Jealenne's
Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nakita ko si Ayen. Magagalit ba ako o kakalma? Sasampalin ko ba sya? Dahil nagsinungaling sya sakin? Dahil hindi nya ako pinagkatiwalaan?
Natigil ang pag iisip ko nang nakita ko syang papalapit sakin. Halatang hindi sya masaya base sa nakikita ko. Pero baket? Hindi ba nagkabalikan sila ni Alex?
Napatayo ako at niyakap sya bigla. Hindi ko rin alam kung baket pero may nag uudyok sakin para gawin yun. Pakiramdam ko kailangang kailangan nya ako. Kailangan nya nang kaibigan
"Jeleanne.." umiiyak nanaman sya. Nasasaktan nanaman sya. Eto na nga ba sinasabe ko e. Makita ko lang 'yang Alex na yan pipilipitin ko leeg nun
"I'm sorry Jeleanne. Wala akong kwentang kaibigan. Hindi ko sinabe agad. Pero someday maiintindihan mo rin" ha? anong maiintindihan? Gets ko naman e. Na kaya nya binalikan si Alex ay dahil mahal nya ito. Ano pa 'bang pwedeng dahilan?
"Ssh okay lang upo muna tayo" umupo na kami at ayun nga kinwento na nya ang lahat. Nagkita daw sila sa isang bookstore. Nag usap daw sila at umamin si Alex na niligawan lang daw nya yung Annika na yun para pagselosin si Ayen para magkabalikan sila. Napaka walang kwentang dahilan pero wala e sino ba naman ako para hadlangan ang kaisyahan nang kaibigan ko. Saktan nya pa ulit si Ayen hindi na ako magdadalawang isip na upakan sya kahit lalaki pa sya.
"Sigurado ka ba talaga sa desisyon mo Ayen? I mean baka masaktan ka ulit" nakatingin lang sya sa malayo. Malalim ang iniisip. Ngumiti lang sya sakin bago nagsalita
"Oo naman wag ka mag alala sakin hindi ako masasaktan" pero bakit pakiramdam ko may mali. Hindi ko alam kung ano pero may something talaga. Pinilit ko nalang ngumiti dahil ganun naman talaga ang magkakaibigan sinusuportahan ang isa't isa. Sana lang wag na ulit masaktan si Ayen
Gusto ko pa sana na magkasama kami ni Ayen pero aalis daw sya at may alis daw sila ni Alex. Tch. Ang aga aga pa e magdedate na sila. Mahirap talaga kapag lumalablayp na yung kaibigan mo tapos ikaw? Nganga nalang
"Sorry talaga Jel babawi ako okay promise" bumeso sya sakin bago umalis. Ako? Eto naiwan nanaman. Hays makauwe na nga. Nagluto na kaya si Jake? Sana naman oo nagugutom na ako e
Pagdating ko nang bahay nanlaki ang mata ko. Ano 'toh? Bakit ang kalat? Puro bote nang alak tsaka ang gulo nang mga gamit. Teka ano ba nangyari?
"Jake!" sigaw ko. Pero walang sumasagot. Nasaan kaya yun. Naglasing ba sya? Ang aga naman para magpakalasing sya ._.
Umakyat ako sa kwarto at nakita ko syang nakaupo at nakasandal sa kama nya habang may hawak na bote. Tulog ba sya? Parang kanina lang okay pa sya ha? Sa susunod hindi ko na sya iiwanan basta baka ano gawin nya jusme
Kukunin ko sana yung boteng hawak nya pero nagulat ako nang pumalag sya. So gising pala sya.
"Hoy Jake ano ba naglasing ka ba? Isusumbong kita kay mama. Umayos ka nga" tumawa lang sya nang malakas habang nakayuko. Hala natuluyan na ata 'toh
"Hindi *hik* ako naglasheng hahaha *hik* nag huhugash *hik* ako nang plato" sabay akting na naghuhugas nang plato pero bote yung hinuhugasan nya. Napa face palm nalang ako sabay batok sa kanya baka sakaling magising
"Ano ba pinag gagagawa mo Jake? Bakit ka ba naglasing? Sana naman hinintay mo ako bago makauwe di ba? Excited lang? 10 am palang Jake ano ba!" litanya ko. Nilagay ko ang kamay nya sa balikat ko at tinulungan tumayo pero mabigat sya kaya nabitawan ko at napahiga sa kama. Hays sana dumating si Rain para tulungan ako hindi ko kaya 'toh mag isa.
Bumaba muna ako para ayusin yung mga kalat ni Jake. Ano ba kaseng naisip nya at naglasing sya at nagkalat pa? Ako pa tuloy maglilinis. Ay nako Jake minsan talaga hindi kita maintindihan e. Ipapatapon ulit kita sa dating planeta kung saan ka galing kapag ako nainis. Linis dito linis doon. Buti nalang walang mga basag na bagay dito. Mukhang medyo nasa katinuan pa naman siguro si Jake. Kukuha sana ako nang plastik pero muntik na lumabas yung puso ko nang makita ko syang nakatayo sa harapan ko. Sht. Ano ba naman 'tong tao na 'toh. Tao ba 'toh o multo? Wala pa kaming isang linggo magkakilala at magkasama pero pakiramdam ko anytime aatakihin ako tuwing nakikita ko sya. Nanggugulat e
"Ano ba Rain kanina ka pa ba dyan? Saan ka dumaan?" emotionless nyang tinuro yung pinto. Oo nga naman malamang sa pinto sya dumaan alangan sa bintana? Pero bakit hindi ko sya napansin? Ay ewan.
Pumuntang syang kusina at kumuha nang plastik. Tinulungan nya ako na magpulot nang bote at mag ayos nang mga gamit na ginulo ni Jake. Mabuti nalang nandito si Rain kundi baka abutin ako nang ilang oras dito kakaayos
"Ah Rain pwede mo ba ako tulungan kay Jake? Ang bigat nya kase e di ko kaya mag isa" kumuha ako nang batya at bimpo tapos nilagyan ko nang warm water. Siguro naman marunong syang maglinis nang lasing di ba? Kung pwede lang kaseng buhusan nang isang baldeng tubig si Jake ginawa ko na para di nakakapagod e.
Pag akyat namin nakita ko si Jake na tulog na tulog habang nakayakap sa hotdog pillow nya. Parang bata pfffft. Pero naiintriga pa rin ako bakit sya naglasing. Alam na ba nya na nagkabalikan si Ayen at Alex? Pero ang oa naman siguro kung maglasing sya agad. I know my brother hindi sya ganito.
Habang pinupunasan ko sya bigla syang nagising at tumitig sakin
"Duwende ikaw ba yan?" ts. Feel na feel nya talaga akong tawagin sa ganyan. Nakakainis. Pasalamat ka lasing ka kundi ilalaglag kita sa hagdan nang bumalik ka sa katinuan
"Oh ano nanaman" inis na tanong ko. Ngumiti sya sakin. Aba ano nanaman iniisip nito?
"Duwende parang gumaganda ka" ay teka. Tama ba narinig ko sinabihan ako nang kapatid ko na maganda? Teka bago yun ah? Parang bet ko na laging lasing tong si Jake. Di ba sabe nila kapag lasing daw ang isang tao nagiging honest?
Kaso napasimangot ako bigla sa sumunod nyang sinabe
"Kaso mas maganda si Ayen hahaha" hahampasin ko sana sya nang towel kaso bigla syang natulog ulit. Psh. Humanda ka sakin Jake kainis ka talaga argh.
Tapos na palitan ni Rain nang damit si Jake. Amoy alak kase kaya pinapalitan ko. Mabuti nga hindi nagsuka kundi nako bahala sya mag wawalk-out ako sya maglinis nyan.
Napatingin ako kay Rain at nakatingin lang sya kay Jake. Bakla ba si Rain? Hala. Napahawak nalang ako sa bibig ko. Parang hindi naman bagay sa kanya maging bakla. I mean hindi ko ma-imagine na maging bakla sya
Naramdaman nya sigurong nakatingin ako sa kanya kaya napatingin sya sakin. Napailing nalang ako. Kumunot lang ang noo nya. Natawa naman ako ang cute nya kase e. Parang ang inosente nang mukha nya
Lalabas na sana ako nang kwarto para magpalit kase ang init na pero nagulat ako nang biglang hinawakan ni Rain ang kamay ko
"Let's go out" teka. Ano daw? Go out? Inaaya nya ba ako nang date?
YOU ARE READING
DESTINY AND FATE (ON GOING)
TienerfictieFate happens. But you have to choose your own Destiny