Jeleanne's
What? Totoo ba 'yung narinig ko o nabibingi lang ako?
"Wala akong panahon para makipagbiruan sayo dahil una palang ayoko na sayo para kay Ayen" tumawa lang sya at mayabang na tumingin sakin. Kainis. Ayoko talaga sayo tarantado ka
"The feeling is mutual ayoko sayo. Si Ayen ang gusto ko" aba konti nalang masasampal ko na 'tong gunggong na 'toh e
"Si Ayen ang gusto mo? Eh bakit mo ginawa yun sa kanya ha? Bakit mo sya pinagpalit sa isang hitad na ahas ha? Ayan ba ang tinatawag na pagmamahal ha? Saang parte mo ba ako gustong utuin ha?" mahina ko syang tinulak at nararamdaman ko ang mga tingin nang ilang estudyante. I don't want to make a scene pero ang lokohin nya ulit si Ayen? Hindi na ako makakapayag
"Wala kang alam Jeleanne. Kaya wag mo akong pangaralan" umalis na sya at naiwan akong nagngingitngit sa galit sa Alex na 'yun. At ano ang gusto nya ako ang pangaralan nya? Saan ba sya nakakakuha nang kakapalan nang mukha para magmalaki sakin?
"Okay ka lang?" napatingin ako sa nagsalita. Si Angela pala
"I think so" nagkibit balikat nalang ako. Okay nga lang ba ako? Ayun ba ang itinawag sakin ni Ayen kagabe? Pero bakit hindi nya sinabe sakin? Hindi nya ba ako pinagkakatiwalaan?
"Nakita ko kayong nagtatalo ni Alex ha? Tungkol ba kay Ayen" tumango nalang ako at nakikita kong naawa sya sakin. Nakakaawa ba talaga ako?
"Okay lang ako Angela salamat" umalis na ako at dumiretso nang cubicle. Di ko na napigilang umiyak nang umiyak. Di ko alam bakit ako naiiyak e. Naiiyak dahil parang nauwi sa wala lahat nang pinlano ko para sa ikabubuti ni Ayen o dahil sa hindi nya tinuring na kaibigan sa desisyong ginawa nya. Sana man lang sinabe nya sakin. Susuportahan ko naman sya e. Pipilitin ko naman maging masaya kung yun talaga ang gusto nya pero hindi. Kung hindi pa sakin sinabe ni Alex hindi ko pa malalaman.
Chineck ko ang phone ko at halos kay Ayen galing. Puro din missed calls. Siguro hindi muna ako papasok ngayon araw. Hindi ko pa sya kayang harapin at baka masumbatan ko lang sya. Baka masaktan ko lang sya. Okay lang na ako ang masaktan nya kesa sya
Di ko alam kung saan ako pupunta. Lakad lang ako nang lakad. Ayoko din naman umuwe dahil magtataka si Jake at tatanungin lang nya ako nang tatanungin. Nakakapagod. Nakakabingi. Wala akong marinig kundi ang pagbagsak nang mga luha ko.
Naupo ako sa wooden bench at pinatong ang mukha ko sa mga tuhod ko. Nate. Sana nandito ka. Sana masabe mo kung ano ang dapat kong gawin
Tumingala ako sa kalangitan. Madilim na. Mukhang uulan. Uuwe kaya ako o magpakabasa nalang muna sa ulan? Tatayo na sana ako nang may nakita akong lalaki na nasa tabi ko.
"Sino ka!?" napaatras ako dahil masyado syang seryoso. Nakakatakot ang mukha nya. Mukha syang may gagawing masama. Tinignan nya lang ako at wala akong makapang kahit anong emosyon.
Inabot nya yung panyo sakin at nanginginig akong inabot yon. Pipi ba sya? Bakit di sya nagsasalita?
"B-bakit mo ako binigyan nang panyo?" tinitigan nya lang ako. Yung titig na parang tagos sa kaluluwa?
"Salamat" pinunas ko na yun sa mukha ko at siningahan yun. Sorry naman e puno nang sipon yung ilong ko e. Isa pa inoffer nya yung panyo saying naman kung hindi ko gagamitin
Naramdaman ko ang mahihinang ambon na lumalakas. Mabilis akong tumakbo sa pinakamalapit na waiting shed. Hala sigurado nag aalala na sakin si Jake. Itetext ko nalang sya. Oh sht. Deadbat na pala. Anong gagawin ko? Paglingon ko sa tabi ko nakita ko nanaman si Serious Guy. Bakit nya ba ako sinusundan?
Medyo nababasa na yung mga damit namin dahil sa lakas nang ulan. Non sense din tong waiting shed nababasa rin kase kami sa lakas nang angge.
Hays kailangan ko na talaga makontak si Jake. Hindi pwedeng masyado akong magpagabe tapos may kasama pa akong hindi ko naman kilala. Baka ano gawin nito sakin mahirap na.
"May phone ka?" lakas loob kong tanong kay Serious Guy. Wala eh desperada na ako. Nakita ko namang may kinakapa sya sa bulsa nya. Good thing may phone syang dala. Inabot nya sakin yun and dialed Jake's number. Mabuti nalang kabisado ko number nang kolokoy na yon
"He—"
[Oy duwende nasaan ka? Ang lakas nang ulan ha? Di ka pa pumasok kanina blahblahblah]
"Kumalma ka Jake okay lang ako. Tsaka pwede ba pakibagalan yung pagsasalita hindi ko maintindihan"
[Kase naman ikaw hindi ka nagsasabe magdiditch ka pala nang klase edi sana nag mall nalang tayo]
Napa face palm nalang ako. Kapag talaga ditch ang galing nitong si Jake e
"Oo na oo na. Anyways sunduin mo ako sa **** park"
[Ano? Bakit ka nandyan tsaka ang layo nyan sa school mo siguro may katagpo ka noh? Sinasabe ko sayo ayoko pa maging tito blahblahblah]
"Bye Jake"
Ang dami nyang sinabe._.Kung normal na kapatid siguro pagkasabe ko nang place kung nasaan ako malamang binabaan ako agad. Pero si Jake iba e. Parang babae bubungangaan ka muna bago ka sunduin. Hay nako hindi ko alam kung anong meron yang kapatid ko at inuuna yang pagbunganga nya kesa sa safety ko
Binalik ko na kay Serious Guy yung phone nya at nagpasalamat. Bakit ganun? Ang chill nya masyado. Hindi ba sya nagpapanic dahil sobrang lakas nang ulan? Wala 'bang pamilyang nagaalala para sa kanya? Tsaka sa pananamit nya parang mayaman sya. Siguro naman may kotseng pwedeng sumundo sa kanya dito
"May kotse ka?" sht. Nasabe ko yun? Napatakip agad ako sa bibig ko. Magkapatid nga talaga kami ni Jake.
"Ah eh hindi ko talaga intensyong tanungin yun hehe peace?" hindi sya humaharap sakin at nakatitig lang sa ulan. Ganun? Hindi na nga ako kinakausap hindi nya pa ako papansinin.
"Sabe ko nga tatahimik na ako" tinikom ko ang bibig ko at tumitig nalang din sa ulan. Ang tagal naman ni Jake nagkakaroon na nang baha sa pwesto namin at itong katabi ko na glue na ata yung mata sa ulan
Ilang minuto ang nakalipas at nakita ko na rin si Jake. Inabot nya sakin ang isang payong dala nya at nakatitig sa kasama ko
"Sino yan?" he mouthed.
Nagkibit balikat lang ako and mouthed "di ko alam" para kaming tanga dito na nagsasalita pero walang boses. Kung bakit ganito kami mag usap hindi ko rin alam
Aalis na sana ako pero nakokonsensya ako kung iiwanan ko nalang basta si Serious Guy. Binigyan nya ako nang panyo, pinahiram nang phone tapos sinamahan nya pa ako hanggang makarating si Jake. Ang lame naman kung basta ko nalang syang iwan di ba?
"Ahm sama ka?" nagulat din ako sa tinanong ko kay Serious Guy pati din si Jake. Hindi ko sya kilala so baket ko sya pinapasama samin di ba?
Humarap sya sakin at nagsalita "Sige".
Wait nagsasalita sya? O_O
YOU ARE READING
DESTINY AND FATE (ON GOING)
Teen FictionFate happens. But you have to choose your own Destiny