Jeleanne's
"Jeleaaaaaaaaaane!" bungad ni Jake sakin. Di lang basta bungad tinapat nya sa tenga ko kaya halos mabasag yung eardrums ko. Ang sweet noh?
"ANO!?" sigaw ko. Hindi lang din basta sigaw. Tinapat ko sa mukha nya para mahimatay sya sa hininga ko dahil kagigising ko lang.
"Watdapak!" patakbo syang pumunta nang banyo ko. Akala mo ha sinisira mo tulog ko._. Akala ko pa naman maganda gising ko dahil Sabado yun pala sisisrain nanaman nya. Kailan ba ako makakatulog nang maayos?
Tawa lang ako nang tawa habang pababa nang hagdan. Napatigil lang ako nang makita sya. Oh nandito pa pala sya
"Goodmorning" bati ko sa kanya.
"Morning" lame nyang sagot. Syempre ano pa 'bang bago? Kahapon pa sya ganyan dapat na masanay na ako
Napakasarap nang mga nakahain sa mesa grabe. Niluto ba 'toh ni Jake lahat? Bakit ang dami naman ata? Tsaka kailan pa sya ginanahan magluto? Tatawagin ko na sana si Jake nang bigla akong sumubsob ako sa hawakan nang hagdan. Sht muntik na ako mauntog._."
"Ay sorry nandyan ka pala di ko napansin ang liit mo--aw" sinapak ko sya sa braso at padabog akong umupo kaharap ni Rain.
Oo na ako na maliit lage nalang nya pinapaalala yun._. Kapag ako tumangkad who you talaga sya sakin
"Ah Rain hindi ka pa uuwe?" I break the silence. Hindi ba nila nararamdaman na nakaka-awkward ang paligid? Ang manhid naman nitong dalawang 'toh
"I don't know" wow nakakatatlong salita na sya infernes. I'm so proud of him. Pero bakit hindi nya alam hindi nya ba alam paano umuwe? Kawawa naman pala sya
"Ah hindi mo ba alam paano umuwe?" narinig kong napaubo si Jake sa tabe ko. Baket ba masama ba magtanong?._."
Nagkibit balikat lang sya at tinapos ang kinakain nya. Ay grabe nagmadali para makaiwas sa tanong ko? Bahala nga sya magaan naman ang loob ko sa kanya kaya siguro naman hindi sya gagawa nang masama. Stay as long as he wants oh di ba ang swerte nya? Wala syang babayarang kuryente at tubig? Afford naman namin bayaran kaya okay lang
"Hanggang kailan mo ba sya pag-iistay dito? At hanggang kailan mo sya papahiramin nang mga damit ko?" malungkot na sabe ni Jake. Ay ang drama eh ang dami nya ngang damit sa totoong bahay namin halos hindi nya nasusuot yung iba tapos hiram lang nang konting damit ayaw pa. Ang damot talaga nito si Jake pagdating sa mga gamit nya pero sya kung manghiram nang gamit sakin halos hindi na bumabalik at kung babalik man halos may damage na
"Ay may pagdrama Jake? Sge na kawawa naman si Rain pag hinayaan natin sya sa kalsada paano pag nasaksak sya o kaya narape omyghad kawawang nilalang kaya sige na pumayaga ka na sige na please favor mo nalang sakin" nag puppy eyes na ako habang nakakakapit sa braso nya. Inis na tinanggal nya ang kamay ko sa braso nya.
"Ang harsh mo talaga sakin Jake huhuhu" I act crying.
"Pabor nanaman Jel? Tapos ano masasaktan ka nanaman? Ay nako ayoko nang pabor pabor na yan NOOOO" pag iinarte ni Jake. Ang arte talaga sarap koronahan nang BEST IN KAARTEHAN AWARD
Okay edi kung ayaw nya wala syang magagawa I'll make Rain stay kung gaano katagal nya gustuhin. Matapos ko hugasan ang plato umakyat na ako para magshower. Saktong pagpasok ko nang kwarto biglang tumunog ang phone ko.
Ayen calling...
Sasagutin ko ba? Ay bahala na nga si Batman
"Hello"
[Jel]
Ramdam ko ang lungkot sa boses nya. Sasabihin nya na ba sakin? Aamin na ba sya na sila na ni Alex?
"Yes?"
[I'm sorry]
"For what?"
[For everything. I know you knew already. Alex told me. Gusto ko sana ikaw ang unang makaalam pero naunahan nya ako kaya sorry. I wanted to see you. I'll make it up to you. Kaya sana Jel mapatawad mo ako]
"Okay sge"
[Park. 3pm. Hihintayin kita Jel]
I ended the call. Hindi ko alam kung ano mangyayari mamaya. Iiyak ba ako? O aarte na okay lang kahit hindi?
"Si Rain?"tanong ko kay Jake habang tinatali ang buhok ko. Gusto ko muna lumabas. Gusto ko mag isip isip kung ano ang gagawin ko mamaya pag nagkita na kami ni Ayen
"Ewan ko alaga mo yun di ba kaya dapat alam mo" pagsusungit ni Jake. Ano 'bang meron sa kanya? Kanina pa sya ha? Nag p-PMS ba sya? Nakakaloka ha
Hindi ko nalang sya pinansin at lumabas na. Gusto ko sana magjogging pero lakad 'tong ginagawa. Tomodo outfit pa ako kung hindi naman ako magjjogging
"Uy Jel nagjjogging ka?" gusto ko sanang sabihin na ay hindi na nagjjumping ako kaya nga ako naka rubber shoes at pangjogging na outfit e. Pero ayoko naman maging rude kaya wag nalang
"Uy ikaw pala Tyrone" bati ko. I decided to jog dahil sayang naman yung outfit ko. Sumasabay naman si Tyrone sa pagtakbo
"Kamusta ka na?" tanong nya. Kamusta? Tinatanong nya kung kamusta ako? Gusto ko sana sabihin na hindi ako okay dahil nagsikreto sakin yung taong pinaka pinagkakatiwalaan ko
"Okay lang naman" sagot ko. Di na ulit sya nagsalita at nagpatuloy nalang kami sa pagtakbo. Naramdaman nya siguro na ayaw ko muna kumausap. Sa pagtakbo ko di ko namalayan na may bato pala sa dinadaanan ko kaya bigla akong natapilok akala ko ma-o-out balance ako pero naramdaman ko nalang na para may nakasalo sakin
"Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko. Nakahawak ako sa mga braso nya at sya naman nakahawak sa likod ko. Kanina ko pa sya hinahanap tapos bigla nalang syang susulpot?
"Ah sge una na ako Jel" paalam sakin ni Tyrone habang nakasalo pa rin sya sakin. AWKWARD. Pakiramdam ko pinagtitinginan na kame
"Ah ano thank you Rain pwede mo ba ako tulungan makatayo?" mabilis nya akong tinayo at tinignan nya nanaman ako gamit ang wala nyang emosyong mukha
"S-salamat" bakit ganun nakaramdam ako nang electricity nang hawakan nya ako kanina? Ang weird
"Saan ka ba nagpunta?" tinuro nya 'yung convenience store na malapit. Hindi ba sya nakakain nang maayos kanina dahil sakin? Grabe nakonsensya naman ako duon
"Ah sama ka nalang sakin tutal iniwan na ako ni Ty. Sana'y naman ako iniiwanan huhu" pagdrama ko. Naglakad kami sa may pinaka malapit na bench at naupo.
Yumuko sya at tinignan ang braso ko. Teka ano 'bang ginagawa nya?
"Ah Rain o-okay lang ako" tinitigan ko lang sya habang chinecheck yung braso ko. Nang mahawakan nya yung braso ko nakaramdam ako nang hapdi. May sugat pala ako? Hindi ko man lang napansin. Pati ba naman yung sugat hindi ko napansin? Saan ko naman nakuha'to?
Nagulat ako nang punitin nya yung laylayan nang shirt nya teka ano nanaman gagawin nya?
Tinali nya yun sa sugat ko. Eh? Pinunit nya pa talaga yung shirt nya para sa sugat ko ha?
"Thank you" di ko alam kung namalikmata ako o nakita ko talaga syang ngumiti. Ang gwapo nya. Ibang iba sa Rain na una kong nakita. Bakit ba kase ang emotionless masyado nang mukha nya?
Pagkatapos nya talian yung braso ko bigla nalang sya umalis. Eh? Umalis nanaman sya? Hay nako Rain dahil sa ginagawa mas binibigyan mo ako nang rason para kilalanin ka pa
YOU ARE READING
DESTINY AND FATE (ON GOING)
JugendliteraturFate happens. But you have to choose your own Destiny