CHAPTER 20

2 0 0
                                    

Andito padin kami hanggang ngayon sa hospital andoon si nanay sa loob at binabantayan si Nathan. Hanggang ngayon ay di pa rin siya nagigising. Sobrang mugto na yung mga mata namin ngunit wala paring kahit isang sign na magigising si, Nathan. Aiden stayed at my side he gives me the comfort that I need and I am thankful that he is here beside me.




Ngayon naiintindihan ko na si Nathan nasagot na lahat ng katanungan ko noon, at ngayon alam kong sa sarili ko na hindi ako galit sa naging desisyon niya noon. At nararamdaman ko ngayon ay pag-aalala. Hindi ko kayang nakikita siya ng ganyan ang masayahing lalake na nakilala ko ay nakahiga ngayon na parang walang buhay.




Dali daling lumabas si nanay para ibalita sa amin na nagising na si Nathan kaya naka ginhawa kami ng maluwang lahat. Pinauna ko silang pumasok sa kwarto ni Nathan kasi sila naman talaga ang pamilya niya. Pero papasok ako don mamaya kasi gusto ko siyang makausap, gusto ko siyang ma kamusta.




Nung oras na papasok na ako ay niyakap ako ni Aiden ng mahigpit na parang ayaw niya akong mawala. Nung binitawan niya ako ay nakita ako ang takot sa mata niya, kaya hinalikan ko siya to assure him na hindi ako mawawala. Nginitian ko siya bago ako pumasok sa kwarto ni Nathan. Nakita ko itong nakapikit at muling idinilat ang mata nung makita ako.


*" Serenity" mahinang pag tawag niya sa akin.



*" Shhhh hindi mo kailangang magsalita muna alam kong nanghihina kapa, mag usap tayo kapag okay kana. Mag pagaling ka Nathan kailangan ka pa nina nanay ay tatay di nila kayang mawala ka kaya pleasee Nathan lumaban ka okay, andito kaming lahat kasama mo kami sa laban kaya please huwag ka munang sumuko." Naiiyak kong saad sa kanya kasi hindi ko talaga mapigilan eh.



*" Magpahinga ka muna bukas pag gising andito padin ako hanggang sa susunod na bukas andito pa din ako. Kailangan mong mag pagaling, malapit ka ng maging police eh ngayon kapaba susuko? Sleep Nathan I'll stay here hanggang sa makatulog ka" hinintay kong makatulog siya bago lumabas ng kwarto, kailangan na talaga naming maka hanap ng donor para sa kanya hindi siya pwedeng mawala hindi namin kakayanin.



Sinalubong ako ni Aiden pagkalabas ko, kaya niyakap ko siya ng mahigpit. *" Dito lang ako Love hindi ako aalis hanggang kailangan mo ko" mahina nitong bulong na may halo ng kalungkutan ang boses





*" Habang buhay kitang kailangan Aiden kaya habang buhay ka mananatili sa buhay gets moko? Mahal kita sobra Aiden sobra pa sa sobra.




*" Mahal na mahal din kita" saad nito at mas lalong hinigpitan ang pagkayakap namin.




Lumipas ang mga araw at unti unti ng nagiging okay si Nathan ngunit kailangan pa din niya ng donor kaya hanap kami ng hanap kahit hirap na hirap na kami. Ayaw naming sumuko kasi alam namin na merong dadating.




Nandito ako ngayon sa kwarto ni Nathan at nagbabalak akong ilalakad ilakad muna siya sa labas para makalanghap naman siya ng sariwang hangin. Si Aiden ay umuwi
muna kasi kailangan niya ding magtrabaho at tumutulong din siya sa pag hahanap ng donor. At tsaka nilipat namin siya sa mas magandang hospital at kompleto sa teknolohiya. Umupo ako sa upuan sa labas ng Hospital parang ala garden ata itong napuntahan namin.




*" Nathan alam ko na yung rason bakit ka nakipag hiwalay sa akin, pero di mo naman dapat gawin yun eh pwede naman tayong lumaban ng magkasama" malungkot kong saad



*" Pero ayaw ko ng mag pabigat sayo Serenity masyado kitang mahal para pahirapan ka dahil lang sa sakit ko"



*" Alam mo din na masyado din kitang mahal noon diba na kahit mahirap ay gagawin ko para sayo."





*" Masaya kana ngayon Serenity, nakita mo na yung lalakeng nagmamahal sayo ng sobra at masaya ako para sayo. At tsaka nang hihina na yung katawan ko hindi ko na alam kong kakayanin ko paba"






*" Ano kaba huwag ka ngang mag sabi ng ganyan Nathan kailangan mong lumaban para sa magulang mo, tsaka hindi doctor ang makakapag sabi kong kailan ka mawawala dahil hindi sila Diyos, ang Panginoon lang ang may alam kung kailan tayo mawawala, kaya huwag kang magsabi nang ganyan dahil di namin kakayahin kung mawawala ka. Nathan lumalaban kami para sayo kaya sana huwag ka namang sumuko samahan mo namang kaming lumaban kasi kahit mahirap ilalaban ka namin. Umiiyak kong saad kasi di na maganda yung sinasabi niya eh.





Pinunasan niya ang luha ko tsaka ako yinakap ng mahigpit *" shhh huwag ka ng umiiyak nasasaktan ako tuwing nakikita kang umiiyak, hindi ako mawawala pangako ko yan sayo hindi ako mawawala lalaban ako para sa inyo kaya huwag ka ng umiiyak" saad nito habang pinapatahan ako.





Binalik ko na siya sa kanyang kwarto para naman makapag pahinga na siya, kailangan niyang maging malakas para pag nakahanap kami ng heart donor ay maooperahan agad siya.





*" Pwede ka bang manatili dito habang di pa ako nakakatulog? Tanong nito sa akin kaya tumango ako.




*" Mag pahinga ka ha kailangan mong maging malakas. Kinantahan ko siya gaya ng dati na nagpapakanta siya sa call para makatulog.






Mahimbing na ngayon ang tulog ni Nathan at andito parin ako binabantayan siya. Umuwi pa kasi sina nanay kasi sabi ko mag pahinga muna sila at ako na muna ang mag babantay. Hanggang sa di ko na malayan na nakatulog nadin ako sa upuan.





Nagising na lamang ako ng maramdaman kong mag vavibrate yung cellphone ko kaya dali dali akong lumabas ng kwarto para sagutin ang tawag ni Aiden sa akin.





*" Hello love, huwag ka munang mag online okay? Hintayin mo ako hanggang sa makabalik ako diyan."




*" Anong nangyayari Love? bakit?





*" Just trust me, love, okay you trust me right? Don't open any social media of yours okay? I love you, I'll be there tomorrow morning, take a rest okay, don't drain yourself tsaka kumain ka ng madami.



*" Okay love, you too keep hydrated okay? I love you and I will wait for you.

_____________________________________

I FOUND LOVE IN THE DARKNESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon