SHORT UD :)
Jeleanne's
"Anong pangalan mo?"
"Saan ka nakatira?"
"Stalker ka ba nang kapatid ko?"
"Ilang---"
"Teka nga Jake tigilan mo nga sya baka matakot yung tao sayo e. Ako na kakausap sa kanya okay?"daig nya pa imbestigador kung mag imbestiga dito kay Serious Guy. Sinamaan nya lang ako nang tingin at binaba yung kapeng hawak nya
"Nagtatanong lang naman" prente syang umupo sa sofa at para 'bang may hinihintay
"Ano pang ginagawa mo dito?" tanong ko. Nag poker face lang sya sakin
"Syempre baka mamaya may gawin yan sayo wala ako mahirap na" eh? Kaya ko naman sarili ko ._.
Hinayaan ko nalang si Jake at hindi kami matatapos kung papatulan ko sya sa mga kabaliwan nya. Humarap ako kay Serious Guy at namataan kong nakatingin din pala sya sakin
Teka parang kinabahan bigla ako sa tingin nya sakin. "Okay. Anong pangalan mo?"I tried my best not to stutter at mabuti nalang hindi. Tinitigan nya muna ako bago sya nagsalita
"Rain" sabay tingin nya sa labas. Kaya pala panay tingin nya sa ulan kanina may kinalaman pala sa name nya
"Oh ano yan kikiligin na ba ako sa pagmoment nyo?" pang aasar ni Jake.Utak nito talaga. Kausap lang moment agad? Naghanap ako nang mababato sa kanya at nakadampot ako nang glass jar at akmang ibabato ko na sa kanya nang patakbo syang umakyat nang kwarto
Lakas mang asar e. Pasalamat sya wala si Ayen. Hays. Speaking of Ayen inaalala nya kaya kung nasaan ako? Hinanap nya rin kaya ako tulad ni Jake? Siguro naman oo magkaibigan kami e.
Tumingin ulit ako dito sa kausap ko. Hindi ko talaga alam kung robot 'toh o alien na mula sa planetang di nagsasalita e. Isang tanong isang sagot. Halos wala pang sampung salita ang naririnig ko sa kanya hays. Ano 'bang meron ka serious guy? Napaka misteryoso mo
"Nga pala Serious este Rain oo tama saan ka pala nakatira? Paano ka uuwe medyo gabe na?" umiling lang sya at nahiga sa sofa. Wtf!? Wag mong sabihing dito sya matutulog?
"Uy gising! Gising! Papahatid nalang kita kay Jake oy!" kinukurot kurot ko sya pisngi. Inalog alog ko na sya at halos mabali ang braso ko dahil sa bigat nya
"Ano nang gagawin ko? Papayag kaya si Jake na dito ka matulog? Ikaw palang kase matutulog dito tapos hindi pa kita masyadong kilala" hays para naman akong tanga dito. Kumakausap ako nang tulog.
Dahan dahan kong binuksan ang kwarto ni Jake. Tulog na kaya sya?
"Jake" tawag ko. Pero walang sumasagot
"Jake" tawag ko ulit. Binuksan ko ang ilaw at nakita ko syang natutulog na habang may hawak na frame. Kawawa naman 'tong kapatid ko mukhang napagod sa pagsundo sakin kanina
Lumapit ako para sana kunin yung frame pero lumaki yung ngiti sa mukha ko nang makita kung sino yon
"Hay nako hindi pa rin ako nagkakamali. May something ka pa rin sa kanya" sana talaga ikaw nalang yung ginusto ni Ayen at hindi yung Alex na yun na walang ibang ginawa kundi saktan ang feelings nang kaibigan ko. At sana. Sana din talaga matauhan na si Ayen
Lumabas na ako nang kwarto at pinatay na ang ilaw. Pagbaba ko sa sala hinanap ko agad si Rain pero wala sya. Saan sya pumunta? Umuwe na kaya yun? Ts. Hindi man lang nagpaalam. Mga lalaki talaga matapos ang lahat nang effort na ginawa mo iiwanan ka. Ay ang drama ko
"Rain?" chineck ko sa ilalim nang sofa pero wala. Sa aquarium wala rin. Saan na kaya sya nagpunta?
"Ra-- ay kabayong may bangs!" nagulat ako nang nakita ko syang nakatopless. Oh sht. Yung mata ko. Tinakpan ko agad yun
"Why?" inosente nyang tanong.
"Why why ka dyan bakit ba ganyan itsura mo. Ts-tsaka saan mo kinuha yang twalyang gamit mo ha?" feeling ko nag iinit yung pisngi ko. First time ko makakita nang nakatopless my goodness sa isang estranghero pa
"Sofa" what? Sofa? Teka. Tinignan ko ulit yung sofa at naalalang sakin yung twalyang yun. Duon ko pala nalagay sa kakamadali ko kanina. Pinatuyo ko kase saglit buhok ko at duon ko nalagay
"Waaaaaa akin yan hubarin mo" sigaw ko. At akmang huhubarin nya talaga. Kyaaaah jusko yung mata ko oh no. Lord bata pa po ako ayoko pa po magkasala
"Waaag! Teka wait ka lang dyan ikukuha kita damit" mabilis akong tumakbo papuntang kwarto ni Jake. Tulog na tulog pa rin siya. Mabuti nalang hindi nya narinig yung pagsigaw ko kanina
Di ko na tinignan kung ano yung kinuha kong damit basta kumuha ako. Bahala na bukas kung paano ko ipapaliwanag kay Jake.
"Oh" hinagis ko sa mukha ni Rain yung damit at shorts na kinuha ko. Aakyat na sana ako nang magsalita sya
"Wait" nilingon ko sya at tinignan nang ano-pang-kailangan-mo-look. Naghintay ako kung anong sasabihin nya pero nakatitig lang sya sakin.
"Ano pa bang kailangan mo?" lumunok sya bago nagsalita
"Brief"
YOU ARE READING
DESTINY AND FATE (ON GOING)
Roman pour AdolescentsFate happens. But you have to choose your own Destiny