CHAPTER 23

5 0 0
                                    

Marami pang lumabas na balita about sakin, marami naring umaatras na dapat e endorse ko, but I can't force someone to like me, hinding hindi ko mapipilit ang mga taong magustuhan ako, ang paniwalaan ako. They have their way of thinking at sa kanila na yun kung masama ba ang iisipin nila o hindi. Ang lungkot lang isipin na lahat ng kabutihan mong ginawa ay kakalimutan nila dahil sa isang mali na nakita nila sayo na hindi naman nila sigurado kung totoo.






Kahit gaano ko kagustong ipakita sa kanila ang kabutihan sa puso ko kung masama naman ang tingin nila, can I still prove myself? Para sa akin kasi, let them think kung ano ako kasi kung mag pa pa apekto ako masisira lang ang inner peace ko, inner peace na matagal nawala sa akin at hindi ko na kayang masira pa ulit. It is easy for them to judge without knowing that they are dragging someone into the dark. They didn't know how does it feel. Sa ngayon ang gusto ko lang ang gumaling si Nathan at maging tahimik ang buhay ko at maging masaya kami ni Aiden.




Masyadong maraming tao ang ayaw sa akin ngayon na kahit saan ako mag punta ay maraming nagtatangkang saktan ako, pero mabuti na lamang at hindi ako pinapabayaan ng mga bodyguards ng daddy ni Aiden, mabait na ito sa akin at naging maayos na ang aming samahan. Mabait naman pala siya, masayahin ding tao.




Ngayong araw na ooperahan si Nathan na resched kasi ito dahil hindi pa kakayanin ng katawan niya kaya andito kami ngayong lahat sa hospital dahil gusto naming makita ni Nathan na hinding hindi namin siya iiwan at hihintayin namin siya na maging okay. Pagkapasok namin ng kwarto niya agad tumama ang aming mga mata kaya nginitian ko siya, binalikan niya ang ngiti ko bago niya rin tiningnan sa si Aiden.



*" Pwede ba tayong mag usap?" Mahinang tanong nito kay Aiden. *"Yung tayong dalawa lang sana may sasabihin lang ako"


Kaya napag desisyonan naming umalis muna at bigyan sila ng oras na makapag usap. Pero yung totoo bakit kinabahan ako sa pag uusapan nila, hindi naman siguro sila mag aaway diba.

//. NATHAN'S POV .//

*" I love Serenity so much. Sobrang mahal ko siya na naisip kong hiwalayan siya para mas madali sa kanyang matanggap pag nawala ako sa mundo. Kasi alam kong mahihirapan siyang tanggapin kapag kami pa at ayaw kong mangyari yun. Gusto kong maging masaya siya, makahanap siya ng lalakeng mamahalin siya ng sobra pa sa pagmamahal ko. At alam kong natagpuan niya na yun, nakita ko kung gaano mo siya kamahal at kung gaano siya kasaya sayo. Kaya sana kung ano man ang mangyari huwag mo siyang iwan at patuloy mo siyang pasayahin"

*" You made a mistake when you left her, but I understand you. Siguro pag ako ang nasa posisyon mo ganyan din ang gagawin ko. Pero huwag kang mag salita na parang hindi mo kakayanin ang operasyon kasi kahit andito ako alam kong masasaktan si Serenity pag nawala ka" seryoso nitong saad, ngayon alam ko ng mamahalin niya si Serenity ng sobra kaya mapapanatag ako kahit ano man ang mangyari sa operasyon.



*" Alam mo Aiden si Serenity pala tawa lang yan pero sobrang iyakin din. Yung tipong hindi mo lang siya mapansin iiyak na yan kasi feeling niya galit kana. Feeling niya may nagawa na siyang masama. Sobrang bait niyang babae na palaging inuuna ang nararamdaman ng iba kahit nasasaktan na din siya. Sana maging masaya kayong dalawa. Hayaan pag naging successful man ang operasyon ay lalayo na ako para hindi na ako makapang gulo. Dahil hindi lingid sa aking kaalaman ang nangyayari sa labas."




*" Hindi mo naman kailangang layuan si Serenity dahil alam kong importante ka sa kanya. Sabihin man natin na Fiance niya na ako pero alam kong mahalaga ka pa rin sa kanya kasi may pinagsamahan kayo. Ganyan si Serenity diba kahit anong nangyari sa inyo sa nakaraan patuloy ka niyang patatawarin at bibigyan ng pagkakataon. Ayaw ko siyang paghigpitan dahil may tiwala ako sa kanya at sobrang mahal ko siya na kaya kong respetuhin ang magihing desisyon niya."




*" You are lucky to have her, but she is lucky to have you too. Make her happy because she deserves that. At sana makadalo ako sa kasal niyo if maging succesful ang operasyon."




*" Alam kong mabuti kang tao Nathan at alam ko ding gagaling ka at makakatagpo ng babaeng mamahalin ka kasi deserve mo yun. Saad nito bago lumabas ng kwarto.




Sana nga makatagpo ako, kasi sa ngayon hindi ko pa kayang mag mahal ng iba. Alam kong mali na pero pangako ko na hindi ako mang gugulo. Masaya na akong mahalin siya sa malayo, masaya na akong masuportahan siya sa kasiyahan niya. Dahil ang kasiyahan niya ay kasiyahan ko din. Kailanman ay hinding hindi mawawala ang pagmamahal na sa kanya ko lang kayang ibigay.




Oras na ng operasyon ko at kailangan ko pumasok sa operating room ngunit hindi mahagilap ng mga mata ko Serenity kaya naman ay nag aalala ako ng sobra. Ayaw ko mang pumasok pero kailangan kong mag pa opera para kay Serenity at sa mga magulang ko na umaasang gagaling ako sana sana makayanan ko at kung hindi man panatag na ako na meron isang Aiden ang babaeng pinakamamahal ko.



//. AIDEN POV .//



Ooperahan na si Nathan ngunit wala si Serenity nag aalala na ako alam kong gayon din si Nathan ngunit ayaw kong ipakita sa kanya kasi alam kong hindi siya mag papa opera kaya pag kapasok na pag kapasok ni Nathan sa operating room ayy agad kung pinuntahan ang mga bodyguards upang tanungin kong asan ang Fiance ko.



*" Asan si Serenity bakit wala siya dito tanong ko sa kanila" kaya sumagot naman agad ang isa sa kanila



*" Nag cr lang po si ma'am Serenity sir Aiden" magalang nitong sagot ngunit hindi parin ako mapanatag kaya agad agad kong pinuntahan si Serenity ngunit wala akong naabutan kundi ang panyo niya na lamang. Alam kong sa kanya ito dahil nakatahi ang pangalan niya dito kaya imposibleng akong magmakamali.



Nilibot na namin buong hospital ngunit wala parin kaming Serenity na nakita kaya sobrang takot na yung nararamdaman ko na baka kung ano na ang nanyari dito.



*" Bakit naman kasi hindi niyo sinamahan" galit na sigaw ko sa kanila



*" Pasensya na po sir, ayaw po kasing mag pasama ni Ma'am Serenity kasi sa cr lang naman daw siya pupunta. Pasensya napo talaga"




Anong magagawa ng pasensya nila kung nanganganib ang buhay ng mahal ko.

______________________________________

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 08, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I FOUND LOVE IN THE DARKNESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon