Chapter 17

41 9 0
                                    

Jeleanne's

"ANO?" bigla akong napatayo nang marinig ko ang sinabe ni Jake

"Pwede ba maupo ka muna Jel? Di pa kase ako tapos sa sinasabe ko" hinawakan nya ako sa braso at pinaupo. Kase naman hindi ko inaasahan yung mga sinasabe nya sakin ngayon

"Okay. Hindi sya tumatawag sayo kase baka pag narinig nya ang boses mo. Mapauwe sya dito" kumunot ang noo ko sa sinabe nya. Hindi pa rin sapat na dahilan yon

"Pero bakit sayo sya tumatawag! Ang unfair" sabay crossed arms ko. Si Jake ba bestfriend? Sya ba?

"Ikaw duwende napakaselosa mo" sabay pitik sa noo ko. Eh kung sya kaya pitikin ko? Ah basta kahit ano sabihin nya nagtatampo pa rin ako

"Heh!" pinagpatuloy ko nalang ang pagkain sa ice cream. Susulitin ko na minsan lang 'to manlibe

"Tatawag naman sya sayo e" mahina nyang sabe. Hindi ko pa rin sya pinansin at nagpatuloy sa pagkain nang ice cream. One week nang tumatawag sa kanya si Ayen tapos ngayon nya lang sasabihin?

Pagkatapos naming kumain ay naglibot libot pa kami nang kaunti sa mall. Kwento sya nang kwento tungkol kay Ayen. Nang iinis ba talaga sya?

"Galit ka pa ba duwende?"

"De"

"Weh?"

"Oo nga"

"Di nga?"

"Hindi nga. Pwede ba?"

"Eh bakit ganyan ka?"

"Wala pagod lang ako. Uwe na tayo"

"Sorry na kase please?" sabay yakap sakin. Kadiri talaga 'to si Jake. Di nya ako madadaan sa paganyan ganyan nya

"Jake!" sigaw ko. Trying to remove his hands on my arms.

"Di kita bibitawan hanggang di tayo bati. Grabe ang liit mo pero ang tab--aw!" siniko ko sya pero hindi pa rin nya tinatanggal yung kamay nya sa braso ko. Parang backhug ganun?

"Oo na bati na tayo. Bitaw na" mahina kong sabe. Mabuti naman at binitawan nya na ako. Kundi tatawagan ko si mama ngayon na mismo

"Napakamatapuhin mong duwende ka" I rolled my eyes at naglakad na palayo. Bahala ka Jake nakakainis kayo ni Ayen. Nakakatampo

"Oy hintayin mo ako!" sigaw nya. Hindi ko pa rin sya pinansin at patuloy pa rin sa paglalakad. Nakarating na ako sa labas nang mall pero wala pa rin sya. Saan na napunta yun? Napakalaking tao pero ang kupad kumilos

Pero 'yung inis ko kay Jake napalitan nang malaking tanong sa utak ko. Tanong kung bakit ganun si Rain. Kung bakit di nya ako maalala. Kinalimutan na ba talaga nya ako? Alam ko wala akong karapatan na masaktan dahil hindi nya ako naalala kanina. Isang buwan palang naman kami magkakilala di ba? Pero bakit ganun? Nung nagkita kami kanina at tinanggi nya ako parang may part sakin na sumakit. Parang lahat nang pinagsamahan namin sa isang buwan na yun binalewala nya. Na hindi nya ako tinuring na kaibigan.

Naputol ang mga pag iisip ko nang biglang sumulpot si Jake sa harapan ko. Tinapat nya sa mukha ko ang isang box nang donuts.

"Oh anong nangyare? Kala ko ba okay na? Pero bakit parang naiiyak ka dyan?" nang sinabe nya yun ay hinawakan ko ang mata ko. Bakit parang hindi naman?

"Joke lang HAHAHAHA. Nakakatawa ka talaga duwende. Tara na" sabe nya sabay gulo sa buhok ko. He's doing it again

"Jake!" mabilis syang tumakbo papuntang kotse. Pero ang totoo kahit na inis ako kay Jake. Masaya ako. Kase may kapatid ako na tulad nya. Sya yung lakas ko. Sya yung nagpapasaya sakin kapag may problema ako. Parang. Parang si Ayen. Parehas silang dalawa. Kaya bagay na bagay e.

DESTINY AND FATE (ON GOING)Where stories live. Discover now