha ko, madaming balloons may hawak na flower boquet si Aiden. Maganda sobrang ganda pero bakit di ako masaya? Bakit parang may kulang? Ahh alam ko na ito ulit yung kaarawan ko na hindi na siya ang unang bumabati sa akin, naalala ko pa nung nag 19 ako sinurprise niya din ako yun na yung last na magkasama kami sa birthday ko kasi nag ka pandemic na. Tapos kung birthday naman ako sa ibang araw namin cinecelebrate kasi sobrang layo niya din dahil umuwi siya ng probinsiya.

*" Okay kalang Serenity bat ka umiiyak?" Nag aalalang tanong ni Aiden. Di ko alam na umiiyak na pala ako di ko rin namalayan na lumapit na siya sa akin


*" Wala may naalala lang ako, grabe buti pa kayo naalala birthday ko ako nga nakalimutan ko na eh" pabiro kong saad para di nila mahimigan ang lungkot na nararamdaman ko



*" Makakalimutin ka kasi talaga, lalo na't busy ka pa" sagot naman ni Xyriel bago kami umupo don sa mesang pandalawahan. Pero tatlo kami ah.



//. XYRIEL POV .//

*" Aalis din kasi ako Serenity kaya pang dalawahan lang talaga yan huwag ka ng magtaka I have lots of things to do"  Sabi ko pa sa kanya pero ang totoo alam ko kung ano yung naalala niya sobrang klaro pa sa utak ko kung ano yung naalala niya kaya umiiyak siya


//. FLASHBACK .//

March 6, 2020 kaarawan na ni Serenity at excited akong makita siya kasi may pasok kami ngayon. Sya nga pala grade 12 na kami ngayon at graduating na honor student ng ABM bilib talaga ako sa talino ni Serenity eh yung sasabihan ka niyang halaaaa di ako nakapag review tapos mag rereview nang rush hour na tapos pagkatapos ng quiz minsan perfect at almost perfect. Pero sabi niya kasi mas pumapasok sa utak niya ang nirereview kapag last hour na.


So yun na nga pagkadating ko sa classroom nakita kung di maipinta ang mukha nito. *" Marami na ngang nag greet sakin mismo sa harap mo pa tapos sasabihan mokong nakalimutan mo yung birthday ko" naiiyak na saad neto kay Nathan boyfriend niya.


Minsan kasi matampuhin talaga tong si Serenity lalo na pag importante sa kanya. Natigil lamang siya sa pag rereklamo kay nathan nung oras na ng klase kasi aalis na eto dahil iba din yung classroom ni Nathan.


*" Pssst tawag ko kay Serenity. Anong enemote mo diyan? natatawang tanong ko sa kanya kasi parang bata talaga siya


*" Si Nathan kasi eh di daw naalala yung birthday ko nakakatampo yung ganon" naiiyak niyang saad


Haysssst di ko rin alam kung paanong nakalimutan ni nathan yun e sobrang mahal naman niya itong kaibigan ko. Di ko nalang ulit siya ginulo at nakinig na lamang ako sa aming guro at ganon di naman siya. Pag sa pag aaral kasi sobrang sipag netong kaibigan ko kaya panlaban ko to eh.



*" What is the difference between entrepreneurs and entrepreneurship" tanong ng aming guro


*" Pssst ikaw sumagot turuan kita" bulong neto sakin. yan siya eh kahit alam niyang sagot di yan nag rerecite di kasi competitive gaya ng aming mga kaklase nag rerecite lang yan pag siya talaga yung tinawag ng guro



*" Winona please answer" tawag ng guro namin sa kaibigan namin


At tsaka nag rerecite din yan pag feeling yan di kayang sagutin ng kaibigan namin ay sasaluhin niya ito para di na mahirapan ang kaibigan namin. ambait diba. Kaya ayon tinaas niya yung kamay niya


*" Yes Serenity?" tanong ng aming guro


*" Can I answer the question ma'am the one you ask in Winona?"

*" Yes sure"



*" The difference between entrepreneurs and entrepreneurship is that the entrepreneur is the one who owns the business, while entrepreneurship is your business. For example, I am Selling Rtw, I am the entrepreneur and the rtw is the entrepreneurship." sagot nito bago umupo.



At yung naglakbay ang oras ng kay bilis at lunch time na since graduating na kami konti nlang ang subject namin kaya half day lang ang klase namin.

______________________________________

I FOUND LOVE IN THE DARKNESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon