Jeleanne's
One week.
One week since Ayen left.
One week na rin syang hindi nagpaparamdam sakin. Siguro kailangan nya nang time para makapag babang luksa sa lolo nya. Pero namimiss ko na sya. Sana bumalik na sya agad
"Jeleanne kumain ka na. Nilalangaw na yang kinakain mo oh. Gusto mo akin nalang? I can help you" sabe nya. Nandito kami ngayon sa cafeteria, as usual. Umiling lang ako. Wala talaga akong gana. Walang Ayen na nagagalit kapag di ako kumakain. Walang Ayen ang pipigilan akong makipagaway. Namimiss ko na si bestfriend
"Ano ba Rae! Gusto mo lang kainin yung pagkain ni Jeleanne e. May pagkain ka naman dyan. Kaya ang taba---" nagtaka ako kung bakit napatigil si Gino sa pagsasalita. Ayun pala sinasamaan sya nang tingin ni Rae. Yung parang malulusaw ka sa titig na 'yon
"Kaya tumataba ang puso mo e. Masyado kang mabait. Sige na kain na tayo. Ikaw din Jeleanne" pagpapatuloy nya. Kahit pilitin kong kumain wala talaga akong gana. Rae and Gino is my classmates. I don't know kung anong meron sa kanila. Pero they said they're 'friends'. Pero iba kase 'yung nakikita ko sa kanila
"Ano Jeleanne? Akin nalang yan? Sayang e" pag uulit nya. Tumango tango nalang ako. Tama sya masasayang lang 'yung pagkain sakin. Di ko naman kase makakain. Rae is not that chubby. Matakaw sya pero hindi sya tumataba. Lucky right? Wala kase sa lahi nila ang matataba
"Hey classmates" nakasubsob ang mukha ko sa lamesa kaya hindi ko makita kung sino yung nagsalita. Pero boses palang kilala ko. Bakit ba sya nandito?
"Thunder! Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Rae. Nakikinig lang ako sa usapan nilang dalawa
"Wala lang. Pinapasyal ko lang 'tong kagwapuhan ko. Sayang naman kung itatago ko lang" kumunot ang noo ko sa sinabe nya. Ang yabang talaga nitong cheesecake na 'to
"Ah. Kumain ka na eto oh may pagkain pa ako---GINO NAMAN!" biglang napasigaw si Rae kaya bigla kong inangat yung mukha ko. Medyo di ko pa mabuksan yung mata ko dahil matagal akong nakapikit kanina
"Wala ka nang pagkain ngayon. Nasa bibig ko na. You want it? Get it" sabe nya pagkalunok nung mamon. Anong klaseng paglamon meron 'to si Gino? Isang lunukan nya lang yon? Sa inis ni Rae bigla syang nag walk out at iniwan kami dito.
"Ikaw kase bakit mo inasar si Rae my babes. Umalis tuloy" what the?! Babe daw? Hindi lang pala sya mayabang. Babaero pa tsk!
"Maka babe? Hindi naman kayo! Makaalis na nga nawalan na ako nang gana kumain" kinuha nya ang mga libro nya sa lamesa tsaka umalis. Walang gana? Syempre ubos na 'yung kinakain nya
Pagkaalis ni Rae at Gino duon ko narealize na kami nalang ni Thunder ang naiwan dito. Simula nang piniggy ride nya ako parang ayaw ko na sya kausapin. Nahihiya kase ako e. Lagi ko syang sinusungitan tapos gagawin nya yun para sakin? Hindi naman nya responsibilidad na gawin yun di ba? Mabuti nalang okay na 'yung paa ko at hindi na masyado masakit
"Okay ka na ba?" seryoso nyang tanong. Parang ayaw ko gumalaw. Ayaw ko tumingin sa kanya. Parang pati pagtibok nang puso ko pinipigilan ko. Hindi ko rin alam kung bakit e
"Oo" sagot ko. Ano ba naman 'to. Ang awkward nang atmosphere
"Ah Thunder alis na ako may klase pa kase e" tatayo na sana ako nang bigla syang magsalita
"Klase? Absent yung teacher natin di ba? Tsaka magkaklase tayo. It means wala kang klase nang mga oras na 'to" oo nga pala. Nakalimutan ko. Kakaisip ko kay Ayen pati yun nakalimutan ko. Hindi ko alam pero bigla akong naupo. Pwede ko naman sabihin na may pupuntahan ako. Pero hindi e.
"Iniiwasan mo ba ako?" bigla nyang tanong. Napatingin ako sa side nya. Halata nya ba?
"H-ha? Hindi ah! Bakit ko naman gagawin yun?" sabe ko. Tip sa mga hindi makasagot sa tinatanong sayo. Balikan mo din nang tanong. Hanggang wala kayong makuhang sagot sa isa't isa
YOU ARE READING
DESTINY AND FATE (ON GOING)
Teen FictionFate happens. But you have to choose your own Destiny