Jake's
Nakarinig ako nang sunod sunod na pagkatok. Si Jeljel na ba 'yun? Nakalimutan nya 'bang may duplicate na nakatago sa vase? Minsan talaga medyo makakalimutan nayangkapatid ko e. Bilhan ko kaya nang memory plus?
"Sandali!" sigaw ko. In-off ko muna ang kalan at mabilis na tinungo ang pinto.
"Ano ba Jel alam mo namang..." napatigil ako nang makita ko kung sino ang nasa pinto. Teka hindi naman 'toh si Jel ha?
Ayen's
What the fuck! Sa lahat pa nang makikita ko etong kapatid nya pa? Kapag sinewerte ka nga naman oh. Ganyan pa yang itsura nya jusme naman. Makaalis na nga
"Sandali..." humarap ulit ako sa kanya. Ngayon ko nalang ulit nakita. Akala ko ba nasa dubai 'tong kapatid nya? Kailan pa sya umuwe? At bakit hindi 'toh sinabe ni Jel sakin? Lagot talaga sya sakin.
"Pumasok ka muna" napapikit nalang ako. Nakakahiya naman kung tatanggi ako. Tsaka matagal na yun siguro naman nakalimutan na nya yung nangyari dati.
"Maysakit ka ba bakit namumula ka?" h-ha? Namumula ako? Nakakahiya ka Ayen baka ano isipin nyan kainis
"Ah kase mainit sa labas e" tumango lang sya at dumiretso sa kusina. Hays mabuti naman naniwala sya agad
Nilibot ko ang tingin ko sa bahay. Nasaan kaya si Ayen? Di ba masakit tyan na? Baka nasa kwarto na nya nagpapahinga.
"Oh" inabutan nya ako nang tubig at tinanggap ko naman. Dahil nakaupo ako sa sofa nila nakikita ko yung katawan nya nang malapitan. Shit six pack abs. Grabe nabuild na nya yung ganyang figure sa iilang buwan lang. Pwede na sya magmodel. Dahil sa sobrang pagtitig ko sa katawan nyang nang mala Adonis natapon yung tubig sa damit ko. Yaah ang tanga ko talaga
"Oh Ayen okay ka lang ba? Teka kukuha ako nang panyo" nilapag ko yung baso sa lamesa. Ano 'bang iniisip ko? Isipin nya minamanyak ko sya no way.
Pupunasan nya sana ako nang pigilan ko sya "Sge ako na salamat" ngumiti ako sa kanya at kinuha ang panyo. Feeling naman nito hahayaan ko syang hawakan nya ako.
Feeling ko nakatingin sya sakin habang pinupunasan ko 'yung damit ko. Minamanyak nya ba ako? Nang tignan ko sya nahuli ko syang nakatingin sakin. Pinanliitan ko sya nang mata. Anong sa tingin nya ang ginagawa nya?
"Ah sorry sge tapusin ko na muna yung niluluto ko" pagkaalis nya biglang bumukas ang pinto. Teka. Ibig sabihin hindi masakit tyan nya?
Sobrang gulo nang buhok nya. Yunguniforme nya ang dumi dumi. Tapos may gasgas pa yung mukha nya. Sinasabe ko na nga ba nakipag away nanaman sya. Ang kulit nya talaga sabe ko nang tigilan na nya hindi pa rin nakikinig sakin
"Ah hehe hi Ayen" alanganin syang ngumiti sakin at sinamaan ko pa rin sya nang tingin. Saan ba sya nagpunta? At nagsinungaling pa talaga sya sakin
"Saan ka galing?" napakamot sya sa ulo at tumingin sakin
"Ahm dyan lang bumili nang gamot" pumasok na sya at hinubad ang sapatos nya. Nako Jel wag mo na subukan magsinungaling pa ulit sakin
"Ano nangyari sayo? Bakit basa damit mo? Teka kukuha kita nang damit" tumakbo sya paakyat sa kwarto. Ganyan na ganyan sya kapag nabibisto kong nagsisinungaling. Tatagal sa kwarto at mag iisip nang idadahilan sakin
Jeleanne's
Alam na kaya nya? Galit kaya sya sakin? Ahh sana hindi. Ginawa ko lang naman yun para sa kanya e. Kulang pa nga yung ginawa ko
"Hays ano nang gagawin ko?" humiga ako sa kama at tumitig sakin. Pero muntik na ako malaglag nang makita ko ang mukha nya.
"Ayen..." nanlaki ang mata ko at naka smirk lang sya sakin. Waaah ano nang gagawin mo ngayon Jel. Mapapagalitan nanaman ako nito sigurado
"Masakit pa rin tyan mo?" umiling lang ako at nag pout. Magsasabi na ba ako nang totoo? Pero alam ko magagalit sya nang todo kapag sinabe ko
"Sorry Ayen hindi ko sinabe agad" siguro magsasabe nalang ako nang totoo kase alam ko malalaman nya din eh
"Okay lang. Kahit nakakatampo na hindi mo sinabe sakin. Pero dapat sinabe mo sakin agad para nakapagready ako kahit papaano di ba? Hindi yung susugod ako dito tapos makikita ko sya. Di ba nga hindi okay ang huli naming pagkikita?" teka ano ba sinasabe nya? Dahil ba kay Jake 'toh? Oo nga pala hindi pala sila okay. Pero mukha naman silang okay kanina.
"Ohh oo nga sorry Ayen kahapon lang kase sya dumating e. Sasabihin ko naman talaga kaya lang nakakalimutan ko" bumuntong hininga lang sya. Ganon ba katindi yung nangyari dati kaya halos ngayon apektado pa rin sya? Kung sakin nangyari yun baka halos hindi na ako magpakita sa kapatid ko. Sana lang maging okay na sila. Sana mabalik yung closeness nila
"Pero tell me why did you lie to me? Sabe mo masaket tyan mo at uuwe ka nang maaga pero ngayon ka lang nauwe. Nakipag away ka noh? Umamin ka" oh geez. Kala ko di nya mapapansin e.
"Ah hindi ah. Bakit ko gagawin yun? Alam ko namang magagalit ka. Nung naglalakad kase ako may balat nang saging sa dinadaanan ko kaya ayun nadapa ako. Tapos may dumaan pang sobrang bilis na truck. Mukha tuloy akong basurerang dyosa" napa iling iling lang sya. Grabe galing ko gumawa nang kwento pwede na akong writer nito. Sorry Ayen pero di ko sasabihin sayoang nangyare kanina.
Flashback
5 years ago ..
Lima kaming magkakaibigan noon. Si Jake, Ako, Ayen, Kean at Sophia. Masaya kami noon. Lagi kaming naglalaro. Kumakain nang mangga naliligo sa may ilog at marami pang iba. Pero simula nang nanagyari yun nagbago ang lahat.
"Ayoko na sa inyo makipagfriends" nagulat kaming apat. Nalaman kase ni Sophia na may gusto sakin yung crush nya. Wala na man akong gusto duon. Mas pipiliin ko ang pagkakaibigan naming kesa duon sa crush nya noh
"Bakit naman Sophia? Hindi naman ginusto ni Jel na magkagusto sa kanya si Andrei ha?" pagtatanggol sakin ni Ayen. Tinulak ako ni Sophia dahilan para matumba ako. Nasaktan ako dahil di ko akalain na magagawa nya sakin yun
"Ayoko sa inyo. Lalo na sayo Jel. Mang aagaw" tumakbo sya palayo. At yun na ang huli naming kita sa kanya. Sobra akong nadpress nuon. Feeling ko kasalanan ko talaga pero sabi ni Ayen wala akong kasalanan. Walang may gusto sa nangyari. Pinilit kong ipagpatuloy ang buhay kahit apat nalang kami hanggang sa dumating nanaman ang pagsubok sa pagkakaibigan namin
"Babalik ako" pinilit nyang ngumiti pero alam ko nasasaktan sya. Alam ko ayaw nya kami iwan pero kailangan
"Kean naman e wag mo na kami iwan. Nawala na nga si Sophia pati ikaw din?" ngumiti lang sya sakin at ginulo ang buhok ko. Nakakainis naman e bakit isa isa silang nawawala?
"Nandito naman sila Jake at Ayen di ka nila iiwanan. Babalik ako agad pangako" iyak ako nang iyak nuon habang si Ayen nasa tabi ko lang at lagi akong yinayakap para hindi ko daw mamiss si Kean. Ilang taon ang lumipas hindi na bumalik si Kean. Hindi na rin kami umasa na babalik sya. Ni text ni chat wala. Ni sulat nga wala e. Kaya kaming tatlo nalang. Kinapitan namin ang isa't isa at pinangakong hindi maghihiwalay.
Matapos ang isang taon naging masaya ulit kaming tatlo. Natanggap namin na nawala na sila Sophia at Kean pero dapat ituloy ang buhay. Akala ko wala nang pagsubok na darating pero meron pa pala.
"Jake gusto kita bakit hindi mo ba ako magustuhan?" nakatago ako sa mga halaman dito sa garden nila Ayen. Oo alam ko na may gusto si Ayen sa kapatid ko nahahalata ko pero ni minsan hindi ko sya tinanong dahil alam ko hindi rin sya aamin. Imbis na matuwa nalulungkot ako para kay Ayen dahil wala pa sa isip ni Jake ang ganitong mga bagay dahil focus sya sa pag aaral.
"Sorry Ayen magkaibigan tayo e. Kapatid ang turing ko sayo" nagulat sya pero hindi sya umiyak. Mapait syang ngumiti kay Jake. Naawa ako kay Ayen sana hindi nalang sya naagkagusto kay Jake
"Hindi ko naman ginusto na gustuhin ka pero sige lalayo muna ako at sana pag nagkita tayo wala na akong maramdaman sayo. Na hanggang kapatid nalang din ang tingin ko sayo" umalis na sya at halos dalawang buwan syang hindi nagpakita samin. Nasaktan si kuya at pakiramdam nya kasalanan nya ang lahat. Nang makarecover si Ayen napagdesisyunan ni Jake na umalis at pumuntang Dubai. Masakit para sakin dahil nasira na ang pagkakaibigan namin pero sana kahit yung sa kanila nila Ayen at Jake maayos. Sana yun nalang
End of Flashback
YOU ARE READING
DESTINY AND FATE (ON GOING)
Novela JuvenilFate happens. But you have to choose your own Destiny