Months had passed and my life went well, Masaya, maliwanag. Di tulad noon na puro kalungkutan ang nararamdaman ko na kahit unting sinag ng liwanag ay wala akong makita. Lahat ng to ay dahil kay Aiden ngayon alam ko na alam ko na kung ano nga ba ang role ng isang Aiden Clint sa buhay ko. He gave me light when we were both in the darkness. He fix me while I fix him. He makes my life better and happier than before. I can't even see myself without him in my life which I didn't expect. Ano nga ba yung Aiden sakin noon maloko, palagi akong pinipikon ngunit sobrang mapagmahal ngayon na kahit kailanman ay hindi ko naramdaman sa iba.
*" Hello love, happy 5th monthsary, months had passed yet I'm still in love with you. Thank you for coming and messing my life, charizz thank you for making me better, thank you for staying with me and thank you for accepting all of my flaws. You didn't know how grateful I am to have you. More months and years for us I love you" Tinext ko siya exactly October 4 at midnight. I posted some pics of us on Instagram with the caption of each other. Bago ko napagdesisyunang matulog.
Nagising ako around 2 am dahil sa ingay sa labas na parang may hinahalungkat na gamit kaya dali dali akong lumabas para matingnan kung ano iyon ngunit magulo na sala lamang ang naabutan ko. Grabe yung takot na nararamdaman lalo na nung may biglang tumakip sa ilong ko and everything went black.
Nagising ako ngunit nakatali na yung kamay ko at may takip yung mata ko, hindi ko na alam kong ano yung gagawin at kung ano yung nangyayari ang alam ko lang na sa loob ako ng sasakyan na bumabyahe.
*" Maawa po kayo sakin huwag niyo po akong saktan" pagmamakaawa ko sa kanila ngunit di man lang nila ako sinagot. Pero ayaw kong tumigil sa pag mamakaawa baka sakaling maawa sila sa akin.
*" Kung sino man po kayo, alam kong mabubuti pa din ang inyong puso. Bata pa po ako at marami pa akong pangarap sa buhay sana naman po ay hayaan niyo kong matupad iyon." Ngunit wala parin akong sagot na natanggap kundi mahinang pagtawa lang. Nawawalan na ako ng pag asa parang wala na talaga akong kawala sa mga taong to naramdaman ko na lamang na huminto ang sasakyan at sapilitan nila akong ibinaba.
Bakit parang buhangin yung nilalakaran namin, jusko po itatapon ba nila ako sa dagat? Ano bang kasalanan ko sa kanila bakit, bakit ginagawa nila sa akin ito. Pano na yung lola ko ang mga pamilya ko, si Aiden di man lang nila ako nakita sa huli kong buhay.
Naramdaman ko nalang na unti unti nilang kinakalas ang tali sa kamay ko pero paano ako manlalaban baka madami sila. Di panaman ako marunong makipag laban. Tapos malamig pa dito tapos naka short lng ako sleeveless na damit buti nalang at di ko tinanggal yung bra ko nung natulog ako. Kinuha nila yung takip sa mata ko at bumungad sa akin ang madalim na paligid. Ngunit may biglang umilaw na maliliit na lights sakto lang na makakita ako ng liwanag. Nung tumingin ako sa likod doon ko na nakita yung roses na idinikit sa pader na Happy 5th monthsary love tapos napapalibutan din ng lights para makita at mabasa ito. Pati yung kisame ay may mga nakasabit na lights may nagkakalat na petals sa sahig na hinangin din. May mesa ng pandalawahan at meron itong kandila at roses. It is very romantic, I like beach date lalo na pag makikita yung sunrise at sunset. Aiden never failed to surprise me, he will always surprise me that I will never forget.
*" Tinakot mo ako akala ko papatayin na nila ako"
*" Sorry love pero nakakatawa ka talaga don sa van I have your video" tawang tawa na saad nito kung di ko lang mahal to ay pinatay ko na to.
*" Can we enjoy this day for us? Can I have this dance?
*" Ang unfair mo Aiden ang ganda ng suot mo tapos ako naka pantulog lang" naka pout kong sabi
*" I love you" saad nito bago ako hinalikan sa labi. Halik na puno mg respeto at pagmamahal.
Sinulit namin ang oras hanggang sa lumabas na si haring araw. Nakaupo kaming dalawa sa buhanginan at nakapatong ang ulo ko sa kanyang balikat habang pinapanuod ang sunrise. A romantic date for me sitting in the sand with the man I love beside me while watching the sunrise and sunset at tinupad ni Aiden yun ng hindi ko sinabi.
*" Let's go alam kong inaantok ka you should sleep now I'll just wake you up if the breakfast is already served. Saad nito at tinulungan akong tumayo at hinatid niya ako sa cabin na kinuha niya.
Nakahiga na ako ngayon sa kama at nagpapaantok ngunit napag desisyon kong mag open ng Facebook, Aiden Clint tagged you in the post, agad ko itong binuksan at naka post yung umuupo kami sa buhanginan na nakatalikod meron din na sa side yung kuha na hindi ko man lang napansin kanina naka caption ang Start a new day with you. Yung isang post naman niya ay yung mga oras na sinurprise niya ko at nakalagay dito, You deserve everything in the world.
Tiningnan ko ang mga comments at puro ito positive at kung meron mang negative at best revenge sa kanila ang yung hindi pansinin lahat ng sinasabi nila kasi mas kilala mo ang sarili mo.
*" Ang ganda talaga ni ate Serenity kahit walang make up at simpleng damit lang"
*" Ate Serenity is very lucky to have kuya Aiden on her side who is always willing to let her happy."
Yes, I am lucky, grateful and blessed that I have Aiden, who always let me feel that I deserve to be loved and to be happy. The man who is always willing to share with me in my struggles and pain. Indeed I am lucky to have him.
_____________________________________
BINABASA MO ANG
I FOUND LOVE IN THE DARKNESS
RomanceAmid the darkness, I have found myself isolated, where my tears go unseen and sobs unheard, and my pain is left unacknowledged. It's hard to express to others that the person I loved the most, and the person they trusted, has left me. This person ha...